Gitara
Kay bilis lumipas ng araw. Parang kailan lang kakasimula ko palang sa unibersidad na ito.
nakatagpo ng mga bagong kaibigan kahit hindi naman inakala.
"Wuhooo!" Nakabibinging hiyawan ng mga estudyante. nakabusangot lang akongnanunuod sa kanila dahil hindi ko nais ang maingay na kapaligiran. Para silang mga palaka at kuliglig sa sobrang ingay. Ano pa bang iniexpect ko sa mga ganito?
"Nakabusangot ka?" Tanong ni George sa akin.
"Maingay." Nakangusong tugon ko sa kanya.
"Hey girls!" Bati ni Ezer. Naging magkaibigan na kami. Kaklase pala siya ni George at paminsan-minsan sumasabay siyang kumakain sa amin.
Hindi ko siya pinansin dahil wala ako sa mood.
"Ang hirap magkaroon ng kaibigang moody." Bulong niya sa akin na agad ko namang nilingon. Nakangiti lang siyang nanunuod sa mga naghihiyawang estudyantye na nasa quadrangle.
Kahit magkaibigan na kami na siya lang naman ang namilit, feeling ko pa din ang fc niya masyado. Hindi naman talaga ako malapit sa mga lalaki, maliban sa mga kuya ko. I just don't like to be with them. Yah!
"Aalis nga nga pala ako, Alisson." Untag ni George.
"Saan ka naman?" Tanong ko.
"Basta! Samahan mo nalang siya muna Ez." Patapik-tapik niyang saad kay Ezer.
"Oo ba! Ako na bahala kay Ms. Sungit ko." Leche!
Umalis na si George ng may katawagan. At talaga nga namang may nililihim na ang aking kaibigan sa akin! Malilintikan to sakin mamaya!
"Tayo na?" tanong ni Ezer.
"Anong tayo na? Nanligaw ka ba?" Bumilog ang kanyang mata na parang nagloading muna ang sinabi ko at biglang napahagalpak ng tawa. Fuck. Bakit siya tumatawa na parang baliw? Pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa lobby!
"Seryoso ka? Hahahaha assumera ka talaga eh no?" Tugon niya na tumatawa pa din. Nakahawak na siya sa kanyang tiyan.
"Mamamatay kana diyan? Damn you!" Sabay talikod sa kanya ngunit hinawakan niya aking palapulsuhan.
"What?!" Singhal ko sa kanya.
"Easy ka lang nga." Natatawa pa din niyang tugon. "Yung sagot mo kasi hahaha." Patuloy pa rin siya sa pagtawa. Kung bayagan ko kaya 'to ng matigil na!
"Anong meron sa sagot ko?" Taad kilay kong tanong sa kanya.
"Anong tayo na? Di ka pa nga naliligaw eh. Hahahahaha! What I mean is, tayo na, tayo na't umalis kasi tapos na ang program." Namula ako sa pagpapaliwanag niya. Teka. Pisti! Ang slow ko naman nun! Nakakahiya!
Siguro kasing pula ko na ang kamatis sa ngayon. Tumalikod ako sa kanya at aalis na sana ngunit sa pangalawang beses, hinawakan niya naman ang kamay ko. Hinarap ko siya and what he did shocked me! He intertwined our fingers! Taena! Bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko! Sparks beeees!
"Liligawan naman kita eh, iyan ay kung papayag ka." Putanginang lalaki 'to! Para akong naiihi na parang hinahalukay yung tiyan ko! Kinikilig ako huwengya!
"Ewan ko sayo!" At talagang uamlis nako sa harap niya. Nilingon ko siyang muli. "Ano na? Tayo na!" Pagalit kong saad sa kanya.
"Manliligaw pako, tayo na agad?" Nakangising abot tenga niyang tugon. Damn this guy!
"Pu. Tang. Namo!" Naramdaman kong nasa likod ko siya at sumusunod na humahalakhak. Magiging bad mood talaga ako sa buong araw nato.
Nilibre niya akong kumain sa isang fastfood na nakangiti lang talaga siya the whole time. Yung dimples niya sumisilay! Nawawala yung mata niya kahit di naman chinito. Nakabusangot lng ako.
Natapos na kaming kumain at nasa labas na ng kainan.
"Uwi nako." Untag ko nang di siya nililingon.
"Samahan mo muna ako?"
"Saan naman?" Napatingin nako sa kanya at nakataas na naman ang isang kilay.
"Kukunin ko lang yung gitara ko na hiniram ng kaibigan ko sa may I.T Park." May pilyong ngiti pa rin pero di na katulad nung mga lumipas na oras.
"Maaga pa naman, sige."
"Ayos!" Bulong niya na para din namang sinigaw niya kasi dinig ko din. Psh!
Nakarating na kami ng I.T Park at nagpunta siya sa isang matayog na gusali. Condominium ito. Nasa lobby lang kami at nang may biglang lumapit kay Ezer at ibinigay ang gitara.
"Ay oo nga pala JC, si Alisson nga pala." Sabay halakhak niya na naman. Nakipag-kamay naman iyong si JC sa akin at dahil mabait ako at talagang mabait ako ay tinanggap ko naman. Respect.
Nagpaalam na si Ezer at lumabas na kami at talaga nga namang parang pinaglihi itong lalaking ito kay Dora at di ko alam kung anong konek nun.
Nagpunta kami sa isang coffee shop, ewan ko dito kung bakit kami nandito. Pumunta siya sa likod at may hagdan roon papuntang taas.
Humakbang siya. "Hoy! Anong ginagawa mo? Trespassing yang ginagawa mo uy!" Pabulong ko lang na saad sa kanya.
"Sumunod ka nalang." At wala akong nagawa't sumunod nalang ako. Bahala na siya.
Namangha ako nang buksan niya ang pinto. Namangha ako sa mga gamit sa loob. Napatakbo ako sa giliw! Shit! Ang ganda ng mga music instruments at iyong mga equipments for recording. Napakalamig din ng silid, parang siya lang noon.
"Kanino tomg mga 'to." Nakangiti kong tanong sa kanya.
"Sa pinsan ko. Gagawa kami ng cover." Shit!
Umupo siya sa couch at ako naman nilibot ng tingin lahat ng gamut roon.
"Can I?" Tanong ko sa kanya dahil gusto kong hawakan at ma experience ang mga iyon.
"Yeah." Nakangisi niyang sagot. "Manghang-mangha ka. You like this place?"
"I love it! May music room kami sa bahay pero hindi ganito ka ganda kahit naman magaganda at mamahalin ang mga gamit pero iba dito eh! Ang ganda lang!" Umupo nako sa tabi niya at kinuha ang gitara sa tabi.
I start strumming the guitar.
Hindi sa pagmamayabang, marunong ako halos lahat ng instrumento.
Sa wari ko'y lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising at ngayo'y babawi na
Muntik nang masanay ako sa aking pag-iisa
At kaya nang iwanan ang bakas ng kahapon ko.Tahimik lang siya kaya nilingon ko. Nakatulala lang siya sakin na nakangisi.
"Continue." Pinagpatuloy ko.
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Magbago man ang hugis ng puso ko
Handa nakong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin...Huminto nako at itinapon sa kanya ang gitara dahil kinuha ko iyong chips sa tabi.
Fuck! I remember something shitness! Memories that really needed to forget now.
BINABASA MO ANG
Tadhana
Teen FictionPinagtagpo nga lang ba at di tinadhana? Sino ang pipiliin ni Alisson? Pipiliin ba niya ang lalaki na naging parte na ng nakaraan at alaala nalang? O ang lalaking magbibigay ng masasaya at di malilimutang alaala? O pipiliin niya nalang ang kanyang...