Kabanata 8

229 4 0
                                    

Walis

Naramdaman kong may kung anong malambot na bagay na dumadampi sa aking mukha ngunit iyon ay hindi naging dahilan upang diwa ko'y magising.

The soft thing keep on kissing my face- WHAT?!

Minulat ko ang aking mga mata. "Good morning Sweetheart." Sabay halik niya sa aking noo.

She's back.

My dear mother is back.

Bumangon ako at dali-daling niyakap ng mahigpit ang babaeng nasa aking harapan. Hinalikan ko din siya kagaya ng ginawa niya para magising ako.

"Baba na tayo? Kakain tayo ng sabay." Malaking ngiti ni Mama habang sinasambit iyon. Wala akong isang salitang nasambit. Ngiti lang ang nagagawa ko. Ayaw kong magsalita at baka mahimatay si mama, loko lang.

Unang lumabas si mama at ako naman ay dumiretsong banyo para mag-ayos.

Naririnig kong nag-uusap sina mama at kuya. Nilingon nila akong nakangiti.

"Sino nagluto?" Tanong ko habang nilalagyan ni mama ng pagkain ang aming pinggan.

"Si mama, malamang." Sarkastikong sagot ni Kuya Tom sa akin. Inirapan ko lamang siya.

"Anong oras pasok mo, sweetheart?"

"9:30 po ma."

"Ako na maghahatid sayo" Nakangisi na naman niyang tugon sakin.

Napapansin kong laging nakangisi si mama. Ang weird. She's not like this, before. Bahala na nga. Iisipin ko nalang ang ngayon bahala na iyong noon.

Pagkatapos kong matapos kumain, umakyat nako sa aking kwarto at ng makaligo na. Isinuot ko na ang aking uniporme, naglagay ng pulbo at kaonting tint lipstick para di masyadong maputla tignan. Walang suklay-suklay akong bumaba ng at sumakay sa kotse ni mama.

"I'll just text you, may imemeet lang akong client. Anong oras ang labas mo?" Tanong ni mama sa akin.

"4:30 po ma." Nakangisi kong tugon habang kinakalas ang seatbelt.

"Okay. Bye Sweety."

"Sige, bye ma." Tugon ko at yumakap sa kanya. Lumabas nako ng kotse at pumanhik sa entrada ng unibersidad na aking pinapasukan.

Iba ang aking landas na tinahak. Napagpasyahan kong dumiretso muna sa canteen at masyado pang maaga. Bibili lang ako ng maiinom.

Nakalinya nako ng may maingay sa aking likuran.

"Alis."

"Hoy walis!" Tawag ng tawag iyong lalaki sa aking likuran. Leche! Sino ba tinatawag nito? Psh!

"Hoy Alisson!" Nagulantang ako ng sumigaw siya malapit sa aking tenga.

"Shit! Dafaq dude!" Bulyaw ko sa kanya.

"Ay sorry naman. Kanina pa kaya kitang tinatawag, bingi ka ba?" Tanong niya sakin.

"Are you? Wala akong narinig na binanggit mo ang pangalan ko, Ezer."

"Ay? Okay, from now on, I'll be calling you Walis. Hi Wali-"

"I am Alisson, hindi Alis o Walis. Galing din, sobrang feeling close, ah." Pagpuputol ko sa kanya.

"Ouch. Too harsh Walis." Aktong nasasaktan kuno siya. Umirap lang ako sa kanya. "Gusto lang naman kitang maging kaibigan." Pagpatuloy niya.

"Magiging magkaibigan, magkakadevelopan, manliligaw, magiging tayo, magkakalabuan at maghihiwalay. Mga galawan."

Humagalpak siya ng tawa na akalain mong matagal na kaming magkakilala. Nakakapikon to ah!

"Mamamatay kana ba diyan?" Tanong kong nakatingin sa kanya na nakahawak sa kanyang tiyan habang tumatawa pa rin.

"Di ka lang pala masungit, asuumera't feelingera din." Kumalma na siya pero nakangising aso pa din.

"Leche ka!"

"Libre nalang kita?" Pag iba niya ng topic.

"May pera ako. Kaya ko." Binayaran ko na iyong aking binili at naglakad na papuntang silid. Sumabay siya sakin. Nilingon ko siya at ang lintek, nakangisi.

"Nakakainis ka!" Huminto ako't hinarap siya at tinakpan ang mukha.

"Bakit?" Pacute na natatawa na nakangisi niyang tanong sa akin.

"Nakakainis iyang ngisi mo. Nakakainis iyang dimples mo. Nakakainis kang sumasabay sakin. Nakakainis ka!" Huminga ako ng matapos ko iyon.

Di siya tumugon at nagsimula nalang ulit kami maglakad. Bwesit.

"Nasa taas pa room ko. Bye." Nakangisi na naman niyang sambit. Naku! Poker face ko lang siyang tinignan at tinanguan.

Bakit?

Bakit lahat ng tao laging nakangisi? Hindi ba sila napapagod? Kasi ako, napapagod at nangangalay sa ginagawa nila.

Pumasok nako ng silid at nakita si Lyka na nakangisi din. Does everybody now really wants to smile all day? Bakit ako hindi ko kaya? Oo nakasmile ako pero minsanan lang. Umupo nako at patakbong nagtungo si Lyka sakin at umupo din sa katabi kong upuan.

"Narinig ko iyong kasama mo pakyat rito. Sino yun? Jowa mo?" Nakangising aso at pataas-taas iyong kilay niyang tanong sakin. Umirap lang ako at kinuha ang headset sa bag at dinedma siya.

Hindi ko na alam kung ilang beses nakong umirap sa araw na ito.

Niinis talaga ako sa lalaking iyon. Mukhang mabait naman. Mukha nga lang. Ay bahala na nga. Bahala siya.



Wengya! Ilang araw ko nang di nakikita si Ezer hahahahahahaha adieus~

zhee~

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon