Kabanata 3

489 12 2
                                    

Kabanata 3

Tumunog yung phone ko dahil sa mga notifications sa lahat ng social media accounts ko. Nagbihis muna ako bago tignan lahat ng iyon.

Nakita ko ang message ni Anne at binasa.

Annetoot~

Video call tayo with George. Tell her. I'll call after my class. Ciao~

Agad ko naman siyang nireplayan.

AliGanda~

Okay fo.

Baka may ano na naman itong babaeng 'to. Dahil sa message ni Anne sa akin, I send a message to George para ma inform siya.

Anne is one of our kababata and matalik na naming kaibigan ni George since elementary pero noong grade 7 kami they migrated to south korea kasi yung mama niya nakapag-asawa ng koreano and kinuha siya at doon na pinag-aral kahit labag sa loob niyang iwan kaming dalawa ni George wala na naman siyang magagawa kaya sumunod nalang ang gaga dahil pangarap din naman niyang pumunta doon para makita ang paborito niyang/naming Bigbang. Nakakainggit nga ang baliw eh.

Baka kukunin kami ni Anne para makapagbakasyon doon ng ilang araw lang? Damn! Nakakainggit. Kaso nakakatamad ding bumyahe-biyahe. Ako'y isang dakilang tamad.

Georginna~

Okay.

Binuksan ko na ang laptop ko at dinala sa kitchen dahil magluluto ako ng dinner ko na para sa akin lang.

Habang naghihintay ako sa tawag ng isa sa matalik kong kaibigan, nagsimula na akong magluto ng paborito kong pasta. Nag gigisa ako ng biglang tumunog ang laptop ko na hudyat ng tumatawag na si Anne na kinonek na kay George na agad namang sinagot nito at ako rin.

"Yo gals. Annyeong." Pasimula ni Anne.

"Don't us Anne. Wag kang mag hangul at ng masampal kita pag umuwi kana dito." Tugon ni George na dahilan ng tawanan naming tatlo.

"Yo Anne." Singit ko sa dalawa.

"Yo Ali. Busy ka ata? Ikaw lang mag-isa?" Tanong ni Anne.

"Ya. Nagluluto ako ng carbonara." Nagpapainggit sa kanilang dalawa.

"Carbs. Diet kami. Chos hahahaha" tugon ni George.

"Go, spill it Anne. Good news or Bad?" Tanong ko.

"Gorabels na uy. Sabihin mo na!" sabat ni George.

"Nagmamadali? Psh. Uuwi na ako diy-"

"REALLY?" Sabay naming tanong ni George sa kanya.

"Paasa ka pa naman." sumbat ko sa kanya.

"Yaas. Diyan nako mag-aaral kasi naman mamamatay nako sa kakakorean dito. Araw-araw dumugo pagkatao ko"

"Ay, ang OA niya. Iyan naman talaga gusto mo diba? Pero syeeet! Uuwi kana. Manlilibre kana ulit!"

"Wag ka nalang umuwi." natatawang tugon ko sa usapan at dahilan ng pagbusangot ni Anne. "Joke lang hahahaha. Miss kana namin. Nakakasawa pagmumuka ni Georginna."

Nagpatuloy lang kami sa pagchichika hanggang sa nagpasyahan na naming tumigil na dahil nakakapagod na panoorin mga muka nila sa screen.

Pinatay ko na ang laptop ko at umakyat sa aking kwarto para magpahinga na ng napadaan ako sa storage room namin. Pumasok ako at hinanap ang switch para magkailaw sa silid. Nakita ko ang mga lumang gamit namin nina kuya. Iba kasi ang imbakan ng mga gamit namin sa kay mama. May isang box akong nakita at binasa ang nakasulat.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon