Chapter Four(Tagaytay Trip)

940 20 4
                                    

Marcus POV

Isang linggo na ang nakakalipas at nakalabas na nga ako sa ospital. Nandito kami ni Boo sa Tagaytay. Buti na nga lang at naintindihan ni Tita Arny ung sitwasyon ko.

Flashback

Kinakabahan talaga ako. Sana payagan talaga ako ni Tita.

"Oh Marcus. Napadaan ka? Wala dito si Herlane nasa bahay nila Sarah." Sabi ni Tita habang pababa sa hagdan.

"Hindi naman po si Herlane ang pinunta namin dito eh." Sabi ni Lucas.

"Kung ganon...anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Tita.

"Uhm. Tita gusto ko po sanang makasama si Kers kahit sa isang buwan lang po. Tita kase, aalis na po ako sa katapusan. At, hindi na po ako babalik dito sa Pinas. Kung babalik man po ako bakasyon na lang. Tita sana po maintindihan nyo ako. Tita mahal na mahal ko po si Kers. Not as friends, as a woman. Gusto ko lang po syang makasama hanggang sa makaalis ako. Please Tita, pagbigyan nyo na po ako." Nagmamakaawang sabi ko.

"I understand you Marcus. Just keep me updated kung nasaan man kayo o kung ano ang lagay ng anak ko. Papayagan kita na makasama sya basta walang hihigit pa sa yakapan. Ayos ba sayo yun?" Tanong ni Tita. Gumuhit ang malapad na ngiti sa aking labi.

"Ok na ok po yun Tita." Nakangiting sabi ko.

"So saan mo ba balak dalhin ang anak ko ngayon?" Tanong ulit ni Tita.

"Sa Tagaytay po sana. Buong isang araw po kami dun. Tita gusto ko po sanang hindi ito malaman ni Kers." Sabi ko.

"Sure sure." Sabi ni Tita.

End of Flashback

"MARCUS LEX RAMIREZ!!!!!" Sigaw ni Boo sa tenga ko.

"Ano ba Boo?! Nakakabinge ka." Sabi ko.

"Kanina pa kasi kita tinatawag hindi ka naman sumasagot. At tsaka kanona pa kita tinatanong ah." Sabi nya. Aish.

"Ano ba ung tinatanong mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ang tanong ko ay, kailan tayo kakain? Lunch na kaya. Lutang ka na naman kasi eh." Sabi nya.

"Gutom ka na ba?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Oo. Kanina pa kaya nagwawala ung alaga kong dinosaur." Sabi nya habang naka pout at hinihimas himas ang tyan nya.

*brugh*brugh*
[A/N: sound po yan ng tyan na gutom.]

"Gutom ka na nga. Tara kain tayo sa bag of beans." Sabi ko.

"Huh? Masarap ba dun?" Tanong nya.

"Yup. Sobra." Sabi ko. Pumunta na kami sa parking lot at sumakay sa kotse.

"Boo, nakita ko si JD kahapon. Ang gwapo nya pala talaga sa personal noh." Sabi nya. JD? Ah ung lalaking sobrang yabang na kala mo kung sino.

"Oh talaga?" I tried not to sound sarcastic but I can't.

"Boo, may galit ka ba kay JD?" Tanong nya. Sino ba ang hindi magagalit dun? Mas mayabang ba sa hari ng kayabangan.

"Wala." Sabi ko. Itinuon ko lang ang paningin at atensyon ko sa pagmamaneho. Nakakairita na talaga ung JD na un ah. Kung nagtataka kayo kung sino si JD.

Sya lang naman ung lalaking nakasuntukan ko bago ako maospital. Sya si John Dreil Romero. Kasing edad ko lang din.

"Boo naman eh. Wag kang ganyan." Sabi ni Boo. Di ko sya pinansin.

"Nandito na tayo." Sabi ko. Pinark ko ung kotse at tsaka bumaba. Inalalayan ko Boo na makababa. Hinanap ko sila Lucas. Nandito sila Lucas para naman may katulong kaming kumain. Buffet style kasi dito.

"Marcus." Tawag ni Lucas sa akin. Lumapit na kami sa kanila. Di ko alam pero wala akong ganang kumain. Etoh na ba? Etoh na ba ang sintomas ng sakit ko?

"Oh Boo may sakit ka ba?" Nag aalalang tanong ni Boo.

"Wala. Bakit?" Tanong ko.

"Namumutla ka Marcus." Sabi ni Sarah. Tinignan ako ni Lucas. Nag alala lang siguro sya.

"Marcus tara usap tayo." Sabi ni Lucas. Lumabas muna kami. "Marcus, habang tumatagal lalong lumalala yang sakit mo. Mag paopera ka na." Sabi nya. So ano? Hanggang Tagaytay lang kami.

"Papaano na ung sabi ng doctor? 50-50 lang ang chance ko. Hindi ako handa." Sabi ko. Natatakot ako. Natatakot ako na dumating ung araw na walang kasiguraduhan ang itatagal ng buhay ko.

"Marcus, pinsan kita. Sabay tayong tumanda. Alam kong handa ka na. Pare walang imposible kung mananalig ka kay Bossing. Sya lang ang makakatulong sayo." Sabi ni Lucas. Ang tinutukoy nyang Bossing ay si Lord.

"Kung pupunta ako sa America kelan naman kaya un?" Tanong ko.

"As soon as possible. Ako ng bahala na magpapaliwanag kay Herlane. Hindi ko muna sasabihin ang lagay mo hangga't hindi ka pa nakakaalis ng bansa." Ayaw ko. Ayokong iwan si Boo.

Tumango na lang ako sa kanya. Bumalik na kami  sa table namin at nakita namin sila Boo na masayang kumakain. Hindi ako sigurado kung makakaya kong iwanan at talikuran ang mga masasaya naming alala. Masakit man pero kailangan ko.

"Oh nandito na pala kayo kumain na kayo." Sabi ni Sarah. Kumain na kami. Sulit pala ang pagpunta namin dito masarap ang pag kain.

"Boo, tinawagan pala ako ni mama payag na daw sya na hindi muna ako papasok ngayong school year na toh." Nakangiting sabi ni Boo. Kung alam mo lang na ako ang unang nagmakaawa sa mama mo Boo, kung alam mo lang.

"Mabuti naman. Mas makakasama kita." Nakangiting sabi ko.

"Grabe. Di na dapat ako sumama dito eh." Lahat kami napatingin kay Sarah dahil sa sinabi nya.

"Bakit naman insan?" Tanong ni Boo.

"Isang mag-bheb at isang mag-boo sige ako na ang loner." Sabi nya. Grabe naman tong babaeng toh. Ang bitter. Pero kapag may manliligaw kulang na lang bugbugin nya eh.

"Yan ang napapala ng mga amazonang tulad mo." Mapang asar na sabi ni Lucas.

"Edi wow." Sabi naman ni Sarah.

Ng matapos kaming kumain pumunta kami sa People's Park  para mamasyal at bumili ng souvenirs. Nandito kami ngayon sa taas ng di ko alam kung ano. Basta ung may Jesus sa tuktok tapos aakyat ka pa para mahawakan un tapos pag aakyat ka pwede kang magtirik ng kandila.

"Boo, masaya ako. Masaya ako na kasama kita ngayon dito. Sana lang maulit pa natin toh." Sabi ni Boo. Sana nga Boo. Sana. Kaso lang ANG MGA SANA AY MANANATING SANA.

I Fell InLove With My BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon