Chapter Thirty-Eight(Is This The End?)

220 2 0
                                    

Marcus POV

"Sige! Iputok mo!" Hamon ni Herlane kaya kami napatingin sa kanya.

"Pag yan binaril tayo." Nambabantang sabi ni Sarah.

"Bakit ba kasi di mo na lang tanggapin na wala na talaga ang Ate mo? Di lang naman ikaw ang nawalan ah!" Sabi naman ni Kaye.

"Pero, may natira sa inyo kahit na may nalagas!" Sabi nya.

"Sabihin mo sa amin ang pangalan mo." Utos ni Herlane.

"Ako si Moz Chavez. Ang nag iisa at batang kapatid ni Aikie Chavez." Sabi nya puno ng galit at pag hahangad ng katarungan.

"Well, Moz, pwede bang itigil mo na toh? Sa tingin mo ba kapag pinatay mo kami matatahimik ka na?" Sabi ni Lucas.

"Ipunta sila sa baba!" Utos ni Moz. Sumunod na lang kami para hindi na kami masaktan pa.

Ng makababa kami, doon namin nakita si Moz at ang nasa tabi nya na si Jea.

"Jea?" Mahinang tanong ni Herlane.

"Ngayon, sa harap ko, sabihin nyo sa akin kung bakit ko kayo kailangang pakawalan?" Sabi sa akin ni Moz.

"Hindi ka naman kasi namin sinasaktan para saktan mo kami. Wala kaming ginagawang masama sayo. Napag utusan lang kami." Sabi ni Sarah.

"Hindi naman namin ginusto ang nangyari sa kapatid mo at sa matalik naming kaibigan na itinuring naming pamilya." Sabi naman ni Lucas.

"Sa lahat ng mga nagyari dito sa atin, sa amin, sa iyo, lahat un planado na ng tadhana. Tanggapin mo na lang na wala na talaga ang Ate mo, kasi kami tanggap na namin na wala na si Kuya Sanji." Sabi ni Kaye habang umiiyak na sa sobrang kaba.

"Sa tingin mo ba makakahanap ka ng katarungan sa pag patay sa amin? Di ka namin inuutusan na pakawalan mo kami, inuutusan kita para maawa sa amin kahit konti lang." Sabi ko.

"Hindi mababalik ang isang buhay na wala na, ng buhay na kukunin mo. Kahit lahat ng tao dito sa Pilipinas ay ipapatay mo, hinding hindi nababalik ang buhay na matagal ng wala. Ang mga wala na ay di na dapat ibinabalik pa. Alam ko, at alam kong alam mo na nagalit ka lang dahil sa pag kawala ng mga mahal mo sa buhay, galit lang ang nararamdaman mo at hindi mo talaga gustong mampatay ng tao. Dahil alam mo na ang pakiramdam ng mawalan ng taong mahal mo." Sabi ni Herlane.

"Sinusumbatan mo ba ako?!" Galit na sabi ni Moz.

"Hindi kita sinusumbatan, punag sasabihan kang kita na kahit kelan hindi magiging tama ang mali na ginawan pa ng mali." Sabi ni Herlane.

Para tuloy isang teacher si Herlane sa sobrang dami ng alam nya. Ako ang natatakot para sa kalagayan nya. Di ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa amin. Maganda man o hindi wala akong idea.

"Hustisya ang kailangan ko hindi yang mga pinag sasabi mo! Wala akong pakelam kung masaktan kayo! Ang gusto ko lang ay mabigyang hustisya ang pag kamatay ng kapatid ko!" Sabi sa akin ni Moz na halatang naiinis na sa amin lahat.

Itinapat nya ulit ang baril nya sa amin, sa oras na toh, tumakbo ako papunta sa kanya at pilit pinipigilan sya.

Dahil sa ginawa ko nag kagulo na lang bigla.

BANG!!

Ang putok na tumama sa dingding.

Herlane POV

"Tara na!" Sabi sa akin ni Jea sabay haltak sa akin papalabas.

Ng makalabas na kami kumalas ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo?!" Tanong nya sa akin.

"Hindi ako aalis!" Sabi ko.

"Ililigtas lang kita! Nawala ka na sa akin noon, hindi ko papayagang mawala ka ulit sa akin ngayon." Sabi sa akin ni Jea.

"Sorry pero di ko kayang iwan sila doon." Sabi ko.

"Dahil ba kay Marcus?" Tanong nya.

"Sorry," Tanging lumabas sa bibig ko.

"May mahal na syang iba!" Sabi nya.

"PERO MAHAL KO SYA!" Sabi ko. Naiiyak na talaga ako.

"Herlane, iligtas mo na lang ang sarili mo kase sa bumalik ka pa doon. Mas mahalaga ka pa sa kahit na sinong nasa loob ng building na un. Mas may pakinabang ka pa. Mas may ma-i-a-ambag ka pa sa lipunan natin.  Herlane, handa kong itaya ang buhay ko para sayo, kung mamahalin mo lang ako at sasama ka sa akin. Pwede tayong mag simula ng panibagong buhay. I-tatakas kita dito para din un sayo." Sabi sa akin ni Jea na nag pa-iyak sa akin ng todo.

"Hindi ko kayang mabuhay ng masaya samantalang sila, nandoon sa loob ng building na yon! Nag bubuwis ng buhay para lang makatakas tapos, eto ako tatakas ng maayos! Walang galos! Pero sila, walang kasiguraduhan ang kaligtasan nila! Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba sila o ano! Sorry, Jea, pero, talagang hindi ko sila kayang iwan doon sa loob ng napaka delikadong building na yon! Kung gusto mong tumakas, tumakas ka! Maiiwan ako dito, kase, kung mamamatay sila, sasamahan ko sila." Sabi ko sabay takbo pabalik sa building na yon.

Marcus POV

Nag susuntukan na kami ngayon ni Moz. Nakahiga sya sa sahig habang sinusuntok ko sya.

"Demonyo ka! Wala kang awa!" Sabi ko.

Dahil sa mas malakas sya, sa isang iglap mag kaiba na kami ng posisyon.

"Mamatay ka na!" Sabi nya.

"TAMA NA!!!!!!!!!!" Sigaw ni Herlane na nasa may pintuan.

Umalis ni Moz sa tuktok ko at tinulungan ako ni Herlane na makabangon.

"Bakit nyo kailangang mag patayan?! Ano pa ang saysay pag kakaiisa kung mag papatayan lang din tayo?! Kung nag hahanap kayo ng hustisya, sana naman ung sinisingil nyo eh ung may kasalanan at hindi ung walang ginagawa sa inyo!" Sabi ni Herlane.

Tumalikod ako kay Moz at kinausap si Herlane.

"Nasaan ka kanina?" Tanong ko.

"Umalis ako, pero bumalik ako para sa inyo." Sabi nya. Hinawakan ko sya sa parehong pisngi.

"Hindi ka na dapat bumalik pa. Dapat umalis ka na. Sinagip mo na sana ang buhay mo." Sabi ko sa kanya.

"Para ano? Para hayaang mamatay kayo dito? Sa kamay ng mga taong walang puso." Sabi nya sa akin. Hinawakan nya rin ako sa pareho kong pisngi at hinalikan ako sa labi.

Kumalas sya sa halik ko at nakita ko kung paano lumaki ang mga mata nya.

"MARCUS!!!!!!!!!!!!!!!!!" Sabi nya sabay punta sa likuran ko at pag harap ko....

BANG!

"HERLANE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" 

_________________________________________

I Fell InLove With My BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon