Chapter Fourteen(It's A Miracle)

552 15 0
                                    

Kaye POV

Nandito pa rin kami habang umiiyak. Wala kaming magawa eh. Wala na talaga sya.

Huhuhuhu. For almost fifteen years of friendship namin mawawala na lang ng basta basta.

"Kung wala na talaga sya bakit hindi pa rin sya kinukuha ng morgue?" Tanong ni Tito Alvin.

"Dahil un ang sabi ko. Ayokong kunin nila si Herlane dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwala na wala na sya." Sabi naman ni Tita Arny na ikinatahim na lang namin.

Hindi ko na talaga kaya. Napa hagulgol na lang ako habang nakatingin sa maamong mukha ni Herlane. Kahit na wala na sya mananatili pa rin sa mga puso namin ang mga ala alang iniwan nya. Mapa-maganda man ito o hindi, un lang ang pwede naming ulit ulitin sa isip namin sa oras na nami miss namin sya.

Katulad na lang ng ala ala nya sa akin nung nasa second year high school pa kami.

Flashback

Nandito kami ngayon sa tapat lang ng guidance office dahil sa kasalanang hindi naman namin ginawa pero sa amin sinisisi.

"Grabe sila sa atin. Wala naman tayong ginagawa eh pero sa amin sinisisi. Hustisya naman uy." Sabi ni Sarah habang naka pout.

"Wala tayong magagawa. Nandito na tayo eh." Sabi ko na lang. Psh. Nakakairita na toh ah.

"Bakit ba kasi sa atin toh sinisisi eh wala naman tayong ginagawa?" Naiiritang sabi ni Lucas.

"Psh. Salita kayo ng salita, may nangyari ba? Wag na nga kayong maingay dyan." Sabi ni Marcus. I just can't help myself not to be pissed.

Napansin ko lang ah, ang tahimik ni Herlane.

"Mr. Fernandez, Ms. Pascual, Ms. Alvarez, Ms. Javier, and Mr. Ramirez come inside." Sabi ni Mam Leni ang guidance councilor namin dito sa school.

Wala kaming nagawa kundi ang pumasok na lang. Pero bago kami pumasok merong nag lagay ng blind fold sa mga mata namin.

"The Heck ano toh?" Sabi ni Sarah. Grabe nakaka takot talaga. Wala kaming makita.

"Are you ready?" Base sa boses nito alam kong si Herlane toh.

"Hoy, bruha ka, anong pasabog toh?" Sabi ng bungangerang si Sarah.

"Basta." Sabi ni Herlane.

"Ano bang nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Lucas.

"One..."

"Two..."

"Three..."

Pag katapos ng bilang na un bigla na lang may nag tanggal ng blind fold sa amin at tsaka sabay umilaw at doon namin nakita ang magandang tanawin.

"HAPPY ELEVEN YEARS OF FRIENDSHIP!!!!!" Sigaw ni Herlane sabay pumutok ang apat na party popper.

"Naalala mo pa?" Namamanghang sabi ni Marcus.

"Syempre naman. Ako pa." Sabi nya.

Ang ganda grabe. Merong mga ballons na letters na bumubuo ng 'Happy Eleven years of friendship'. Tapos meron ding mga banderitas pa, meron ding mga parang tali na pababang nakatali at sa dulo nito ang mga pictures namin sa mga nakaraang araw, linggo, bwan, at taon. Halatang pinag handaan ito. At talagang napaka ganda nito.

"Masaya na ako?" Tanong ni Herlane at halatang kinakabahan sya sa magiging sagot namin.

"Syempre oo. Ikaw nag isip nito?" Tanong ni Sarah.

"Yeah. Pero may konting tulong ng mga guidance councilor." Sabi naman ni Herlane. At talagang kakuntsaba nya ang mga guidance councilor namin ah.

Hinding hindi ko toh makakalimutan. Lalo pa't sya mismo ang may pakana nito. Nakaka touch lang kasi ang tagal na nun pero naaalala pa nya at pinag handaan pa nya. Ang sweet lang nya kasi kahit hindi na namin naaalala gumawa pa rin sya ng paraan para maalala namin.

Sya talaga ang may pinaka astig sa aming mag babarkada kahit minsan sya din ang pinaka slow.

I appreciate her efforts and I will never forget this day.

End of Flashback

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa isip ko ang pangyayaring yon.

Pero hanggang ngayon ayoko pa ring maniwala na wala na talaga sya.

Dahil lang sa pag kakabanggaan ng dalawang kotse, dalawang tao na rin ang nawala.

Masakit lang isipin na, ung taong nakasama mo sa pag laki mo at sa lahat ng pag subok sa buhay mo ay mawawala lang sa isang iglap.

Ung mga panahon na ang saya saya naming lahat, bigla na lang mapapalitan ng iyak at lungkot dahil sa pag kawala nya.

Ung mga ala ala nyang iniwan sa amin ay mananatili sa puso at isipan naming lahat na iniwan nya.

Ung mga pag subok na sabay sabay naming pinag daanan, ay parang balewala na lang dahil sa pag kawala nya.

Ung mga pangarap naming lahat na sabay sabay sana naming tutuparin ay, kami kami na lang pala ang tutupad dahil wala na sya.

Ung mga pangako namin sa isa't isa ay nawala na lang bigla ng parang bula kasabay ng pag kamatay nya.

Ung mga sakit na pare pareho naming naranasan ay ngayo'y kami na lang ang makakaranas.

Ung mga panahon na sana mag kakasama pa kami ay hindi na pala mangyayari.

Walang may gustong mangyari ito pero,masakit lang tanggapin ang katotohanan na wala na sya at kailangan naming harapin ang hamon ng buhay ng hindi na sya kasama.

Kasabay ng pag kamatay nya ang pag kamatay ng mga pangarap naming sabay sabay na binuo.

Ung pangako namin na walang iwanan at bigla na lang masira dahil sa pag kawala nya.

Masakit. Masakit para sa akin na mawala sya. Kung sa akin masakit yon pano pa kaya ang nararamdaman nila Sarah diba?

Sa tingin ko hindi na maibabalik ang mga pangyayaring kasama namin sya.

Ung mga panahong kasama namin sya ay mananatili na lang sa nakaraan.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak katulad ng ginagawa ng iba pa naming kasama.

"SINONG INIIYAKAN NYO DYAN?" Nanlaki ang mga mata namin ng biglang marinig namin ang boses na iyon.

"HERLANE?!" Sabay sabay na sabi namin habang unti unting gumuguhit ang malapad na ngiti sa aming mga labi.

"Oo, ako nga." Sabi nya.

Sa saya naming lahat napa takbo kaming lahat at sabay sabay na yumakap sa kanya.

Lumabas muna si Lucas para tumawag ng doktor at ng makabalik sya kasama na nga nya ang doktor.

May kung ano anong gunawa ang mga doktor sa kanya at tsaka lang lumapit sa amin ng maeksamin na ng mabuti si Herlane.

"It's a miracle. She's safe now." Sabi ng doktor. Yesh! Buhay na sya. It was truly a miracle!

I Fell InLove With My BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon