Chapter Fifty

303 5 0
                                    

Herlane POV

Pag katapos ng ilang taong pag titiis sa eskwelahan, eto na ko ngayon, graduated!

Ngayon ang graduation ko sa Fine Arts at Business Management. Ang saya ko lang kasi, sa parehong kurso na un ay, MAGNA CUM LAUDE ako!

Grabeng achievement talaga ang nakamit ko. Hays, buti na lang talaga at nakaya ko un.

Totoo nga ang sinasabi sa akin ni Papa na 'Sa pag hihirap nag sisimula ang lahat at kapag nalag pasan mo ang lahat ng pag hihirap, tagumpay ang makakamit mo'.

"Congrats Herlane!" Masiglang bati sa akin ni Ate Saph ng maka baba na ako sa stage.

"Thank you." Sabi ko sa kanya. Sa totoo lang, si Ate Saph at si Kuya Jaxx lang ang kasama ko.

Kung nag tataka kayo kung sino si Kuya Jaxx, sya ung lalaking naka sagutan ni Ate Saph sa World of Fun.

Ung dahil sa karaoke. Sila na ngayon. Isang taon pa lang sila kasi isang taon nang-ligaw si Kuya Jaxx kay Ate Saph.

Mag ka-schoolmate pala sila nung high school sila.

Wala kasi sila Mama at Papa nasa business trip sila, di naman sila maka uwi kasiang dami dami nilang problema ngayon sa kompanya. Naiimtindihan ko naman un. Buti nga lang at pumayag si Ate Saph na sasamahan nya ako. Kasi ung mga kaibigan ko, grumaduate din.

"Ang taray mo ah! Dalawang kurso na kinuha mo, ikaw pa rin ang Magna Cum Laude sa parehong un." Pabiro pero halatang proud sya sa pinsan nya.

"Kinuha mo ata lahat ng katalinuhan eh. Wala ka man lang ibinigay kaya Jin." Sabi ni Kuya Jaxx sabay tingin kay Ate Saph.

"Nang aasar ka?" May pambabanta sa boses ni Ate Saph.

"Sorry na." Pag lalambing naman ni Kuya Jaxx.

Kaka-inggit sila. Sana ganyan din kami ni Marcus. Oo nasasaktan pa rin ako, pero hindi nun mawawala ang galit ko sa kanya.

Kapag nag kita siguro kami, maaalala ko na lang ang sakit pero hindi na ang pag mamahal ko sa kanya, kasi galit na ngayon ang nararamdaman ko sa kanya.

"Tara na. Uwi na tayo kasi may kainan!" Masiglang sabi ni Ate Saph.

Umalis na nga kami doon at sumakay kami sa kotse ni Kuya Jaxx. Silang dalawa sa harapan at ako sa likod.

Perfect match talaga sila eh. Medyo playboy at bad boy nga lang si Kuya Jaxx pero alam ko na mahal na mahal nya si Ate Saph.

Naka tingin lang ako sa labas, kamusta na kaya sya? Buhay pa ba sya? Sana hindi na.

Iniisip ko lang, nasaktan din ba sya nung araw na un? Siguro hindi. Nakokonsensya kaya sya? Siguro din hindi, kasi ang mga katulad nya ay walang puso para makonsensya.

Masaya na ako sa buhay ko noon habang kasama ko sya, pero mas sumaya ako ng hindi ko na sya kasama. Pakiramdam ko, libre akong gawin ang mga gusto kong gawin.

May plano na ako ngayon, mag tatayo ako ng kompanya ko. Pero, habang pinapagawa un, ung kompanya na ipamamana muna sa akin ang aasikasuhin ko.

Buo na ang mga pangarap ko, ayokong masira pa iyon. Minsan ng nasira ang pangarap ko at ayoko ng maulit pa yon. Gusto kong mag buo ng pangarap ng ako lang at wala ng sya.

Ng makarating kami sa bahay namin, dumaretso na sila Ate Saph at Kuya Jaxx habang ako ay pumunta sa kwarto ko para mag bihis.

Simple lang ang sinuot ko. Pag katapos kong mag bihis, may nalaglag sa sahig kaya kinuha ko iyon. Ng makita ko ito, parang bumalik ang lahat ng sakit na kinalimutan ko.

Ito ang letter na i-pinabigay ni Marcus kay Lucas last year lang. Naupo ako sa kama ko at binasa ulit iyon.

Herlane,

          Sorry kung nasaktan kita, sana mapatawad mo pa ako. Alam kong ilang beses na akong nag so-sorry sayo at alam ko ding kahit ilang beses pa akong mag sorry sayo, hindi nun mawawala ang sakit na naidulot ko sayo. Minahal naman kita eh, kung sakaling babalik ba ako sayo tatanggapin mo pa din ako? Mamahalin mo pa rin ba ako? Mapapatawad mo pa ba ako? Kakalimutan mo ba ang nakaraan para sa kinabukasan natin? Kung naka move on ka na, matututunan mo ba ulit akong mahalin? Sana sa lahat ng tanong ko, 'oo' ang i-sagot mo.

Marcus

Nilukot ko ang papel na un at itinapon na lang. Bumaba na ako para makisalo sa lahat. Sa kabila ang kasiyahang nakikita ng lahat, nandun pa rin ang sakit at hindi na iyon mawawala pa.

Nung hiniwalayan pa lang nya ako, kinalimutan ko na ang lahat ng sa amin. Masasaya at mga hindi magagandang alaala nya ay binaon ko na sa limot.

Tama naman si Sarah eh, hindi lang dapat sa kanya umiikot ang mundo ko, kasi marami pang tao dyan na mas karapatdapat sa atensyon at pag mamahal ko, at hindi sya kabilang doon.

Marcus POV

Last week pa ako grumaduate, nandito pa rin ako sa America kasi, hindi ko pa kayang umiwi sa Pilipinas tapos makikita ko si Herlane.

Hindi ko pa kayang makita ang taong sinaktan ko na naka move on na. Sira ulo ako noh? Ung ibang lalaki na nakiki-pag-break ay gusto nila na naka move on ung ex nila, pero ako, ayokong naka move on si Herlane.

Gustong gusto kong bumalik sa kanya, ang tanong lang eh, may babalikan pa ba ako?

Gustong gusto kong sabihin sa kanya
na mahal na mahal ko pa rin sya, ang tanong ulit, mahal pa ba nya ako?

Isang malaking kasinungalingan ang ginawa ko. Maniniwala pa kaya sya kung sasabihin kong mahal ko sya?

Gusto ko ng umiwi pero di ko pa kayang sikmurahin na makikita ko ulit ung Herlane na nag maka-awang wag ko sya iwan, na masayang masaya na sa buhay nya ngayon.

Palagi akong updated sa buhay nya, dahil kay Marie at Lucas. Nabalitaan ko ng na Magna Cum Laude sya eh.

Successful na sya, natupad na nya ang mga pangarap nya. Sana masaya na sya sa buhay nya ngayon.

Sana ako pa din ang mahal nya.....

_________________________________________

Last 1 na lang po.

I Fell InLove With My BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon