Chapter Twenty-Six(Cousin To The Rescue)

659 16 7
                                    

Sarah POV

Sinundan ko si Herlane pero hindi ko sya hinabol o tinawag. Medyo malayo ang distansiya namin sa isa't isa. Nakita ko syang pumasok sa Music Hall.

Narinig ko syang kumanta, pati na rin ung pag iyak nya. Hindi naman nya kailangang pahirapan ang sarili nya eh. Kung sa tingin nya may feelings na sya para kay Marcus, edi ipaalam nya kay Marcus.

"Herlane," Sabi ko ng matapos na syang kumanta. Halatang nagulat sya sa presensya ko.

"Sarah, anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sa akin. Lumapit muna ako sa kanya at saka tinabihan sya.

"Naaalala mo ba ung sinabi sa atin nung lalaking sobrang importante sa atin?" Tanong ko sa kanya.

"Ano?" Tanong nya. Nakalimutan na nya siguro.

"Nakalimutan mo na. Na kapag tumutugtog daw ng piano, tugtugin mo toh ng may emosyon pero hindi sobra. Masyado kang ma-emosyon kapag tumutugtog. Wag mo ng isipin un. Lilipas din yan. Pero yang nararamdaman mo, mahirap tanggalin yan." Sabi ko sa kanya.

"Natatandaan ko pa naman eh. It's just that, I play with too much emotions." Sabi nya. Ang Kuya ko ang nag turo sa amin kung paano mag piano. Ang Kuya kong pumanaw na two years ago.

Flashback
(Two years ago)

"Alam nyo kung mag pi-piano kayo, dapat, may emosyon." Sabi sa amin ni Kuya Sanji.

Si Sanji Sin Pascual. Sya ang panganay sa aming tatlo. Music instructor sya.

"Eh anong emosyon ba ang kailangan?" Tanong naman ni Herlane.

"Kapag tutugtog ka, isipin mo ung tao, bagay, o pangyayari na gusto mong pag laanan ng kantang ikakanta mo, sa ganong paraan, kusang lalabas sa bibig mo ang kanta at kusa ding gagalaw ang mga daliri upang tugtugin ang piano. At kapag tumutugtog ka, wala ka dapat iniisip kundi ung pag lalaanan mo lang ng tugtog. Sa pamamagitan ng pag tugtog ng mga instrumento na may kasamang emosyon, mas maganda ang kalalabasan ng kanta at mas madali mo maiintindihan ang ibig sabihin ng bawat sakit sa kantang ikinakanta mo." Sabi ni Kuya Sanji at saka tumugtog ng simpleng tono habang nag su-sway ang ulo nya ng naka pikit. Itinigil nya ang pag tugtog at dumilat at tsaka tumingin sa amin. "Just remember: don't play it with too much emotions." Sabi sa amin ni Kuya Sanji. Sya lang ang kasundo ko sa pamilya ko. Dahil sya lang ang nakaka intindi sa akin. Tatandaan ko yan.

"Masusunod." Sabay na sabi namin ni Herlane.

End of Flashback

"Hindi naman porke't nag friendship over kayo eh magiging ganyan ka na. Ung totoo Herlane, kaibigan lang ba ang tingin mo sa kanya ha? Baka naman iba na yan." Sabi ko sa kanya.

Herlane POV

"Hindi naman porke't nag friendship over kayo eh magiging ganyan ka na. Ung totoo Herlane, kaibigan lang ba ang tingin mo sa kanya ha? Baka naman iba na yan." Sabi sa akin ni Sarah.

"Hindi ko alam. Hindi ko nga maintindihan ung sarili ko eh. Hindi ko nga alam kung bakit ako nag kakaganito eh. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Hindi ko alam." Sabi ko sa kanya at sabay nun ang pag bagsak ng aking mga luha. Agad nama iyong pinunasan ni Sarah at iniharap ang mukha ko sa kanya.

"Ito ang tatandaan mo, Herlane: ikaw lang ang nakaka alam ang totoong nararamdaman mo. Hindi totoo na, hindi mo alam ang nagyayari sayo, dahil alam mo yan. Alam mo naman ang sagot eh. Ang kaso lang eh, ayaw mong pakinggan ang puso mo. Pakinggan mo yan baka malaman mo ang sagot na hinahanap mo. Wala kang hindi alam dahil alam mo ang lahat, ayaw mo lang tanggapin." That hits me! Maybe she's right. Alam ko naman talaga ang sagot sa bawat tanong na umiikot sa utak ko pero ayaw ko lang tanggapin ang sagot.

"Sa tingin mo Sarah, kaibigan lang ba ang turing ko sa kanya? Hanggang doon na lang ba ang turing ko sa kanya o mas higit pa doon ang nararamdaman ko. Sa bawat araw na nakakasama ko si Marcus, palagi akong masaya. Hindi ako lumungkot sa piling nya, pero lahat un nag bago simula nung pumasok sa eksena si Micah. Nagagalit ako kay Micah sa rasong hindi ko alam. Pero, siguro nagagalit ako sa kanya kasi marami syang kayang gawin na hindi ko kayang gawin eh. Mahirap at masakit tanggapin na meron ng nakaka higit pa ang kayang gawin kesa pa sa kaya kong gawin. Masakit un eh. Yng alam kong mas masaya sya kesa sa piling ni Micah kesa sa piling ko diba. So, ibig sabihin ba nun ay, kailangan ko na syang hayaan kay Micah at ituon ko na lang sa iba ang nararamdaman ko na toh?" Sabi ko. Naluluha na naman ako. Bakit pa kasi kailangan ko tong maramdaman eh? Ano bang problema nila? Bwiset na tadhana ka! Masyado kang mapag laro.

"No. Hindi mo kailangang ibaling sa iba yang nararamdaman mo, dahil kung naka tadhana yang mawala, mawawala at mawawala din yan. Pero kung naka tadhana yang mag-stay, mag s-stay yan." Sabi naman sa akin ni Sarah.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa halip na nag salita pa ulit, inilubog ko ang aking mukha sa balikat ni Sarah at doon umiyak ng umiyak. Mahirap tong nararamdaman ko. Masyado na akong nasasaktan. Di ko na alam kung ano pa ang mangyayari sa akin kung sakaling mas lumalim pa ang pag iibigan nila Micah at Marcus. Ano ba ang nararamdaman ko? Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Sarah, please, kantahan mo naman ako. Ung palagi mong kinakanta sa akin nung bata pa tayo. Please." Sabi ko sa kanya habang nakalubog pa rin ang ulo ko sa balikat nya.

"Chorus lang ah." Sabi nya sa akin.

"Sige." Sabi ko. Ipina upo nya po ako at bago sya kumanta.

Sarah POV

"Sige." Sabi nya. Ipina upo ko muna sya at bago ako kumanta.

"Find out what we're made of
When we are called to help our friends in need

You can count on me like one two three
I'll be there
And I know when I need it I can count on you like four three two
You'll be there
'Cause that's what friends are supposed to do, oh yeah

Whoa, whoa
Oh, oh
Yeah, yeah"

Pag katapos ko kumanta, napansin ko na syang tulog. Naka tulog na toh. Gigising ko na lang toh pag time na.

I'm always here for you. YOU CAN COUNT ON ME.

__________________________________________

Eto po ung mga characters:

Oh Se-hun as Marcus Lex Ramirez

Bae Ju Hyun as Herlane Kers Javier

Park Chanyeol as Warren Villavesencio

Kang Seul Gi as Sarah Min Pascual

Kim Jun-myeon as Lucas
Fernandez

Jung Eun-ji as Kaye Alvarez

Makikita nyo po ung pictures nila sa next chapter...

:-) :-) :* :*

I Fell InLove With My BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon