Chapter Forty-Two

265 6 2
                                    

Herlane POV

Nasa labas na kami ng nakita namin sila Boo.

"Maiwan muna namin kayo ah." Sabi ni Ate Kie.

"Sige lang." Sabi ko.

"Saya mo ah." Puna ni Boo.

"Dahil sayo." Sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit na mahigpit.

"Lahat. Para sayo." Sabi sa akin ni Boo habang naka yakap.

"Akala ko ba nag seselos ka sa kanya?" Sabi ko sa kanya habang naka tingin sa kanya.

"Meron kasi akong gusto sabihin sayo." Sabi nya sa akin.

"Ano naman un?" Tanong ko.

Dug,dug

Dug,dug

Bakit ganun? Bakit parang kinabahan ako lalo?

"Boo, basahin mo na lang toh." Sabi sa akin ni Boo habang ipinakita ang isang papel na may nakasulat. Kumalas ako sa pag kaka yakap nya para basahin un.

Dear, Mr. Ramirez,

         We would like to inform you that we received your letter. We saw to your form that you have to us, that you are an excellent student. We would like to interview you here at PRINCETON UNIVERSITY. We are looking forward that we will meet soon.

PRINCETON UNIVERSITY

Wait, ano toh?

"Anong ibig sabihin nito?" Naguguluhang sabi ko.

"Aalis ako. Para sa pag aaral ko. Para sa future natin." Sabi nya sa akin.

Unti unting tumutulo ang mga luha ko. Aalis sya? Iiwan nya na naman ako?

"Kelan ka aalis?" Tanong ko.

"As soon as possible." Sabi naman nya sa akin.

"Kelan nga?! I need specific date!" Di ko maiwasang mapataas ang boses ko. Masisi ba nya ako? Basta basta na lang sya mag sasabi ng problema!

"Bukas." Isang salita na nag pahinto ng ikot ng mundo ko. Isang salita na nag paguho ng mundo ko. Isang salita na nag pawala ng mga pangarap ko. Isang salita na dumurog sa puso ko.

"Bakit ang bilis?" Tanong ko na nag patulo ng mga luha ko. Sunod sunod na silang tumutulo. Pinunasan nya ang mga luha sa pisngi ko.

"Binigay yang letter na yan last week pa. Nung nag ka-away tayo. Ayoko sanang sirain ang maganda mong araw, pero, ito lang ung alam kong paraan para pasayahin ka bago ako umalis." Sabi sa akin ni Boo. Dahil doon, niyakap ko sya ng mahigpit. Tsaka ako umiyak ng umiyak.

"Ang daya mo!" Sabi ko habang umiiyak. Ang sakit. Ang sakit sakit. Bakit kung kelan ang saya saya na namin, tsaka may panibagong pag subok na darating? Hindi ba talaga kami pwedeng sumaya? Kahit saglit lang? Wala na ba talagang saya? Bakit ba ang lupit lupit sa akin ng tadhana?! Anong nagawa ko?!

"Kailangan ko ng umiwi para mag empake." Sabi nya sa akin.

"Sasama na ako sayo." Sabi ko. Kumalas na ako sa pag kakayakap at tsaka kami pumasok sa kotse.

Habang nasa daan, hindi ko sya pinapansin, nakatingin lang ako sa bintana at doon ako tahimik na umiyak.

Ng nasa bahay na kami, una na akong lumabas. Pumasok kami pareho ni Boo sa bahay nila. Dunaretso sya sa kwarto nya habang ako nasa sala lang nila kasama su Tita Nelle at Marie.

I Fell InLove With My BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon