Chapter Fifty-One (Last One)

127 2 0
                                    

Herlane POV

Masaya na ako ngayon. Kasi kahapon grunaduate ako, ngayon naman first day ng training ko sa CEO ng kompanya namin. Ang 'Javier Enterprise'.

Nandito ako sa kompanya namin, ang nag te-training sa akin ay ang manager na si Mr. John Jacob Maglalang.

"Ok, ito naman po si Ms. Kaytee Del Rosario ang secretary nyo." Sabi ni Mr. Maglalang.

"Hello po Ms. Herlane!" Masiglang bati ni Ms. Kaytee.

"Hi din." Bati ko naman sa kanya.

"Proceed na po tayo sa office nyo." Sabi nya tinuro sa akin ang office ko.

Sabay kaming pumunta doon at ng maka pasok ako, hmmm? Ang bango!

"Ang ganda! Pangalan pa ni Papa toh ah." Kunyaring mataray na sabi ko kay Mr. Maglalang.

"Hala! Sorry po Ms. Herlane, papalitan na po namin yan." Natatarantang sabi nya.

"Hahahaha!" Natatawang sabi ko. "Joke lang un noh. Ok lang kaya un. Di ka na mabiro." Sabi ko.

"Ay, akala ko po kasi seryoso kayo eh. Si Mr. Alvin po kasi eh palaging seryoso." Sabi ni Mr. Maglalang.

"Masanay na kayo sa akin. Pwede bang maiwan mo muna ako dito mag isa?" Sabi ko sa kanya.

"Opo naman." Sabi nya sabay alis.

Naupo ako sa swivel chair at huminga ng malalim.

"Masyadong malaki ang opisina na toh para sa akin." Sabi ko sa sarili ko.

Nag isip ako ng magandang paraan para naman mag mukhang masikip ito.

"Ah! I know." Sabi ko.

Lumabas ako ng office ko at pumunta kay Ms. Kaytee.

"Hi Ms. Kaytee! Pwede ba akong humingi ng favor sayo?" Tanong ko sa kanya. Halatang nagulat sya sa akin.

"Ah, opo naman. Kaytee na lang po ang itawag nyo sa akin." Sabi nya.

"Ok, wag mo na rin akong sasabihan ng 'po' at 'opo'." Sabi ko sa kanya.

"Eh? Sige?" Nag hihiya at nag dadalawang isip na sabi nya.

"Pwede bang samahan mo ako sa mall, may bibilin ako." Sabi ko sa kanya.

"Sige." Sabi ni Kaytee kaya sabay kaming umalis papunta sa kotse ko.

Sandali lang ang byahe kasi malapit lang ang mall sa kompanya namin.

Ng maka pag park kami pumunta na agad kami sa entrace.

"Ah, saan tayo pupunta?" Sabi ni Kaytee.

"Bibili tayo ng art materials tsaka office material. Masyado kasing lalaki ang dating ng office eh." Sabi ko habang naka sakay kami sa escalator.

Pumunta muna kami sa National Bookstore at kumuha ako ng mga painting, paint brush, at iba pang art material.

"May bibilin ka ba?" Tanong ko kay Kaytee kasi kanina pa sya tingin ng tingin sa coloring book at colored pens.

"Ah, di muna." Sabi nya habang naka ngiti sa akin.

"Bakit mo kanina pa yan tinitignan?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ung kapatid ko kasi eh, madalas kasi syang mag drawing at mag color, pero nung naubos ung coloring book nya at sketch pad nya, bihira na syang ngumiti." Malungkot na sabi nya.

"Edi i-bili natin ng sketch pad at coloring materials ang kapatid mo." Sabi ko habang kinuha ang mga coloring book na nakikita kong maganda at iba't ibang kulay ng colored pencils, at pens. Kinuha ko rin ang limang sketch pad, maraming lapis, pambura at pantasa.

Pumunta na ako sa counter para bayaran ang lahat ng ito.

"Naku, Mam salamat ah. Matutuwa si Karylle nito." Sabi nya sa akin.

"Ok lang un. Wala kasi akong kapatid eh, kaya pwede bang sa kapatid mo na Lang ako mag tuon ng pansin ko?" Tanong ko sa kanya.

"Sige, kung gusto mo." Sabi nya.

Binayaran na nga namin ang mga binili namin at pumunta kami sa bilihan ng mga gamit sa opisina.

"Anong mas maganda? Tong abstract o si Mona Lisa?" Tanong ko kay Kaytee.

"Ung abstract." Sabi naman ni Kaytee.

Kinuha ko ang abstract, syempre nag pa-assist ako. Tapos binayaran ko na ang lahat ng binili ko.

I-de-deliver na lang daw nila lahat un.

Pumunta na kami sa kotse ko at nag drive na ako papunta sa office.

Ng maka pag park kami dumaretso na kami sa taas, pumunta na sya sa pwesto nya at ako naman sa office ko.

Nag simula na akong mag paint. Sabi ni Papa pwede ko daw gawing apparel company ang kompanya na toh.

Nag simula na akong mag paint ng mga Paris Theme at Italy Theme na mga tanawin.

Ng mag gabi na umiwi na ako, pag labas ko, ako na lang pala ang naiiwan.

Bumaba na ako at sumakay sa kotse ko tsaka ako nag drive pa-uwi.

Hanggang ngayon wala pa rin sila Mama at Papa dahil nasa business trip pa din. Pero, ang sabi Papa na pag balik na pag balik nila, sya mismo ang mag te-train sa akin.

Ng maka uwi na ako dunaretso ako sa kusina kasi gutom na gutom na talaga ako.

Nag luto na Lang ako ng bacon at ham, ok na un para sa dinner.

Ang lonely ko, nag pa tugtog na Lang ako ng mga magagandang kanta.

Ng matapos na akong kumain, pumunta ako sa sala at doon ako nag paint.

Ang pinaint ko ay isang babae na umiiyak habang naka upo sa tapat ng laptop at isang lalaki ang kausap nya na may naka back hug na babae sa lalaki.

Pag katapos kong mag paint, nag hugas ako ng kamay dahil puno na ito ng paint.

Pinatay ko na ang music at umakyat na ako sa kwarto ko. Naligo ako at natulog na ako pero di talaga ako maka tulog kaya naka tingin lang ako sa kisame.

Gusto kong gawing busy ang sarili ko pero sa kahit na anong gawin naaalala ko pa rin ang ginawa mong panloloko sa akin.

Kung sakaling makita ulit kita, isa lang ang gagawin ko sayo, isang matunog at malupit na sampal.

Ilang taon ang hinintay ko para marinig ko ang paliwanag nya. Ilang beses man syang humingi ng pag papatawad ko, hinding hindi ko ito pag bibigyan hangga't hindi ko naritinig ang paliwanag nya.

Pag mamahal na napalitan ng sakit,
Sakit na nag dulot ng galit,
Galit na walang makaka pag paalis.

Masakit man pero kailangan kong tanggapin na HIND TALAGA KAMI PARA SA ISA'T ISA.

_________________________________________

Last chapter na po ito. Sa wakas.

I Fell InLove With My BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon