CHAPTER ONE (Boo)

1.6K 27 1
                                    

Herlane's POV

Nandito ako ngayon sa parking lot hinihintay ko si Boo. Hays. Miss na miss ko na sya. Kase naman kung hindi pa magpapasukan Hindi pa ako tatawagan. Nakakatampo tuloy sya.

"Boo! I miss you." Masiglang bati ni Boo.

"Pwes ako hindi kita namiss,MARCUS." Pinagdiinan ko talaga ung name nya.

"Boo naman sorry na." Paglalambing nya. Teka nasabi ko ba na best friend ko lang si Boo. Haha. Kung akala nyo magjowa kame pwes nagkakamali kayo. Talagang Boo na ang tawagan namin.

"Bakit di ka tumatawag nung nandun ka pa sa America ha MARCUS?" Tanong ko habang nakapamewang at naglalakad papasok sa school.

"Eh kasi po marami pong inuutos sila mama kaya po naging busy po ako kaya po hindi ko po kayo natawagan." Sabi nya.

"Kahit text wala?" Sabi ko.

"Wala po kasi akong load." Sabi nya.

"Ang hirap mo naman." Sabi ko habang tinitignan ung section ko.

"Sorry na kase Boo. Oh pasalubong ko." Sabi nya. May naramdaman akong malamig sa leeg ko kaya tinignan ko ito. Wow ang cute. May pendant na heart tapos nasa gitna ung name ko.

"Peace na tayo Boo." Sabi nya sabay peace sign.

"Sige na nga. I miss you Boo." Sabi ko.

"I miss you too Boo." Sabi ko.

"Hoy! Kayong magbest friend grabe naman kayo. Daig nyo pa sila Kaye at Lucas oh. Sila magjowa eh kayo? Nahiya naman ang mga langgam sa inyo. May pakwintas-kwintas pang nalalaman eh Kaye nga eh inaamag na't lahat Hindi pa mabigyan ng kwintas ni Lucas." Sabi ni Sarah.

Si Sarah Min Pascual. Kasing edad ko sya at pinsan ko sya. Magkapatid ung nanay namin.

"Hoy Sarah kami na naman ang nakita mo. Bwiset kang bitter ka." Sabi naman ni Kaye.

Sya naman si Kaye Alvarez. Kasing edad ko din. At kaibigan namin.

"Inggit lang kase yang si Sarah palibhasa walang nagtatangkang ligawan sya kase napaka amazona." Sabi naman ni Lucas.

Si Lucas Fernandez. Kasing edad sya ni Boo. Magpinsan sila ni Boo. Magkapatid ung nanay nila.

"Edi shing." Sabi ni Sarah.

"Insan bawas bawasan mo kasi  yang pagiging amazona mo. Try to be approachable. Para naman magkalove life ka na noh." Sabi ko.

"Isa ka pa eh. Sisikuhin kita dyan eh." Sabi nya.

"Hoy Sarah sikuhin mi na ang lahat wag lang si Boo. Ayan oh si Lucas sikuhin mo." Sabi ni Boo. How sweet.

"Grabe ka naman sa 'kin Marcus. Pinsan mo ako tapos pinapasiko mo lang ako." Kunwaring nagtatampo na sabi ni Lucas.

"Hey guys 12 section A tayo." Singit ni Kaye.

"Lahat? As in lahat tayo magkakaklase?" Gulat na tanong ni Sarah.

"Yuppie." Sagot ni Kaye.

"Tara punta na tayo sa room." Sabi ni Boo. Naglalakad na kami papunta sa room namin. Hays. Ang layo layo kaya ng room ng section A.

"Boo,anong gagawin mo kapag umalis ulit ako hindi na 'ko babalik?" Nanlaki ung mga mata ko sa tanong ni Boo. Huminto ako at hinarap sya.

"Bakit Boo,aalis ka na naman ba?" Tanong ko.

I Fell InLove With My BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon