Chapter Twenty-Four(Jealous Herlane)

508 11 2
                                    

Herlane POV

Umaga na ngayon at nasa school na kami. Kasalukuyang nag tuturo ung teacher namin kaya ang tahimik ng classroom.

Ang boring nga lang kasi salita lang syang salita. Parang nag kukwento lang sya sa amin. Wala man lamang ka-thrill thrill ung pag tuturo nya.

Kahit na boring sinisikap kong wag antukin. Kapag kaya boring nakaka antok. Palibhasa masyadong confident tong teacher namin na walang mag rereklamo sa kanya kasi terror.

Hays. Kung alam ko lang sana ma maboboring ako di sana may baon ako hot chocolate, pampagising ng diwa.

bell rings

Yes! Lunch break na. Tapos na rin ang nakaka boring na pag tuturo ng terror naming teacher.

"Ok, class, see you all tomorrow." Sabi ng teacher namin at tsaka inayos ang gamit at umalis na.

Inayos ko na ung gamit ko pero mabagal lang ang kilos ko. Assuming na tutulungan ako ni Marcus.

Tinitignan ko ang mga kilos nya ng hindi nag papahalata. Kaklase din kasi namin si Trixie at Micah eh.

"Babe, let me help you carrying your bag." Sabi ni Marcus kay MICAH. Babe?! Eh bagay dyan biik!

"Sure. Thanks." Sabi naman ni Micah.

Binilisan ko na ang pag aayos ng gamit ko at tsaka ito binuhat. Kairita ah! Mag tawagan ba naman ng Babe sa harapan ko!

Sabay sabay kaming umalis at pumunta sa cafeteria. Umupo kami sa table namin.

"Babe, anong gusto mo?" The heck?! Ako ba iniinis nila?! Ako dapat un eh!

"Uhm, spaghetti at coke." Sabi naman ni Micah. Mag mukha ka sanang spaghetti. Bwiset ka.

"How about you, baby?" Sabi ni Lucas. Yuck!

"Anything." Sabi naman nito. Pakainin ko yan ng tray eh.

"Sarah samahan mo ng ako. Bibili lang ako ng makakain ko." Sabi ni Kaye. Tumango lang si Sarah aalis na sana sila ng pigilan ko sila.

"Sasama ako." Sabi ko. Naka pila na kami Pero nasa likod lang namin ang dalawang lalaki.

"Kami na lang ang o-order sa inyo. Ano bang order nyo?" Tanong ni Marcus.

"Wag na. Pag silbihan nyo na lang ang mga alaga nyong ahas." Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Nag seselos ka ba?" Bulong na tanong sa akin ni Sarah.

"Hindi ah!" Mabilis na tanggi ko.

"Defensive?" Tanong naman sa akin ni Kaye habang naka ngisi.

"Manahimik na nga lang kayong dalawa dyan." Sabi ko sa kanila.

Sa awa ng Diyos tumahimik naman sila at nag seryoso.

Kami na ang o-order, nauna si Kaye.

"Uhm, ung carbonara at tsaka ung apple juice." Sabi nito sa babae doon.

"Sa akin ung, chicken with rice at ing drinks ko ay sprite." Sabi naman ni Sarah.

"Sa akin ung, vegetarian meal nyo at pineapple juice." Sabi ko. Sinabi naman nito kung magkano ang in-order namin, at binayaran na namin ito.

Kinuha namin ung resibo at tsaka pumunta doon sa pinag kukuhanan ng order.

Binigay lang namin ung resibo kay manong tapos binigay naman nya ung order namin.

Ng dala-dala na namin ito nag lakad na kami pabalik sa table namin.

"Di ko talaga maisip na kasabay nating kakain yang Micah na yan." Sabi ko sa kanila. Pero syempre pabulong lang un.

"Masanay ka na noh." Sabi naman ni Sarah.

Ng makarating na kami sa table namin, agad kaming umupo at nag simulang kumain.

Dumating na ung dalawang lalaki na ang lawak ng ngiti sa mga bunganga nila. Oo bunganga talaga.

Pinag silbihan pa ni Marcus si Micah at ganun din naman si Lucas kay Trixie.

Susubo na sana ako ng makita kong nag susubuan si Marcus at Micah.

"Grabe ang daming may kapansanan ngayon ah. Ang daming naputulan ng kamay." Pag paparinig ko.

"Nag paparinig ka ba?" Tanong ni Micah.

"Hindi. Nakita ko lang kasi ung isang student na un oh kawawa kasi." Sabi ko na lang. Buti na lang at may dumaang student na ung left hand nya ay putol. Nakaka awa talaga.

Nag tuloy tuloy lang sila sa ginagawa nila habang ako tu l oy tuloy lang din ang pag subo.

"Ang kalat mo kumain, Babe." Sabi Micah kay Marcus tapos pinunasan ng tissue paper ung bibig nya.

"Herlane, maawa ka naman sa gulay. Wag mong pag balingan ng galit. Wag mong pang gigilan." Sabi sa akin ni Sarah kaya lahat sila ay napa tingin sa akin at ako naman tinignan ung gulay.

Oo nga. Tinusok tusok ko pala ng tinidor. Binitawan ko na lang ung tinidor at ininom ung pineapple juice.

"May naisip lang ako." Sabi ko sa kanila kaya tinuloy nila ung ginagawa nila.

Susubo na ulit sana ako ng makita kong nag hahalikan si Marcus at Micah. The heck.

"Nako! Mga kabataan nga naman ngayon oh. Nasa cafeteria po tayo at wala po tayo sa motel para mag romansahan kayo dyan." Pag paparinig ko kaya natigil sila Marcus at Micah sa ginagawa nila.

"Nag paparinig ka talaga noh." Sabi sa akin ni Micah.

"Look around you. Ayun oh, tignan mo ung table sa likod nyo may nag hahalikan. Tandaan: hindi lang kayo ang tao sa mundo." Sabi ko sa kanila. Natahimik naman sya. Buti na lang at may nag hahalikan talaga doon.

"Nag seselos ka talaga noh?" Tanong sa akin ni Saraha ng pabulong.

"Hindi nga! Ang kulit mo." Sabi ko naman sa kanya na ikinatawa nya.

"Geh lang, Herlane. Ikaw na ang Denial Queen." Sabi sa akin ni Sarah ng pabulong. Kulit nito.

Kumain na lang ulit ako pero sumusulyap ako kina Marcus at Micah. Sa sobrang sweet nila ang sarap nilang ipakain sa milyon milyong langgam na pula.

"Kaimbyerna." Napa tingin ako kay Kaye na nag salita bigla.

"Problema mo?" Tanong ko sa kanya.

"Selos." Pabulong na sabi nya. Bakit kaya sya ang bilis nyang maintindihan ang ginagawa nya. Eh ako hindi ganun eh. Kakainggit sya ah.

Iinom na sana ako ng juice ng biglang may eksang nangyari.

"Wag ka masyadong kumain ng puro spaghetti mag rice ka din minsan, papayat ka nyan eh." Sabi ni Marcus kay Micah.

"Ang sweet mo naman, Babe. Kaya love na love kita eh." Sabi ni Micah.

"I love you too." Sabi naman ni Marcus tapos hinalikan nya si Micah pero smack lang.

"Sarah, I think you're right." Sabi ko na lang bago umalis doon. Ewan pero biglang tumulo ang luha ko.

I Fell InLove With My BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon