Chapter Sixteen(Ang Totoong Nangyari Sa Cliff at Highway)

576 11 0
                                    

Herlane POV

Grabe ang boring dito sa ospital. Madaling araw na pero dilat na dilat pa rin ako.

Hindi kasi ako maka tulog eh. Kanina pa kasi ako may naririnig na kaluskos dun sa labas.

"Oh, Herlane, bakit gising ka pa?" Tanong sa akin ng naalimpungatang si Sarah.

"Hindi kasi ako maka tulog eh. Tapos meron pa akong naririnig na kaluskos dun sa labas eh." Sabi ko.

"Kahapon ko pa nga naririnig yan eh." Sabi naman sa akin ni Sarah.

"Tulungan mo nga ako dito. Tignan natin kung sino un." Sabi ko. Akmang tatayo ako ng pigilan ako ni Sarah.

"Sira ka ba? Hindi ka pa nga masyadong magaling eh." Pag pipigil sa akin ni Sarah.

"Please, Sarah. Pakinggan lang natin un." Pag mamakaawa ko.

"Aish. Sige na nga." Napipilitang sabi ni Sarah. Tinulungan nya akong nakatayo at tsaka ako inalalayan papunta sa pintuan.

Inilapat namin ang mga tenga namin sa pintuan at tama nga ako. May tao sa labas.

"Pasukin nyo na kasi." Sabi nung isang lalaki.

"Naka lock nga ung pinto." Base sa tono nito, halatang naiirita na sya.

"Kaya nga may dala kang pam bukas ng pintuan diba?" Sabi naman ng kausap nito.

Sandali silang natahimik. At biglang...

"Shocks." Pabulong na sigaw ko. Bigla kasing gumalaw ung door knob.

"Gisingin mo ung iba." Pabulong na utos sa akin ni Sarah.

Una kong nilapitan sila Lucas at Marcus.

"Lucas, Marcus, gising. Bilis." Sabi ko habang inaalog silang dalawa.

"Hmm. Ano ba! Natutulog ung tao eh." Naiiritang sabi ni Lucas.

"Gumising na kasi kayo. Merong tao sa labas." Sabi ko habang unaalog pa rin sya.

Gumising na sila at parehong masama ang tingin sa akin.

"Natural may tao sa labas noh. Nasa ospital tayo noh. Natural may tao sa labas." Sabi sa akin ni Lucas na halatang naiirita na.

"Ano ba?! Merong taong nag tatangka sa buhay natin kaya kung hindi kayo tatayo dyan ngayon pa lang ako na ang tatapos sa mga walang kwentang buhay nyo!" Sigaw ni Sarah pero parang pabulong lang din.

Dahil sa sinabi ni Sarah nag tayuan sila at hinarang ung pintuan.

"Sino ba ung mga un?" Tanong ni Marcus.

"Hindi ko din kilala eh." Sabi ko. Inilapat ko ulit ung tenga ko sa pinto.

"Ano ba Jea?! Umayos ka nga. Bilisan mo na ang pag bubukas nyang pinto." Sabi nung isang lalaki.

Wait. Jea? Parang pamilyar ah. Ng naramdaman naming umalis na sila inalalayan na nila ako pabalik sa kama.

"Jea? Pamilyar." Sabi ko. Biglang kumunot ang noo nila na parang hindi alam ang pinag sasabi ko.

"Wait. Jea as in Jeavine Vallejo ba ang tinutukoy nila?" Tanong ni Sarah.

"Bakit sino un?" Tanong ko naman.

"Parang narinig ko na kasi ung pangalang un eh. Parang nakilala na natin sya." Sabi sa akin ni Sarah na parang pilit inaalala kung saan namin narinig ang pangalang iyon.

Nakaharang pa rin sa pintuan ang dalawang lalaki na sila Lucas at Marcus ng biglang...

BLAG

I Fell InLove With My BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon