Chapter Thirty-Three(The Truth part 1)

380 11 1
                                    

Herlane POV

Ng naka recover na ako dahil dun sa peste na un wala akong ibang ginawa kundi ang sumigaw ng sumigaw kaya ngayon paos na ako.

Maka labas lang talaga ako dito papatayin ko un ng mga sigaw. Kung sino man sya epal sya! Ni hindi ko nga sya kilala eh, tapos manghahalik sya bigla!

Di ba sya tinuruan ng good manners and right conduct ng mga elementary teacher nya at ng magulang nya?!

Napa ka bastos nya. Oo alam kong maganda ako pero ano naman ung bigla bigla syang mang hahalik?

Dapat kasi kumalas na lang ako dun sa lalaking un ng full force eh! Kakairita! Argh!

Mang hahalik sya eh pangit naman sya! Pangit sya! Ang pangit pangit nya!

"Pangit ka! Ang pangit pangit mo! Mukha kang lupa na tinapak tapakan ng kabayo! Pangit ka!!" Napa sigaw na lang ako sa sobrang inis.

"Nakaka hurt ka Ate Herlane. I came here para hanapin ka tapos bigla bigla mo na lang ako sasabihan ng pangit." Sabi ni Marie na nasa likod ko pala.

"No. Maganda ka ok? Meron lang talagang pangit na humalim sa akin dito ng basta basta. Sya ung sinasabihan ko ng pangit." Sabi ko.

"Asdfghjklzcvbnmqwertyuiop." Pabulong na mabilis na sabi ni Marie.

"Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Nothing. Tara na. Kaninan na kay." Sabi nya. Bumalik na kami sa table namin at nandun na nga silang lahat at may pag kain na na nakahain sa pwesto ko.

"Hoy babae! Saang lupalop ka ba nanggaling ha!?" Agad na sabi sa akin ni Sarah pag ka upo ko.

"Di ko alam kung ano ung napuntahan ko! Meron kasing pangit na tsonggo na mukhang kabayo at baka na bigla bigla na lang nang hatak sa akin at kung mamalasin ka nga naman!" Sabi ko.

"Ano?" Sabay na tanong nilang dalawa.

"He just stole something very important to me!" Sigaw ko.

"Ano nga un?!" Sabay ulit na tanong nila Sarah at Kaye.

"He just stole my first kiss!!" Sigaw ko.

Cough, cough

Napa tingin kami kay Marcus na nahirinan.

"Here, Babe, uminom ka muna ng tubig. Masyado ka kasing matakaw eh. Yan tuloy." Sabi ni Linta a.k.a Micah.

Phs!

"Nako, kalandian alert!" Malakas na sigaw ni Kaye. Sira talaga toh.

"Excuse me!" Sabi naman ni Trixie.

"Bakit? Dadaan ka ba?!" Pambabara ni Kaye.

"Kung ano ang ikinatalino ng kaibigan mo yun ang ikinabobo mo!" Sabi naman ni Trixie.

"Shatap!" Sabi ni Sarah kaya tumigil silang tatlo. "Nakaka rindi kayo." Sabi nito.

Tumagal ng hanggang 10 pm ang party kaya pag uwi namin nakatulog agad kami.

--kinabukasan--

"Nako, naman anong oras na. Ang haba ng tulog ko." Sabi ko. Pag katapos kong maligo pababa na sana ako ng may marinig ako.

"Arny, sure ka ba sa plano mo?" Tanong ni tita Nette. Nasa sala sila nag uusap. Kasama ang iba pang mga kumare nila.

"Oo." Sabi naman ni mama.

"So ok na ang plano. Kaye will marry Ziggy. Trixie will marry Lucas. Marcus will marry Micah. And JD will marry Herlane." Napa takip ako ng bibig sa narinig ko. Totoo ba toh?

Napapa atras ako sa sobrang sakit ng naramdaman ko. Isa isa ng tumutulo ang mga luha ko.

Crack!

"Herlane, anak? Ikaw ba yan?" Tanong ni mama papunta sa akin.

Kusa na akong lumabas at pumunta sa sala.

"Totoo ba?" Tanong ko sa kanilang lahat.

"Anong sinasabi mo? Wala akong alam sa sinasabi mo?" Pag tatanggi ni mama.

"So nag sisinungaling pa kayo? Nahuli na nga kayo sa akto eh! Bakit nyo pa ako pag sisinungalingan? Mama naman!" Sabi ko. Nakaka inis na eh.

"Hindi ka dapat nakikinig sa usapan ng matatanda!" Sabi naman ni mama.

"Bakit pa ako mananahimik eh narinig ko na nga ung pangalan ko at pangalan ng mga kaibigan ko! Bakit nyo pa kailangang mag sinungaling?!" Sabi ko. Naiirita na ako.

"Huminahon ka at ikukukwento ko ang lahat." Sabi ni mama kaya naupo na ako. "Mga bata pa kami noon, siguro at your age. Napag kasunduan namin na ipakasal ang mga anak namin. Maganda ang kasunduan kasi ng ipinanganak namin kayo naaayon un sa kasunduan. To be true to you, si JD ang naging una mong best friend bago si Marcus. Naging mag kasundo kayo pero di inaasahan na kinailangan nilang pumunta sa States para sa pag aaral nya. Bumalik sila dito sa Pilipinas nung bakasyon lang. Hindi talaga si Marcus ang ipapakasal sayo dahil sa oras na ma-in love kayo sa isa't isa pwedeng as friends lang un na akala nyo as lovers at masasaktan lang kayo. Kaya galit na galit si Amy kay Kaye dahil naka takda ng ipakasal si Kaye kay Ziggy at ang nakaka lungkot don ay naging si Lucas at si Kaye at alam naming mahal na mahal nila ang isa't isa. Ang mga lalaki na sila Ziggy, JD, Warren, Lucas at Marcus ay tinakot namin. Sanabi namin na kapag di sila tumupad sa kasunduan ilalayo namin kayo sa kanila. Ng nangyari na nga ang lahat na hindi inaasahan, gusto man namin wag ng i-tuloy ang napag kasunduan, di namin magawa dahil ayos na ang lahat. Mahal na mahal namin kayo pero kailangan namin itong gawin para na rin sa future nyo. Ito lang ang paraan na nakikita namin para ma-sigurado namin na magiging maayos ang ang future nyong mga babae. Gustohin ko man na wag na itong i-tuloy di ko magawa, gusto ko lang na maging maayos ang lahat. Anak, patawarin mo sana ako." Sa lahat ng narinig ko, wala akong naintindihan kundi ang pag hingi nya ng paumanhin sa lahat ng nagawa nya. Sunod sunod na ang patak ng mga luha ko.

Pilit akong hinahawakan ni mama pero pilit din akong kumakalas.

"Don't touch me! You lied to me! You kept everything from me! You're a liar!" Sabi ko habang kuma-kawala sa mga hawak nya at umaatras hanggang sa mapasandal ako aa pinto at tsaka ako tumakbo papalayo sa bahay namin.

Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hanggang sa makita ko ang park. Umupo muna ako sa may swing doon at dun umiyak ng umiyak.

"Bakit ganon? Bakit parang lahat ng tao na nakikilala ko niloloko ako? Bakit si mama pa? Sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit sya pa? Bakit?" Sabi ko habang umiiyak.

Wala ng iba pang laman ang isip ko kundi ang mga katotohanan na sinabi sa akin. Mga katotohanan na matagal ko ng gustong marinig. Mga katotohanan na tanging makakatalo sa kasinungalingan.

Mga katotohanan na di mag tatagal ay matatanggap ko din. Mga kasinungalingan na itinago sa akin simula pag ka-bata pa.

Ang sakit!

Ang sakit na ung katotohanan na nasa likod ng lahat ng kasinungalingan ay manggagaling pa mismo sa taong pinaka-pinag-kakatiwalaan ko.

Ang sakit!

_________________________________________

I Fell InLove With My BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon