Chapter Twenty-Two(Bonding Part Two)

397 7 0
                                    

"Oh, ito na ung gown at tuxedo. Sukatin nyo na bilis. Alam nyo terno yan." Sabi nito ni Ate Saph na parang kinikilig pa.

Kinuha ko na ung gown at tsaka ito sinukat sa fitting room ganon din naman ang ginawa ni JD.

Wow, ang ganda ng gown. Color black sya na may style na parang shining beeds. Ang cute din ng style nya.

Nag simula na akong tanggalin ang suot ko at inilagay ang long gown. Tinignan ko na ang sarili ko sa malaking salamin na naka puwesto doon.

Hala!

Feeling ko hindi sya bagay sa akin. Huhuhu. Sayang. Amg ganda pa naman nya.

"Herlane, tapos ka na ba dyan?" Tanong sa akin ni JD mula sa labas.

"Pabayaan mo na sya, JD. Ganyan talaga ang mga babae, mabagal mag bihis dahil nag papaganda pa." Sabi naman ni Ate Saph habang naririnig kong tumatawa.

Una sa lahat hindi ko na kailangan na mag paganda dahil maganda na ako.

Pangalawa feeling ko hindi bagay sa akin ang suot ko.

At pangatlo nahihiya akong lumabas.

"Tapos na ako, pero feeling ko hindi bagay sa akin ung gown." Sabi ko.

"Lumabas ka na lang dyan. Kami na ang bahalang mag sabi sayo kung bagay ba o hindi ung gown na yan sayo." Sabi ni Ate Saph.

Huminga muna ako ng malalim at inayos ulit ang gown bago lumabas.

Lumabas ako ng naka pikit. Ng dumilat ako nakita ko silang dalawa na nakangiti at mukhang manghang mangha pa.

"Bagay ba?" Tanong ko nabpara bang kinakabahan.

"Perfectly fit, and it looks really beautiful to you." Namamanghang sabi ni Ate Saph.

"What can you say, JD?" Tanong ko sa kanya dahil parang natulala sya.

"You look great." Sabi nya. Napa ngiti naman ako sa sinabi ng dalawa.

"Bagay kayo." Naka ngiting sambit ni Ate Saph.

"Sira." Sabi ko sa kanya.

"Nako, pakipot ka pa. Nanliligaw ka ba sa pinsan ko ha, JD?" Tanong ni ate kay JD ng may nakaka intrigang tingin.

"Hindi ah." Agad na tanggi ni JD.

"Bakit ba ang defensive nyong dalawa? Para tuloy nakaka panghinala ang mga sagot ninyo sa bawat tanong ko. May tinatago ba kayo? Meron ba kayong tinatago sa akin ha? Ha? Ha? Ha?" Grabe naman tong si ate Saph. Grabe maka pag hinala. Psh.

"Sana." Sagot naman ni JD na ikinalaki ng mga mata ko habang ikinalawak ng ngiti ni Ate Saph.

"Ano ba JD?! Kung ano ano yang pinag sasabi mo kay Ate Saph baka kung anong isipin nyan at ipag kalat pa." Sabi ko naman. Dahil sa sinabi ko lalong lumawak ang ngiti ni Ate Saph.

"Ok lang naman sa akin kung hindi nyo sasabihin sa akin ang totoo. I respect your privacy. Sa mga panahon ngayon uso din naman ang secret relationship sa mga kabataan na katulad nyo diba." Sabi naman ni Ate Saph.

"Ano ba Ate Saph!" Napipikon na sabi ko.

"Ang galing nyo po palang mang hula. Hahah." Ano ba tong sinasabi ni JD.

"Sabi ko na nga ba eh. Wag kang mag alala, JD, pasadong pasado ka sa akin para maging cousin-in-law ko. Hahaha." Sabi naman ni Ate Saph.

"Ano ba?! Wag nga kayong ganyan." Sabi ko naman.

"Hay nako. Tanggalin nyo na kaya yang gown at tuxedo para maka pag pakit na kayo noh. Pasalamat kayo at black yang gown mo Herlane." Sabi naman ni Ate Saph. Ano ba tong sinasabi nya.

"Ano naman ngayon kung black tong gown na toh, ha ate?" Tanong ko naman habang naka poker face.

"Baka kasi kung puti yang gown na yan baka pag kamalan pa kayo ng iba naming customer na mag fiance kayo at bumibili kayo ng gown at tuxedo para sa kasal nyo. Hahahhahah." Dahil sa sunabi ni ate Sapb ewan ko kung bakit pero parang uminit bigla ang mukha ko kaya dare daretso na lang ako sa fitting room para mag palit.

Narinig ko pa ngang tumawa silang dalawa pero hindi ko na un pinansin.

Ng maka pag palitna ako nadatnan ko si Ate Saph at JD na nag uusap.

"Hay nako. Herlane, sabihin mo nga dyan kay JD na kahit wag na nya akong bayaran ok lang." Sabi ni Ate Saph sa akin.

"Wag mo ng ipilit na bayaran pa sya. Makulit din yan eh." Sabi ko naman kay JD.

"Eh kasi naman nakaka hiya." Sabi ni JD. Nako. Nag kahiyaan pa. Para wala na syang masabi kinuha ko na lang ung gown pati na ung tuxedo nya tsaka sya hinatak palabas sa shop papunta sa isang fastfood chain.

"Bakit mo ako hinatak?" Tanong sa akin ni JD.

"Eh nagugutom na ako. Libre mo na lang ako bilis." Sabi ko sa kanya sabay taboy sa kanya.

Saglit lang naman ako nag hintay at bumalik na sya dala dala ung pag kain namin.

Nag simula na kaming kumain ng walang pansinan. Gutom na talaga ako eh.

"Thank you, JD." Sabi ko sa kanya pag katapos namin kumain.

"Wala un." Sabi naman nya.

Basta basta naman nya ako hinatak papunta sa kung saan saan.

"Dito tayo." Sabi nya ng mahinto kami. Nakita ko ung tapat namin. World of Fun.

"Pambata." Sabi ko pero ako pa ang naung pumasok.

"Hintayin mo na lang ako dyan bibili lang ako ng token." Sabi nya sa akin. Tumango lang ako. Inikot ko ung mata ko at tiningnan ang mga laro doon.

Hindi naman siguro boring dito noh.

"Oh, tara na." Sabi nya sa akin. Una kaming nag laro ung doon sa car racing.

"Bakit dito?" Tanong ko.

"Pustahan na lang tayo. Kapag ikaw ang nanalo dyan, ikaw ang masusunod pero kapag ako ang nanalo ako ang masusunod." Sabi nito.

"Game." Sabi ko naman.

Nag simula na kaming nag laro pero takte naman! 2nd place lang ako.

"Pano ba yan. Ako 1st place." Sabi nya. Yabang nito.

Dahil sya ang nanalo sya ang nasunod. Nag laro kami ng basketball. Sa sobrang saya ko tawa na lang ako ng tawa.

Then ung sumunod ung babarilin mo ung mga zombie. Tapos nag laro pa kami ng kung ano ano hanggang sa maisipan namin na umalis na.

"Grabe ang saya." Sabi ko.

"Gusto mo ulitin pa natin un eh." Sabi nya. Napangiti naman ako.

Dahil pareho kaming may dala ng kotse ang sabi nya susundan na lang daw nya ako.

Nasa labas na kami ng bahay ko ng lumabas ako pati na rin sya.

"Sobrang saya ko, JD. Thank you for making this day unforgettable." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Seeing you happy is what matters to me." Sabi naman nya.

"Sige na papasok na ako. Uwi ka na." Sabi ko sa kanya.

"Sige. Good night." Sabi nya sa akin bago pumasok sa kotse nya. Bago sya tuluyang umalis bumusina muna sya.

Pumasok na rin ako sa bahay namin at tsaka dumaretso sa kwarto ko. Hindi pa naman gabi eh. Mag papahinga lang ako saglit.

Posible bang mag ka-feelings ako para sa kanya? Malay mo diba. Para sa akin ok lang kung sya ang pipiliin nila mama, pero mas ok sana kung ung isa.

Am I in love?

_________________________________________

In love nga ba sya? Sorry po sa late update. Medyo busy lang po ako. And thank you po sa pag hihintay. :-) :-)

I Fell InLove With My BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon