Chapter Nine(Accident)

583 13 0
                                    

Herlane POV

Nakasakay ako sa kotse ko at kasalukuyang nag mamaneho. Mabilis ang takbo ko ngayon na parang nakikipag karerahan ako. Hindi muna ako dumaretso sa bahay namin, pumunta muna ako sa malayong lugar at kasalukuyang papunta ako doon.

Medyo malayo na ang nararating ko at sigurado akong wala na ako sa Manila. Mga isang oras na din akong nagda drive papunta sa isang lugar na madalas naming pinupuntahan ni Sarah tuwing problemado kami.

Ng makarating na ako agad kong pinarada ang kotse ko sa malapit lang. Nandito ako sa isang cliff. Dito ko ibubuhos ang galit ko.

"HAAAA!!!!!!!!! ANG UNFAIR UNFAIR MO MARCUS!!!!!!!!!!!!! WALA KANG KWENTA!!!!!!!!!!!!! HINDI MO NA BA AKO KAILANGAN!!!!!!!!!!!!!! BWISET KA!!!!!!!!!!! WALA KANG KWENTANG KAIBIGAN!!!!!!!!!!!!" Sabi ko na puno ng galit. Isa isa ng nag labasan ang mga luha ko. Mas masakit pa ang nararamdaman ko ngayon kesa sa nararamdaman ng mga taong kakabreak up lang.

Third Person's POV

Walang ginawa si Herlane kundi ang sumigaw ng paulit ulit kasabay ng kanyang pag iyak. Hindi nya magawang pigilan ang mga luha nya dahil alam nya sa sarili nya na ang pag iyak lang at pag sigaw ang tanging makakatulong sa kanya.

"Bakit pa kasi kailangang mangyari toh?" Mas mahinahon ngunit mas may sama ng loob na sabi nya.

Wala na syang iba pang alam na sulusyon sa problema nyang ito. Hanggang ngayon nararamdaman pa rin nya ang init ng kanyang pisngi dulot ng pag sampal sa kanya ni Marcus.

Paulit ulit nyang tinatanong sa sarili nya kung ano ang ginawa nyang masama para mag iba ang ugali ng kanyang best friend.

Sa mall naman kung saan naiwang tulala sila Sarah. Hanggang ngayon hindi pa rin nababawasan ang tensyon sa pagitan nina Sarah at Marcus.

"Marcus, ok ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Micah.

"Oo." Sabi naman ni Marcus. Sa ngayon hindi nya muna pinapansin ang kanyang kasintahan sa halip mas nag aalala sya sa kalagayan ni Herlane.

"Nasan na kaya si Herlane?" Nag aalalang tanong ni Sarah. Lahat sila halos hindi na makapag salita sa sobrang pag iisip kung nasaan at kung ano na ang nangyari kay Herlane.

"Eh kung umuwi na kaya tayo para hindi tayo dito nag aalala. At least doon pwede nating abangan si Herlane." Suhestiyon ni Kaye.

"Doon na lang muna tayong lahat sa bahay namin para alam natin kung umiwi na ba sya." Suhestiyon din ni Sarah. Nag sipagsang ayon ang lahat.

Tinahak nila ang daan patungo sa parking lot. Ng makarating sila dito wala ng sabi sabi at nag sipasukan na sa kani kanilang kotse ang lahat at umandar na at tinahak ang daan patungo sa bahay nila Sarah.

After a few minutes

Ng makarating sila sa bahay nila Sarah agad nilang ipinarada ang kotse nila sa garehe at tsaka unang nag tungo sa bahay nila Herlane. Natag puan nila ang ina ni Herlane na naka upo sa malaking sofa habang nanunuod ng paborito nitong teleserye.

"Tita," Tawag pansin ni Sarah.

"Oh, Sarah bakit?" Tanong nito.

"Umuwi na po ba si Herlane?" Tanong ni Sarah.

"Ha? Hindi pa. Kasama nyo sya diba?" Nag tatakhang tanong nito.

"Opo pero nahiwalay po kasi sya sa amin eh." Sabi ni Sarah. Paalis na sana sila ng may umagaw sa atensyon nilang lahat.

"Breaking news, isang kotse at isang pick up truck ang nag kabanggaan dito sa isang intersection. Isang babae at lalaki ang sakay ng pick up truck samantala isang babae din naman ang sakay ng kotse. Nangyari ang aksidente dahil sa maling pag papatakbo ng pick up truck. Naka red light sa pwesto ng pick up at dapat naka stop lang ito ngunit nag daredaretso ito dahil na rin sa bilis ng pag papatakbo nito kaya nahagip nito ang kotse. Ang mga sakay ng pick up truck ay nakilala bilang sina Joros Albuerte at ang kanyang asawa na si Kalfa Albuerta. At ang sakay naman ng kotse ay nakilala bilang si HERLANE KERS JAVIER anak ng isang kilalang pamilya. Kasalukuyang papunta na ngayon ang ambulansiyang sinasakyan ng tatlong kawawang tao ngunit sa kasamaang palad si Kalfa Albuerta ay nasawi habang ang kanyang asawa ay ligtas ngunit si Herlane Kers Javier at kritikal ang lagay. Ngayon ay papunta na sa St. Luke's Hospital malapit dito sa pinangyarihan ng insidente."

Para silang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig namin. Para silang naestatwa dito. Ng maka recover sila sa narinig agad silang kumilos at sumakay sa kotse at agad itong ipinaandar papunta sa nasabing lugar.

Lukas POV

Ng makarating kami dito sa ospital hindi na kami nag patagal pa sa parking lot at agad kaming dumaretso sa nurse station.

"Nasaan si Herlane Kers Javier?" Agad na tanong ni Tita Arny. Bakas na bakas sa mukha at mata nya ang pag aalala.

"Nasa emergency room pa po." Sabi naman nung nurse.

"Nasaan ung emergency room nyo?" Tanong ulit ni Tita Arny.

"Daretsohin nyo lang po yan and then kumanan po kayo. Nandun na po ang emergency room." Sabi naman nung nurse. Sinunod namin ung direksyon na itinuro nung nurse. Nag hintay kami ng ilang minuto ng dumating ang doktor.

"Doc, kamusta po ang anak ko?" Agad na tanong ni Tita Arny.

"Si Herlane Kers Javier po ba ang inyong tinutukoy?" Tanong din nung doktor.

"Oo sya nga po." Sabi naman ni Tita Arny.

"She's still unconscious and critical. Sa ngayon ililipat namin sya sa Intensive Care Unit para mas matignan namin sya specially kung may pag babago ba sa kalagayan nya." Sabi naman ng doktor.

"Ano bang nangyari sa anak ko?" Umiiyak na sabi ni Tita Arny.

"So excuse me, I need to go." Sabi naman nung doktor. Parang binagsakan ng langit at lupa ang itsura ni Tita Arny habang umiiyak habang inaalo naman sya ni Sarah.

"Eh kung pumunta na kaya tayo sa ICU." Suggestion ni Sarah.

"Wag muna." Pag tutol ni Tita Arny. Lahat kami nag tinginan sa kanya. "Hindi pa ako handang makita ang anak ko sa ganong sitwasyon." Sabi ni Tita Arny. Naiintindihan naman namin sya dahil alam kong mahirap makita ang taong malapit sayo na nakaratay sa hospital bed habang walang malay at hindi mo alam kung gigising pa ba o hindi.

I Fell InLove With My BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon