Chapter Fifteen(Sino Sya?)

552 15 2
                                    

Sarah POV

Grabe ang saya na nararamdaman ko ngayon. Ang buong akala ko wala na talaga sya pero, babalik pa rin talaga sya.

Tinupad nya ang pangako. Hindi sya bumitaw. Hindi nya kami iniwan.

Hindi sya bumitaw sa amin at ang sarap lang sa pakiramdam na buhay sya at hindi nya kami iniwan.

"Herlane, kamusta ang pakiramdam mo? Wala bang masakit sayo o kahit nahihilo ka ba?" Tanong ni Tito Alvin.

"Ok na po ako, pa. Wag na po kayong mag alala sa akin." Sabi naman ni Herlane habang naka ngiti.

"Ah, teka, Tito Tita, lalabas po muna ako." Sabi ko. Di ko lang sure pero parang kanina pa ako naririnig na nag bubulungan dun sa labas eh.

"Ah sige lang." Sagot ni Tita Arny.

Lumabas na ako at inikot ko ang mga mata ko at tama nga ako sa hinala ko.

MAY NAG MAMANMAN SA AMIN.

Hindi man sa akin pero sigurado akong nag mamanman sa amin un.

Tatlong lalaki sila at lahat sila ay naka itim. Naka talikod sila sa ngayon kaya hindi ko makita ang kanilang mga mukha.

Psh. Sa totoo lang hindi ko na dapat pinag aaksayahan pa sila ng precious time ko noh.

Inalis ko na lang sila sa isip ko at tsaka umalis muna ng ospital. Pupunta muna ako sa coffee shop na malapit lang dito.

Ng makarating ako dun dumare daretso lang ako at humanap ng mauupuan.

"Good afternoon, mam. What do you like to have, mam?" Tanong sa akin ng waitress.

"Uhm, isang mocha frappe." Sabi ko.

"Ok mam. Just wait for a minute." Sabi nya. Nginitian ko lang sya at tsaka umalis na sya.

Tinignan ko ung labas ng ospital mula dito sa coffee shop. Nandun na naman ung mga lalaking naka itim.

Kung sino man sila, bakit sila nag mamanman sa amin? Actually, kanina ko pa sila nakikita eh. Nung pabalik pa lang ako galing sa chapel nakita ko na sila sa tapat ng room ni Herlane.

Ang akala ko wala lang un kaya hindi ko pinansin pero nung kanina na pumasok ulit ung mga doktor nakita ko na naman sila tapos nung lumabas ako kanina nakita ko na naman sila tapos eto ulit nakita ko sila.

Wala naman akong natatandaan na naka away namin o kahit na sino sa amin para merong mag manman sa amin eh.

"Excuse me, mam, here's your order." Nabaling ang atensyon ko sa waitress na kasalukuyang ibinababa ang frappe sa table ko.

"Enjoy your mocha frappe mam." Sabi ng waitress bago sya umalis.

Habang iniinom ko ung frappe pinag mamasdan ko pa rin ung mga lalaking naka itim. Wala naman silang ibang ginagawa bukod sa tumi tingin tingin sila sa paligid wala na silang ibang ginagawa.

Hays, hindi ko tuloy maenjoy   ang pag kakabuhay ulit ni Herlane dahil sa mga Men in Black na toh.

Bzzt, bzzt

Tinignan ko ung cellphone ko at tinignan kung sino ung nag text sa akin.

From: Mama

Nak, nabalitaan ko ung nangyari kay Herlane. Kamusta na sya?

--end--

Si mama lang pala. Hindi ko na muna un pinansin. Hindi kasi maganda ang connection namin ni mama sa isa't isa.

Simula nung bata pa lang ako never kaming nag bonding na mag kasama. Kaya nga ako naging rebelde eh.

Nung tinignan ko ulit ung mga Men In Black ay wala na sila. Ginala ko ung mga mata ko pero wala na talaga sila.

Nag iwan na lang ako ng pera pambayad dun sa table at tsaka binitbit ko ang wallet, cellphone at ung frappe pabalik sa ospital.

Ng pabalik na ako at tatawid na sana ako ay..

"SHOCKS!" Napa iwas agad ako sa humaharurot na sasakyan na un. Sigurado akong ako talaga ang target nun. Bakit? Kase kanina nung hindi pa ako tumatawid hindi pa yan humaharurot.

Ng makabalik na ako sa kwarto ni Herlane nandun sila habang masayang nag tatawanan.

"Oh, Sarah." Pag tawag sa akin ni Herlane.

"Bakit?" Seryosong tanong ko.

"Meron ka atang pangako sa akin kanina?" Sabi nya ng may nang uusisang tingin.

"Ano?" Naguguluhang tanong ko.

"Ung sinabi mong magising lang ako mag papaligaw ka na?" Sabi nya habang may mapan lokong tingin.

"Hahah. Oo nga narinig ko din un." Gatong naman ni Kaye.

"Oo na, oo na. Wag kang mag alala tutuparin ko un." Sabi ko na parang wala ng naiiwan pang choice.

"Un oh! Mag kaka love life na si Sarah." Masayang sabi ni Herlane.

"Pasalamat ka at nakaratay ka dyan sa kamang yan dahil kung hindi nabatukan na kita." Sabi ko naman.

"Mama oh." Pag susumbong ni Herlane kay Tita Arny pero tumawa lang ito.

Pansin ko lang ah kanina pa walang imik tong si Marcus at Lucas. Siguro dahil din dun sa nangyari sa kanila sa mall.

Sa totoo lang parang hanggang ngayon ilang pa rin sa isa't isa sila Lucas at Kaye pati na rin sila Marcus at Herlane.

Hays, sana mag kabati bati na sila noh.

Someone's POV

Psh. Nakakainis! Bakit pa kasi nabuhay buhay pa yang Herlane na yan eh.

Kung tinatanong nyo kung sino ako, wala na kayong pakealam dun.

Ako lang naman ang taong may pakana ng pag kakabangga ng Herlane na yan at ang muntikang pag kakabangga ng pinsan nun.

Maraming tao ang kasama kong papatay sa grupo nila. Maraming araw na ang pinalipas namin para lang sa araw na pinaghandaan namin para sa pag kakabangga nya. Pero takte naman oh! Bakit buhay pa un?!

Ano bang klaseng tao un at buhay pa rin?! May sapusa ata un eh. Bakit pa kasi nabuhay un eh?!

Kakairita! Argh! Bwiset!

"BWISET!!"

"Wala na talaga tayong magagawa dun." Sabi sa akin ng kanang kamay ko.

"Bakit kase hindi nyo pa tinuluyan!? Imbes na sinagasa nyo, dapat pinaulanan nyo na lang ng bala!!" Galit na sabi ko.

"Mas pag hihinalaan na meron talagang nag tangka sa buhay nya. Kesa sa ginawa namin ngayon aksidente lang ang alam ng lahat."
"Kahit na!! Gawin nyo ang lahat ng makakaya nyo!! Ubusin nyo ang barkada nila!! PATAYIN NYO SILA!! LALO NA YANG MARCUS NA YAN!!"

I Fell InLove With My BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon