Chapter Thirty-Five(She Changed, Love Changed Her)

324 7 0
                                    

Herlane POV

Dumaan ang ilang araw at dalawang linggo. Eto na papasok na ulit kami. Hanggang ngayon maga pa rin ang mga mata ko.

Simula nung araw na nalaman ko ang lahat, naging ma-ilap ako sa lahat. Kahit kila Sarah at Kaye.

Madalas silang dumadalaw sa bahay pero di ako lumalabas ng kwarto kahit na katukin nila ako. Madalas na ako wala sa bahay, palaging nasa simenteryo, nasa puntod nila lolo at lola at dun na kumakain.

Mamaya pupunta ulit ako dun. Sa ngayon nandito ako sa canteen kumakain ng breakfast.

"Herlane," Napa tingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Marcus iyon.

Inayos ko ang gamit ko at tsaka umalis. Pinigilan nya ako sa pamamagitan ng pag hatak ng braso ko.

Huminto ako at humarap sa kanya, tsaka ko sya tinignan ng daretso sa mata.

"Anong trip toh?" Agad na tanong ko sa kanya tsaka hinatak ang braso ko mula sa kanya at tumalikod sabay lakad.

"Wag ka naman ganito oh." May halong pakiki-usap sa boses nya. Huminto lang ako pero di ako humarap sa kanya.

"Kayo ang nag tulak sa akin para maging ganito. So don't expect me to listen to you." Sabi ko tsaka lumakad na ulit papunta sa room namin.

Habang nag lalakad nag simula na ulit tumulo ang mga luha ko at agad ko naman itong pinahid.

Bakit hanggang ngayon masakit pa rin? Sabi nila 'Time Heals' kelan pa ba dararing ung oras na mawawala din tong sakit na toh?

Bago ako pumasok sa room namin huminga muna ako ng malalim.

"Herlane!" Excited na tawag ni Kaye at tsaka pumunta sa akin. Yayakapin nya sana ako pero umiwas ako sa kanya.

"Herlane, naman, kausapin mo na kami oh." Sabi sa akin ni Kaye habang sinu-sundan ako hanggang sa maka upo ako sa upuan ko.

"Layuan nyo ako. Ayan kinausap na kita. Happy?" Sarcastic na sabi ko habang may mapang asar na mukha.
Sabay irap sa kanya.

Dahil sa inasal ko sa kanya, may halong disappointment sa malalim nyang pag hinga bago tuluyang umalis.

Masama na kung masama ang inasal ko. Sadyang masakit pa rin hanggang ngayon. Alam ko namang wala silang kasalanan pero, wala eh, masakit talaga. At ang tanging kailangan ko lang ay time and space.

Pumasok na si Marcus sa room at bago sya tuluyang pumasok tinignan nya muna ako at ako na ang unang umiwas ng tingin.

Tumingin na lang ako sa desk ko na may notebook at ballpen. Nag sulat na lang ako doon ng nag sulat. At dahil tinamad akong mag sulat, kinuha ko ang pencil at eraser sa bag ko pati na ang sketch pad ko tsaka nag drawing ng Eiffel Tower na may couple sa ilalim nito sa oras ng sunset.

Dahil sa na-engganyo ako sa style nito, kinuha ko rin ang coloring pencils at pens sa bag ko tsaka ito kinulayan.

Tunay ngang nag bibigay ng buhay ang kulay sa bawat drawing o pinta mo. Pero, paano nga ba nag kakaroon ng kulay ang mga pini-pinta ng isang tao kung ang taong un at walang ka-kulay kulay ang buhay?

Hays. Hay buhay, bakit masyado kang komplikado. Pero, ang buhay nga ba ang komplikado? O ang tao mismo?

"Good morning students." Sabi ng teacher namin.

Nag simula na syang mag turo pero ang utak ko ay nasa jupiter pa rin. Grabe. Wala talaga ako sa mood mag aral ngayon.

*it's so hard to lose the one yo--*

Agad kong pinatay ang phone ko. Napa tingin tuloy sa akin ung teacher namin.

"Answer the call the outside." Utos sa akin ng teacher kaya tumayo ako at lumabas.

Nag text lang naman un eh. Binasa ko ang text na galing kay Ate Saph.

From: Ate Saph

Herlane, pag kauwi mo punta ka sa puntod nila lolo at lola. Kita tau dun, mrn akong ssbhn sau. Tapos dala ka na din food kasi baka magutom me der. Byieee.

--end--

Yan lang ang naka lagay. Naku naman, inistorbo pa ako.

To: Ate Saph

Ok. You just disturbed my class.

--end--

Yan ang sabi ko tsaka pumasok na ulit sa room. Tinignan lang ako ng teacher.

"I'm so sorry for disturbing your class, can I come in now?" Sabi ko sa english at terror naming teacher.

"You should or I'll drop you in my class." Sabi nya kaya pumasok na ako.

"So class, as I was saying, if you're going to enter a business life, you should know more. You should think more. Don't let go the opportunities that waits for you. You should get it." Sabi ng teacher namin. Psh!

Ano bang kinalaman ng business sa english subject????

Bell rings

"That's how our lesson for today ends. See you all tomorrow." Sabi nya bago umalis.

Kinuha ko ulit ang mga drawing materials ko at nag draw ng 'love locks'. Mas ok pa ang mag drawing kesa sa makinig sa teacher mong ubod ng suplada palibhasa matandang dalaga. Bitter. Galit sa mundo.

"Herlane, ok ka lang?" Napa tingin ako sa nag tanong sa akin na si Marcus at kasama pa sila Lucas, Kaye, Sarah, JD, Trixie, Ziggy at Micah.

"Kanina? Oo ok ako. Pero kung dumating kayo, nasira ang mood ko. Bakit ba ang kulit nyo? I need space." Sabi ko kaya bagsak ang balikat nila ng umalis sa harapan ko.

Itinuloy ko lang ang ginagawa ko. Ng tapos na ang bridge nilagyan ko ng mga couples sa loob ng bridge at ang isang couple lang ang nag lalagay ng padlocks. Si girl ung nag lagay habang si boy ung nag tapon ng susi sa river. O lake sa gitna ng sunrise.

Kinulayan ko na din ito. Lahat ng nasa sketch pad ko ay puro Paris ang theme. Matagal ko ng gustong puntahan ang Paris noh.

Para sa akin, ung couple na dinrawing ko, ay ako at ang forever ko. Corny ba? Ang sabi kasi nila if love comes to your way, there is nothing you can do, except following what it says.

Isang tao ang nag sabi sa akin na, 'Love is just a word, dictionary gives meaning to it, but once there is someone who let you fell loved, he or she is the one who wrote the meaning of love in your heart'. Ganda noh? Yan ang pang hahawakan ko habang buhay.

I Fell InLove With My BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon