Chapter 4 : Avoiding Kris

264 12 0
                                    

Kris POV




"Hoy. Bumangon kana dyan!"



Ugh. Nagtalukbong ako ng unan kasi nga kanina pa tong gumigising saken. Pucha ano ba mamaya pa yung shooting ah bat ba ginigising ako!? Panay na nga ako puyat dahil sa mga lintek na shoo--


"Bumangon kana Kris!"


Bigla akong napadilat. Nagising ako sa katotohanan,leche oo nga pala...andito na nga pala ako sa mundo ng kahirapan este ng katahimikan. Nasanay na kasi ako na ang gumigising saken eh yung P.A ko,kasi may shooting,eh kaso eto si Mang Karting lang pala. Wait,ano bang problema neto?


Nagkusot ako ng mga mata ko at nag-inat tapos humarap na ako kay Mang Karting..."Ano po bang kailangan nyo?" nakapikit kong tanong,antok na antok pa kaya ako -.-



"Tulungan mo ako magtanim ng palay!" sabi nya.


Napadilat naman ako sa narinig ko..."What the,teka hindi naman ako marunong nun eh saka bat ko naman kayo tutulungan!?" pangangatwiran ko.


"Aba. Nakikitulog kana nga lang dito ah!" sigaw nya saken.


"Oo na oo na wag kayong sumigaw -.- Idadahilan pa pagtulog ko dito eh nagbibigay naman ako ng pagkaen -.-" bulong ko.


"Anong sabe mo!?"


"Ang sabi ko pakituruan nyo nalang ako kasi hindi ako marunong" sabi ko tapos tumayo na ako sa papag.


Nagpunta naman ako sa may batis para maghilamos at magsipilyo. Bat ba naman kasi wala silang banyo -.- kailangan maglakad kapa ng konti para marating tong batis eh. Seryoso ako ibibigay ko sakanila yung pinapagawa kong bahay pag aalis na ako -.-



Andito na ako ngayon at nakita ko namang madameng dalagang naliligo,tsss awkward. Pero uy ha,hindi naman sila nakahubad pag naliligo,nakadamit padin syiempre. Kaso naman kasi eh,yung mga tingin nila akala mo pagtutulungan na nila akong i-rape -.-


"Uy ohh...tignan mo yung gwapong yun"


"Oo nga grabe paano ba naligaw yan dito sa bayan naten!"

"Baka naman artista yan!? Parang napanuod ko na yan minsan eh!"


"Oo mukha talaga syang artista eh,kamukha sya ni Kris! Tama kamukha nga!"

"Hay nako ang swerte ni Ppanyang! Panay nya kasama yan!"


"Yung baliw na Ppanyang!? Wow ha,kasama na nga nya si Chen tapos yan pa!? Baliw talaga yon!"


"Baka kasi ginagayuma ni Ppanyang yung mga lalake!"


Tsk. Mga babaeng to chismosa. At ano kamo!?Kamukha ko daw si Kris!? Natawa naman pala ako dun,naging kamukha ko ang sarili ko haha. Yan,tama yan. Isipin nyo nalang na kamukha ko yung sarili ko.




"Bulaga!"



Ay putanginang bulaga! Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko si Ppanyang na napakalaki ng ngiti. Kahit kailan talaga to puro kalokohan -.-


"Nga pala,kumusta tulog mo kagabi?" nakangiti nyang sabi.


Wow,nagawa mo pang itanong. Ang sarap ng tulog ko kagabi,grabe.


Crazy girl,Ppanyang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon