Ppanyang's POV
Lumipas ang mga ilang araw at patuloy padin ang pagpapansin ko kay Kris kahit na alam kong pangit nga tignan kasi babae ako. Umuwi nadin ako samen buti nalang hindi nalaman nila tatay na kila Kris ako tumuloy. Bat nga ba hindi ako magustuhan ng lalaking yon kahit anong gawin ko? Sinubukan kong pagandahin sarili ko kaso wala padin eh.
Nandito ako ngayon sa may ilalim ng puno,dumating naman bigla si Chen.
"Hoy Ppanyang! Tahimik ka dyan!" bati nya saken tapos tumabi sya saken.
"Chen...maganda ba ako?" tanong ko.
"Oo naman. Bakit?"
"Eh bakit hindi ako magustuhan ni Kris?"
"Eh!? Ibig sabihin Ppanyang may gusto ka sakanya!?"
"Uhm ...oo,ganun na nga"
"Ppanyang naman! Sino ba mas matagal mo nang kakilala sameng dalawa!? Hindi ba ako!? Eh bakit nagkagusto ka sakanya,paano naman ako!?"
"Gusto mo din ako?"
"Oo matagal na! Bakit hindi mo man lang pinapansin ha!?"
"Pero Chen...kaibigan lang kita. Hanggang doon nalang yun,si Kris yung gusto ko eh"
"Hay. Edi si Kris! Tsk,sige mauna na ako"
Tapos umalis na sya,hala nasaktan ko pa si Chen T^T eh kasi naman eh si Kris naman talaga yung gusto ko </3 Kaso...yun nga,wala syang gusto saken.
At dahil nga sa para hindi na ako mahirapan pa sa nararamdaman ko,kagabi palang nasabi ko na kila tatay na lumipat nalang kami,sa manila. Baka sakali maging maganda buhay namen dun. Binenta na namen yung palayan namen eh. Kaya ayun,para daw makapag-aral nadin ako ng maayos at makapagtrabaho sila sa manila. Bahala na,basta makalimutan ko na sya.
Kris POV
Kulet talaga ng babaeng yun,buti naman nawala na -.-
Hindi na sya nagpapakita ah,araw araw dumadaan pa yun dito eh,kaso ngayon bat hindi na? Bat kaya?
Medyo namimiss ko nadin yung buhay ko ah,kahit papano syiempre diba? Kaso pag bumalik naman ako dun guguluhin nanaman nila yung buhay ko -.-
Lumabas naman ako ng bahay,makapag-jogging muna.
Habang nagjojogging ako panay ang bati ng mga tao saken,kilala nadin kasi ako dito sa bayan na to.
"Hi kuya Kris"
"Magandang umaga Kris,kagwapo naman ng batang ire"
"Magandang umaga"
Ganyan sila bumati saken,ngumingiti naman ako sakanila. Madame na akong nadaanang mga tao pero hindi ko padin nakikita si Ppanyang. Tssss puntahan ko kaya sakanila?Ah uh no way -.-
Nakita ko naman si Chen,na akala mo eh papatayin ako sa tingin. Bwiset na to mukha namang camel -.-
Huminto ako sa pagtakbo at saka lumapit sakanya.
"Nasan si Ppanyang?" tanong ko.
"Bakit mo naman hinahanap? Papalapitin mo sayo para saktan mo lang!?" aniya nya.
"Ha? Tinatanong kita kung nasan sya -.- layo ng sinabe mo sa tanong ko ah"
"Eh totoo naman eh,sinasaktan mo lang sya"
"Eh ano naman sayo,nasaan nga sya?"
"Wala na sya. Wala na sila ng pamilya nya. Dahil sayo kaya napagdesisyonan na ni Ppanyang na lumipat na sila ng pamilya nya,hindi ko na sasabihin pa kung saan! Swerte mo nga eh sayo sya nagkagusto hindi saken!" pagkasabi nya nan umalis na sya.
UMALIS NA SILA PPANYANG DITO SA BAYAN!?
:(
Bat nakaramdam ako ng lungkot? Sakanila ko pa naman ibibigay yung pinagawa kong bahay balang araw.
Baka hanap hanapin ko pa naman pagiging makulit nya.
Parang nakakakonsensya naman. Hindi ko naman sya gustong saktan :( It's just that...hay.
Umuwi na ako sa bahay. Tahimik,wala ng nag-iingay sa labas para kulitin akong papasukin sya,wala na yung panay ang tawa -.- wala na yung mangungulit saken,wala na yung nagkakagusto saken.
Wala na si Ppanyang.
-----------------
Ppanyang's POV
"Ppanyang bilisan mo ilagay mo na yang gamit mo sa cabinet,iaayos lang namen tong ibang gamit naten" sabi ni tatay tapos bumaba na sila.
Tatlong araw nang nakakalipas simula ng makarating kami dito sa manila,si nanay dito lang sa bahay,si tatay bilang janitor sa isang mall at ako bilang isang katulong sa mansyon. Magtatrabaho muna ako bago ako mag-aral para makapag-ipon.
Kalat padin pala sa balita na nawawala si Kris?Talaga palang sikat na sikat sya eh. Puro mukha nya padin andito sa manila,akala ko pa naman makakalimutan ko na sya,eh bawat lakad ko dito lakad ko dun puro sya nakikita ko.
Pumunta na ako dun sa mansyon na pagtatrabahuhan ko. Medyo masungit nga yung amo ko eh -.- nakakatakot sya huhuhu. Pero okay lang,kaya ko to.
"Goodmorning ho ma'am" bati ko sakanya.
"Walang good sa morning. Late ka nanaman! Pangalawang araw mo palang dito ganyan kana! gusto mo bang tanggalin kita sa trabaho mo ah!?" bulyaw nya saken.
"Nako ma'am ayoko ho,pasensya na po hindi na mauulit pa" sabi ko.
"Dapat lang. Talagang hindi na dapat pang maulit kundi tanggal kana sa trabaho!" sabi nya.
Pumasok na ako at nagsimula nang maglinis. Balita ko nawawala din anak neto nila ma'am,pero hindi ko na inuusisa baka sabihin pa chismosa ako,pero bat kaya lumayas yung anak nila? Grabe.
"Ppanyang,pakilinis ang kwarto na yun sa dulo" sabi ng mayordoma saken.
"Ho?May kwarto pa pala sa dulo?" tanong ko.
"Abay oo,yan yung kwarto nung anak nilang lumayas,balita ko nahanap na nila eh"
"Talaga? Nako buti naman ho at nahanap na no?" nakangiti kong sagot.
"Oo nga eh. At malamang maya maya dadating na yun,nako tuwang tuwa kamo si ma'am!"
"Hay nako buti naman at nahanap na sya,gustong gusto ko din kasi sya makita eh,siguro mabait yun no?"
"Ay nako,sikat na artista yun!Mabait talaga yun kaso tahimik lang eh,sya si--"
"Manang berta bumaba ka nga muna dito!" sigaw ni ma'am kay mayordoma,sayang hindi na natuloy yung kwento.
Pumasok na ako sa kwartong nasa dulo.
o_O
------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Crazy girl,Ppanyang.
FanfictionMy world turned upside down when i met this crazy girl.Her name is Ppanyang -.- Baliw sya,baliw!