Chapter 17 : Bye.

20 2 0
                                    

Ppanyang's POV





Hindi ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko. Parang gustong gusto ko sampalin yung sarili ko ng paulit ulit para naman maramdaman ko kung nananaginip ba ako o hindi.






"Ppanyang wag kang maniwala sa kanya,she's lying!" sabi ni Kris.




"Oh cut the acting best actor. Alam mo Ppanyang,magaling lang talaga umarte to si Kris kaya pati yung pagsisinungaling nya sayo parang akala mo totoong totoo. Ano,napaniwala ka ba na mahal na mahal ka nya? Girl,wake up. Sinong lalaki ang magmamahal sayo na ganyan ang itsura mo? You're poor,you're not sexy and you're not beautiful like me,and katulong ka lang nila Kris noon. You think maiinlove sya sayo,mag-isip isip ka nga!" sabi ni Sooyoung.






"Shut up!" sigaw sakanya ni Kris.





"You shut up. Im just telling the truth!"





Nangingilid na yung mga mata ko. Naiiyak na ako. Hi-hindi ko alam ang gagawin ko,hindi ako makagalaw,para akong namamanhid. Parang gusto kong lumubog nalang sa lupa.




"Anong nangyayari dito?" si Chen dumating,nakita nya naman akong umiiyak kaya hinatak nya ako papunta sa kanya.






"Sagot! Puta ano kakong nangyayari dito!?" sigaw ni Chen.





"Oh,you must be her knight in shining armor,kaso madusing nga lang. Well,you better save her from Kris. Nasabi ko na ang nasabi ko,so im outta here,bye feliciasss!" sabi ni Sooyoung,sumakay na sya sa kotse nya at saka umalis.








Binitawan naman ako ni Chen at lumapit sya kay Kris ..."Ano kakong ginawa mo kay Ppanyang,bakit sya umiiyak nang ganyan!?" galit na galit na sabi ni Chen,si Kris hindi makaimik kaya sinuntok ito ni Chen.






"Tangina. Walang sino man ang pwedeng manakit sa kaibigan ko,dadaan muna sila saken bago nyo sya saktan. Maaaring wala akong masyadong alam sa nangyari,pero mukha mo palang alam ko na kung bakit"






"Ano bang pakielam mo!? Labas ka na dito sa problema namin ni Ppanyang!"





"Gago. Tigilan mo na kaibigan ko!"






"Kaibigan? O ka-ibigan? Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo Chen,ang mabuti pa umalis ka na dito bago ko pa gantihan yung ginawa mo sa akin,we need some privacy para makapag-usap kaya kung pwede umalis ka na!"







Nagpunas ako ng luha at lumapit kila Chen at Kris ..."Sige na Chen,maguusap lang kami saglit"










--------------------------------





"Sorry"





Nakatulala padin ako sa mga narinig ko kanina. Ang tanga tanga ko,sana nung una pa lang nalaman ko na ito. Nagpalinlang ako sa taong hindi naman pala talaga ako mahal.






"Kris,ang tanga ko no?" sabi ko sakanya habang nakatingin lang sa mga puno,nakaupo kasi kami ngayon sa papag.





"No Ppanyang its just that--"





"Wag ka nang mag-english,dumudugo ilong ko eh. Pero totoo,ang tanga ko. Ang tanga ko para magpaniwala sa mga pinagsasabi mo sa akin"




"Look Ppanyang,hindi porket hindi kita minahal eh ganun ganun nalang yun. Naalala mo ba nung unang punta ko dito,ikaw ang una kong nakilala nun at kahit papano madami din tayong pinagsamahan nun"







"Iba ang may pinagsamahan sa mahal Kris,sana ...sana nakinig ako kay Chen,sana naisip ko din na hindi naman talaga bagay ang mayaman sa mahirap na gaya ko. Sana talaga hindi ako pumayag"






"No,hindi Ppanyang"







Yung luha ko tulo lang ng tulo,si Kris parang naririnig kong naluluha din.






"Tama na to" pinunasan ko ang luha ko at tumayo na ..."Kalimutan na naten to,kalimutan mo na lahat ng nanyare at kalimutan mo na ako,at sana ...sana wag na tayo magkita,sana hindi na kita makita. At alam mo,sana masagasaan nalang ako,sana mauntog yung ulo ko nang makalimutan ko ang lahat ng ala-ala na nagkaron tayo!"







Iniwan ko pa naman din ang pamilya ko para sayo,tapos ganito ang mangyayari.






Tumakbo ako papalayo kay Kris,sobra akong nasaktan sa lahat nang nanyari,ayoko na.

Crazy girl,Ppanyang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon