Kris POV
After ng work ko dali dali na ako pumunta sa parking lot para sumakay sa kotse,syiempre hindi ko ginive up tong kotse ko eto na nga lang ang meron ako eh,nabenta na kasi yung mansyon namin kaya lumipat na kami sa mas maliit na bahay. Dahil sa tigas ng ulo ko nun sumuko nadin si Sooyoung sa akin at bumalik na sya ng Korea. Si Suho naman pumapasok sa isang call center,si mommy nagpapahinga lang lagi sa bahay at ako eto ...bilang isang office worker sa kumpanya lang naman ng babaeng niloko ko noon.
Hindi padin ako makapaniwala sa kanya,ibang iba na sya. The way she talks,the way she moves. Parang hindi sya si Ppanyang,feeling ko magkamukha lang sila. Pero ang ganda nya padin talaga. Sana lang mapatawad nya pa ako sa mga kasalanan ko,pero parang imposible at mas iisipin pa nya na hinahabol ko sya kasi mas mayaman na sya sakin ngayon. Pero hindi ganun yon,i still love her.
Wait,si Chen yun ah? Of course dito sya magtatrabaho dahil kaibigan sya ni Ppanyang eh. Eh kung kausapin ko kaya? Baka matulungan nya ako kay Ppanyang? Ugh,hell no. Galit pa yan sa akin malamang. Pero ...bahala na nga.
Bumaba muna ako sa kotse ko at dali daling lumapit sa kanya,pasakay na sya ng motor nya kaso nakita nya naman akong palapit na kaya hindi na muna nya ito inistart.
"May kailangan ka ba?" tanong nya agad sa akin.
"Gusto ko lang humingi ng tawad sayo noon,at saka kay Ppanyang" sabi ko.
"Ah. Alam mo,wag ka sa akin humingi ng tawad,sa kanya. At saka wala naman na akong pake sayo eh,ang liit ng mundo no akalain mo yun dito ka pa pala magwowork?"
"I know,but still im sorry. Pwede mo ba ako tulungan sa kanya?"
"Hindi siguro Kris,bahala ka na sa buhay mo problema mo na yan. Mula ng dumating si Ppanyang galing ng amerika nag-iba na sya,kaya kung ako sayo wag mo na syang guluhin pa. Sige na aalis na ako" inistart na nya yung motor nya at saka umalis na.
Hay,ano pa nga ba magagawa ko.
------------------------
kinabukasan...
"tangina ang dami naman neto" bulong ko sa sarili ko,paano ba naman kasi ang kapal kapal ng paperworks na pinapagawa sa akin.
"May problema ka?" tanong nung Maxene,sya yung nag-abot saken neto eh.
"Ha? Ah wala" sagot ko.
Ppanyang's POV
"Good job Max" sabay apir namin at tawanan.
"Napamura nalang sya sa inis eh haha,takang taka sya bakit mas tambak trabaho nya kesa sa iba" sagot nya.
"He deserves it,gusto nya magwork diba? Edi ayan."
"Ayan ka nanaman Ppanyang" si Chen biglang pasok sa office ko.
"Nako Chen sayang hindi mo nakita mukha ni Kris nung natanggap nya yung paperworks nya" natatawang sabi ko.
"Ppanyang umayos ka nga,hindi ikaw yan." sagot nya.
"Chen naman hindi ba galit ka din sa kanya?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Crazy girl,Ppanyang.
FanfictionMy world turned upside down when i met this crazy girl.Her name is Ppanyang -.- Baliw sya,baliw!