Kris POV
Napapakamot tuloy ako sa ulo ko ngayon,eh kasi naman eh ...hindi ko naman sinasadya mapasobra pagacting ko -.- medyo harsh nga yung nasabe ko kay Ppanyang.
Asan na kaya yun ngayon? Malamang tulog na eh 11:30 na kaya ng gabi. Kakausapin paba kaya ako nun?
Wtf. Bakit hindi ko makalimutan yon. Bat ko paba iniisip yon eh karapatan ko din naman sya pagsalitaan ng ganon kase amo nya naman ako!
Pero hinde eh ...aish! Makababa na nga lang para kumuha ng tubig.
Tsssss. Tignan mo tong mga katulong na to kinalimutan patayin yung ilaw -.-
May narinig naman akong kaluskos sa may kusina,pucha baka magnanakaw to ah ..o kaya multo!? o_O
Kumuha ako ng panghampas,bahala na teka ano ba tong nadampot ko? Eh remote to ah?Tsss bayaan na nga,bahala sya ibabato ko to sa ulo nya!
Lapit ...lapit ...lapit.
Susmaryosep!
Baket may nakaputing babae na may mahabang buhok sa may ref! Anong kinukuha nya dun!? Wtf multo ba to!? Kinusot ko yung mata ko at saka tumingin uli. Holy sh*t multo nga ata.
Ibabato ko ba tong remote sa ulo nya?Malamang! Baka nga magnanakaw o multo eh!
Uhm!Bato!Sapol ka sa ulo ngayon hahaha.
"Aray!Huhu ansaket T^T"
o_O
Ppanyang?
"Teka paano ba ako napunta dito?Naglakad nanaman siguro ako ng tulog -.- tsss,pero san nanggaling tong remote? Sino bumato saken?" tanong nya sa sarili nya,kita mo to nagsleepwalking nanaman pala tapos kakausapin pa sarili,baliw talaga...naalala ko tuloy yung hinabol habol nya pa ako na para syang si sadako -.-
Hindi nya naman ako nakikita eh,nakatago ako sa likod ng pader,ayaw pa kasing umalis eh nauuhaw na ako.
Pero kailangan ko nga pala magsorry sakanya.
Wait. Sorry? For what!? She's just a maid!
Okay. Wag pairalin ang pride kahit ngayon lang Kris,kahit ngayon lang please.
Pinuntahan ko sya at kita ko sakanya ang pagkagulat.
"Listen ..sorry" sabi ko.
"Sorry? Saan po? Ikaw siguro bumato saken ng remote no kaya ka po nagsosorry?" sabi nya,kita mo to seryoso ako tapos bigla magsasalita ng ganyan -.- hindi ko tuloy mapigilan ang sarili na mapakagat sa labi kasi ayokong makita nyang natawa ako sa nasabe nya kasi ako nga naman ang bumato sakanya ng remote.
"Sira hinde. Yung...yung kanina,dun sa mga nasabe ko,hindi ko sinasadya yon,sorry talaga"
"Sige. Okay lang,totoo naman kase eh"
"Ah ...mukhang naglakad ka nanaman ng tulog ah -.- itsura mo eh" may masabe lang ako no?
"Nga po eh,sige matutulog na po ako...may kailangan po ba kayo sir?" tanong nya.
"Wa-wala ...matulog kana" sabi ko tapos umalis na sya.
Pagkaalis nya napasandal ako sa ref at natawa..."Hahahahahahaha nabato ko sya ng remote hahahahaha sapol na sapol hahahahahahaha" natatawa kong sabe.

BINABASA MO ANG
Crazy girl,Ppanyang.
FanfictionMy world turned upside down when i met this crazy girl.Her name is Ppanyang -.- Baliw sya,baliw!