Makalipas ang tatlong buwan...
Ppanyang's POV
"Anak,sigurado ka na ba dyan sa gagawin mo?" tanong sa akin ni tatay,sinara ko yung maleta ko at tumingin naman ako sakanila ni nanay,niyakap ko naman sila ng mahigpit.
"Oo naman po,at saka para din naman po sa atin to eh" sagot ko sakanila sabay kalas sa pagkakayakap.
"Nako baka naman mamaya makipagtanan ka nanaman kay Kris ah!" napatingin naman ako ng seryoso sa itay.
"Tay,ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na wag nyo nang babanggitin yung pangalan ng lalaking yon. At saka natuto na po ako sa pagkakamali ko. Kaya nga po nagsorry ako sainyo ni nanay diba? Masyado kong pinairal yung pagiging marupok ko. Kaya eto babawi na ako sainyo,mag-iibang bansa ako para sa atin" sagot ko sakanila.
Pagkatapos kasi lahat ng nangyari noon bumalik ako ng maynila para magtrabaho kahit sa tatlong buwan para makaipon ng pang-ibang bansa ko,binigyan din naman ako ng pera ni tatay kahit papano pang dagdag dito. Pupunta ako ng Japan,magsisikap at para kalimutan ang lahat. Mamayang gabi na pala yung flight ko,medyo kinakabahan nga ako eh. Akalain mo yun,ang dating masayahin at tinutuksong baliw na si Ppanyang mag-aabroad na.
"Anak,magiingat ka dun ha? Mamimiss ka namin ng tatay mo" umiiyak na sabi ni nanay.
"Nay,tahan na po. Isipin nyo nalang para sa atin ito. Iaahon ko po kayo ni itay sa hirap,pangako yan" sabi ko sakanya.
Kris POV
"Kris,masyado ka nang nalaos sa tingin mo ba tatanggapin ka pa namin? At yung lead role para sa movie ikaw dapat yun eh,kaso anong ginawa mo? Madaming fans ang umayaw sayo at nawalan ng gana. Pasensya na hindi na kita matutulungan pa" sabi ni direk. I sighed,kasalanan ko talaga to lahat.
Ang dami ko ng nilapitan pero hindi na nila ako tinatanggap,minsan pinapatos ko na ang mga extra roles. Tatlong buwan na pala nakalipas simula ng bumalik ako sa mansyon,kumusta na kaya si Ppanyang.
Sana mapatawad nya ako sa lahat ng kasalanan ko sa kanya.
"Sooo,what happened?" si Sooyoung dumating,bakit ba sunod padin to ng sunod?
"Bakit ba ang kulit mo ha? Kailan mo ba ako titigilan?" tanong ko sa kanya.
"Wow,nag-inarte yung laos na ah. If i know wala ng gustong may kumuha sayo Kris."
"Kung mang-aasar ka lang,umalis ka na sa harapan ko"
"Fine,kung magbago ang desisyon mo im still here to help you,and your family. Bye" sabay alis nya.
----------------------------
Ppanyang's POV
"Anak,mahal na mahal ka namin. Mag-iingat ka" sabi nila tatay,mahigpit ko naman silang niyakap. Pumasok na ako sa airport,wow ang laki,first time ko dito grabe.
"Hi,sa Sakura life ka ba magwowork?" may biglang babaeng lumapit sa akin at nagtanong.
"Ah,oo oo. Ikaw din ba?" tanong ko sa kanya.
"Yesssss! Huhu alam mo kanina pa ako naghahanap ng kasama dito. Buti nalang at nakita kita. Ano palang name mo?" tanong nya sa akin.
"Ppan-- ay,Tiffany ...Tiffany name ko. Ikaw ba?" tanong ko sa kanya.
"Maxene! Nice to meet you. Pagkakaalam ko 9 tayong natanggap sa sakura life eh sabi dun sa agency,nako hayaan mo na nga sila ang mahalaga may kasama na ako haha"
Mukhang ayos din naman pala to si Maxene,oo nga pala. Nagdesisyon na akong Tiffany nalang uli ang itawag sa akin ng mga tao,para naman tuluyan na akong makalimot sa nakaraan ko.
"Nako,pwede na daw tayo pumasok. Tara na?" pag-aya sa akin ni Maxene.
Eto na. Aalis na ako ng pilipinas. Tuluyan na kitang kakalimutan Kris. Ibabaon ko na sa limot lahat ng ala-ala naten. Sana maging masaya ka na. At ipinapangako ko sa sarili ko na magiging maayos ang buhay ko at ng pamilya ko balang araw.
BINABASA MO ANG
Crazy girl,Ppanyang.
FanfictionMy world turned upside down when i met this crazy girl.Her name is Ppanyang -.- Baliw sya,baliw!