Chapter 15 : Deal

19 2 0
                                    

Ppanyang's POV






"Huy Chen! Grabeeee namiss kita aso!" dali dali akong lumapit kay Chen at niyakap ko sya ng mahigpit.






Kumalas naman na kami sa pagkakayakap "Grabe Ppanyang,ikaw ba talaga yan? Ang akala ko--"






"Oo,kaso bumalik na ako dito. Mahabang kwento eh" naglakad naman kami papunta sa may papag at naupo.







"Eh sila Mang Karting at aling Luticia asan?" tanong nya.



"Naiwan sila sa maynila,nagtatrabaho dun"




"Saglit nga Ppanyang,bakit ka bumalik magisa?"






"Hindi sya magisa" si Kris,biglang sumulpot.






"Ppan--ppanyang magkasama kayo?" tanong ni Chen.






"Ah Chen,kami na ni Kris." matipid kong sagot.





Natahimik kaming tatlo,hindi ko alam papaano ko maipapaliwanag to sa kaibigan ko. Iniwan ko yung mga magulang ko sa maynila para lang kay Kris,kaya hindi ko alam ano ang iisipin ni Chen.




"Iniwan mo sila Mang Karting sa Maynila para lang magsama kayo neto?" tanong nya uli.






"Mahabang kwento Chen,saka ko nalang ipapaliwanag sayo"




"Maiwan ko muna kayo,mukhang seryoso usap nyo eh" sabi naman ni Kris sabay alis nya.






"Hay. Alam ko Chen mali ako. Hindi ko naman din kasi alam na mansyon pala nila Kris yung pinagtatrabahuhan ko nun kaya nagkita uli kami dun,pagkatapos ayun nahulog na kami sa isat isa. Dahil sa artista sya ang daming balitang kumalat dahil sa amin,nagalit ang mommy nya kaya eto bumalik kami dito. Pero papadalan naman namin sila tatay ng pera eh,hindi ko pa nga lang nasasabi ang totoo sakanila"






"Seryoso ka ba dyan sa ginagawa mo Ppanyang? Paano kung kunyari lokohin ka lang nang lalaking yan? Paano ka na?"






"Mahal ako ni Kris,alam kong hindi nya magagawa yun. Chen kaibigan kita diba,sana maintindihan mo kung bakit ko to nagawa. Mahal ko sya"






"Eh ano pa nga bang magagawa ko,basta sabihan mo lang ako pag niloko ka nyan. Reresbakan ko yan sige" at pareho naman kaming natawa sa nasabi nya.







Pero sana nga,sana nga hindi ako lokohin ni Kris. Sana seryoso sya sa akin.








Suho's POV





"Bumaba na yung ratings nung huling show nya,ayaw nadin sya kunin ng iba pang commercials dahil sa issue. At lalong baka wala nang kumuha sa kanya para sa lead roles" sabi samin nung manager nya. Andito kami ngayon sa network kung saan nag-aartista si kuya,kasama ko si mommy.





"Hindi pwede,i'll talk to them and i'll talk to my son para bumalik na sa work so please give him another chance" sabi ni mommy sa manager ni Kuya.







"Actually,baka hindi ko nadin sya alagaan at hindi na nya ako maging manager. Tumitigas ang ulo ng anak mo,or maybe hindi na nya gusto mag-artista kaya nya nagawa ito. Excuse me lang marami pa akong gagawin" sabi nung manager sabay pasok sa office nya.






"Suho anak,ano nang gagawin naten? Hindi pwede ito. Lulubog tayo sa utang anak nalulugi nadin yung negosyo ko" sabi ni mommy.







Oo nga pala,medyo nagkakaron ng problema yung negosyo ni mommy,tanging sa pagaartista lang ni kuya kami kumakapit kaya nakakaraos kami. Hindi ko na alam ang mangyayari sa amin pag nagkataon. Kailangan gumawa ako ng paraan para bumalik si kuya.







Kris POV




"Ppanyang tara dito bumili ako ng cake sa manila"



Dali dali naman tumakbo papunta dito sa kusina si Ppanyang.





"Woooooow cake! Thank you babe kong mahal!" pagkasabi nya nan eh niyakap nya ako sabay kiss sa pisngi.




"Eh paano ba naman kasi,panay ang request mo ng cake kaya eto bumili ako. Nagustuhan mo ba?"





"Oo naman,alam mo huling kain ko yata nang cake nung highschool pa ako nung may pabigay si mayor noon"




"Hayaan mo palagi kitang bibilan nito,siguraduhin mo lang wag kang tataba ah"





"Eh bakit,pag tumaba ba ako di mo na ako love?"





"Eh syiempre love padin. Baka lang tumaba ka sige ka"






"Hehehehe i love you Kris!"





"I love you too"







Suho's POV




"What!? Saan sila nagtanan!?" tanong ni Sooyoung.



"Ano ba hinaan mo naman boses mo,nakakarindi eh. Dun padin yata sa dating place kung saan natagpuan si kuya,please Sooyoung im begging you ...i want you to get him back,para naman ma-save din yung career nya." sabi ko sa kanya.





"Yun na nga eh,ang gusto nyo lang naman kay Kris is yung pera nya ...and now lumulubog na yung career nya kaya gusto nyo ako ang makasal sakanya para yumaman uli kayo. Well anyways its okay,matagal ko naman na ding gusto si Kris."






"So makikipagtulungan ka na ba sa amin ni mommy?"






"Hmm,okay. Its a deal"
-----------------------------------

Crazy girl,Ppanyang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon