Chapter 20 : Ang pagkikitang muli.

17 1 0
                                    

1yr later...









Ppanyang's POV




"Maam eto na po yung mga documents naka-ayos na po yan lahat" sabi sakin ni Maxene.




"Maxene,diba nag-usap na tayo wag mo na akong tawaging maam. Parang hindi kaibigan eh" sagot ko sa kanya.




"Wow lang ha,syiempre nasa work tayo. Hello,CEO ka lang naman ng kumpanyang ito. Hindi padin talaga ako makapaniwala na after 1yr heto ka na,fresh na fresh galing sa america,nakapagtapos dun ng kolehiyo at paguwi mo hindi lang isa kundi tatlo ang business mo. Nakakatuwa lang,and until now hindi padin ako titigil sa pagpapasalamat sayo dahil ginawa mo akong assistant mo" sabi ni Maxene. Tumayo ako sa kinauupuan ko at dumungaw sa bintana,tanaw ko mula dito sa building ang buong syudad. I still cant believe na eto na ako ngayon,edukada,mayaman at nagpaganda. Salamat sa sinabi ni Sooyoung,lahat yun inimprove ko para sa sarili ko.





"Nahirapan nga ako mag-adjust nun sa america eh,sobrang tiniis ko lahat para sa isang taon matapos ko lang yon haha,anyways kailangan pala naten ng 10 tao pa para sa admin so pumunta ka sa HR and let them know na marami pa tayong kailangan" pagkasabi ko nan eh dali dali namang bumaba si Maxene papunta sa HR.






Tama,isang taon nang nakalipas. Pagkatapos ko nun manalo sa lotto dali dali akong umuwi ng pinas,yung magulang ko naiyak sa tuwa. Isang malaking blessing daw ang natanggap namin. Nagdonate naman ako sa mga simbahan at sa mga bahay ampunan,then after nun pumunta ako ng america para mag-aral at matutunan ang mga bagay na dapat kong malaman about sa business,sa buhay at sa sarili. Binigyan ko din si Chen ng work dito sa company ko. Right,ang dami na nga talagang nagbago.






-------------------------

Kinabukasan...





"Ms. Tiffany,papasukin ko na po ba lahat ng bagong employee sa office mo?" tanong ni Maxene.





"Yes please" sagot ko naman.





10 tao ang pumasok sa office ko,pero may isang tao ang kumuha sa atensyon ko.






Imposible to. Hindi pwede...




"Ah,maupo na kayong lahat. Ms. Tiffany maiwan ko po muna kayo" sabi ni Maxene sabay labas ng office ko.




Dahan dahan naman akong umupo sa upuan ko habang nakatingin kami sa isa't isa,pati ang mukha nya parang gulat na gulat din. No Tiffany,you have to calm down. Hayaan mo sya mag-isip kung bakit ganito na ang buhay mo.






"*ehem* By the way my name is Tiffany Cruz and im the CEO of this company blah blah blah* " hindi padin naaalis sa kanya ang pagkagulat na nandito ako ngayon,at lalo syang nagtaka nung binanggit kong CEO ako ng company na ito. Calm down Tiffany,kaya mo yan.








Hanggang sa matapos na ang orientation namin,lumabas na sila pero naiwan sya dito sa office ko.





"Yes,can i help you?" i asked.




"I-ikaw ba talaga yan?" he asked.





"Hmm,maybe. Can i ask the same question? Ikaw ba talaga yan? The famous celebrity who turns now into my new employee,Kris" sagot ko sa kanya.




"Look,Ppanyang im sorry"





"Dont you dare to call me Ppanyang,Tiffany is my name. And please,wag mo nang ibalik ang nakaraan,tapos na yon. Now please can you leave my office,madami pa akong gagawin."






"Hindi pa tayo tapos,gusto kong magsorry. Gusto kong magsorry sa lahat lahat. Oo niloko kita,pero kung alam mo lang nung nawala ka hinahanap hanap kita,at ...at minahal na kita"





"Would you shut the fuck up! Thats nonsense Kris,wala na akong pake sa nakaraan. And you're not an actor anymore to act like that,masyado ka nang magaling sa pagsisinungaling eh."





"Nagsasabi ako ng totoo. Akala ko ba mahal na mahal mo ako noon?"





"Noon yon,stupid! Noon! Do you even know what that means? Matagal na yon,dati pa. Iba na ngayon so please tumigil ka na!"






"Bakit ganyan ka Ppanyang? Bakit nagbago ka na,and whats this? Bakit CEO ka ng isang company?"




"Oh wow,oo nga pala. Ang tingin nyo kasi sa akin noon,mahirap,katulong at walang alam. Ganun talaga pag nagsisikap ka,umaangat. Saka diba sinabi ko na sayo dont call me Ppanyang!?"





"Aminado naman ako sa kasalanan ko pero maniwala ka kasi,magkasama palang tayo sainyo noon at sa mansyon noon akala ko hindi kita gusto pero pakiramdam ko unti unti nang nahuhulog ang loob ko sayo"




Lumapit ako kay Kris at sinampal ko sya sa mukha ..."I know i cant do this here pero hindi ko lang napigilan ang sarili ko,i told you not to bring up those things. Tapos na yon at hindi na ako naniniwala sa mga pinagsasabi mo. Now please leave this office bago pa kita tanggalin agad sa trabaho,i know kailangan mo to kasi sa pagkakaalam ko naghihirap na pala kayo so siguro ayaw mo naman matanggal diba?" sinampal ko pa uli sya ng isang beses.





"At para yan,para yan sa panloloko mo" tumulo ang luha ko,pinunasan ko ito at saka tumalikod na sa kanya ..."You may go" sambit ko.





Narinig ko naman ang pag-sara ng pinto,umiyak ako at dumukmo sa mesa ko. Hindi ko dapat iniiyakan yun,pero pangako ...huling iyak ko na to sa kanya.

Crazy girl,Ppanyang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon