Kris POV
"What!? Wala na tayong katulong at guard?" tanong ni Suho kay mommy.
"Anong magagawa ko? At kung hindi ba naman kasi tanga yung kuya mo,hindi naman mangyayare sa atin ito" sabi ni mommy,napatingin naman ako sa kanya ng masama.
"So kasalanan ko pa ganon? Eh bakit hindi nyo pagtrabahuhin si Suho? Ginawa ko naman sainyo lahat ah!" sagot ko sakanila.
"Ginawa mo nga pero anong nangyare? Tinalikuran mo yung trabaho mo kaya ngayon wala ng tumatanggap sayo at nagkakaganito na yung buhay naten!" sabi naman ni Suho.
"Wag na kayong mag-away!" paubo ubong sagot ni mommy.
"Ah ganon. Eh bakit hindi ikaw ang mag-artista para naman maramdaman mo yung mga pressure. At hindi ko nadin kasalanan kung bakit nalugi ang negosyo naten!"
"Tumahimik na kayong dalawa! Papatayin nyo talaga ako ng maaga eh!"
Napailing nalang ako,padabog akong umakyat sa kwarto ko. Nakakainis na.
--------------------------
Ppanyang's POV
"Japaaaaaaaaaaaan!" sigaw ko habang nagtatatakbo sa labas ng housing namin,oo nga pala kadadating namin kagabi. Grabe ang ginaw dito at ang ganda!
"Hoy Tiffany! Masyado ka namang masaya dyan!" sabi ni Maxene. Napahinto ako sa kakatakbo at saka lumapit sa kanya.
"Eh kasi naman Maxene,nakakatuwa lang dito. Ang ganda ng lugar" sagot ko.
"Nako sulitin mo na yang pagkamangha mo sa lugar,bukas na start naten sa work. Kinakabahan nga ako eh,ikaw ba?"
"Hmm,sakto lang. Wag kang mag-alala kaya natin to!" nakangiti kong sagot sa kanya.
Sa sakura life kami magwowork,isang restaurant dito sa Japan. Kabado pero kakayanin!
------------------------
"Grabe ang daming pogi dito no!" sabi ni Maxene,naglalakad kasi kami ngayon sa night market dito sa Japan.
"Oo nga eh pero ayoko silang tignan haha" sagot ko.
"Bakit? May boyfriend ka siguro no?" tanong nya,napatigil naman ako sa paglalakad.
"Girl,okay ka lang?" tanong nya uli.
"Ah,oo naman. Saka wala akong boyfriend,ayoko nga magkaron muna nun eh" sagot ko,nagpatuloy naman na uli kami sa paglalakad.
"Hmm,siguro matindi yung dinanas mo sa huling relationship mo no? Anyways okay lang naman kahit hindi mo sabihin,ako naman may boyfriend ...bali 1yr na kami at seaman sya"
"May boyfriend ka pero tumitingin ka sa iba?"
"Ano ka ba girl,wala naman masama tumingin sa iba haha as long as wala ka namang ginagawang kalokohan,nako yung jowa ko mas maraming nakikita yon sa pagbabarko nya. Minsan natatakot din ako kasi lalaki sya eh,baka maghanap bigla ng iba yon"
"Ahh ganon ba" napatigil naman ako sa tapat ng isang lottohan dito sa japan.
"Oh,natigil ka. Wag mong sabihing gusto mo tumaya dyan sa lotto girl haha"
"Naiisip ko nga eh. Malay mo diba? Pag nanalo ako gusto ko maging maganda ang buhay ng magulang ko. At magtatayo ako ng business,gusto ko maging succesful at makapag-aral sa magandang university" sagot ko sakanya,lumapit naman ako sa lottohan at tumaya.
Please lord,please ibigay nyo na sakin ito. Sana manalo ako,sana sana.
---------------------------
Kris POV
Tinungga ko ang isang bote ng beer at pagkatapos umalis na ako ng bar. Hindi ko alam bakit nagkakaganto na yung buhay namin. Siguro karma din to sa mga pinaggagawa ko sa sarili ko,at pati nadin sa nagawa ko kay Ppanyang. Miss ko na sya,miss na miss ko na.
"Ano ba,hindi tumitingin sa daan eh!" sigaw ko dun sa lalaking nabunggo ko. Napatingin naman ako sa kanya at laking gulat ko na si Mang Karting pala ito.
"Mang Karting!?"
"Hayop ka! Niloko mo yung anak ko!" hinatak nya yung kwelyo ng damit ko at kitang kita ko sa mukha nya ang labis na pagkagalit.
"Te-teka magusap naman po tayo ng maayos" sagot ko sa kanya.
"Wag ka na magpaliwanag pa. Hayop ka,sinaktan mo sya. Napakabait ng batang yun para ganunin mo!" binitiwan nya yung kwelyo ko at itinulak nya naman ako dahilan na matumba ako.
"Mang Kar--"
"Pasalamat ka ganyan lang ginawa ko sayo pero kulang pa yan! Kundi dahil sayo hindi aalis si Ppanyang!"
Alis? Umalis si Ppanyang?
"Te-teka,san po sya nagpunta?" tanong ko.
"Nag abroad sya,at hindi ko na sasabihin pa kung saan. Sa susunod na makita ko pa pagmumukha mo malilintikan ka na sa akin!" sabi nya sabay alis.
Nag-abroad si Ppanyang? Pero saan!?
------------------
Kinabukasan...
"Tiffany! Tiffany! Dalian mo! Eto na yung result sa lotto!" tawag sa akin ni Maxene. Dali dali naman akong lumapit sa kanya. Kundi kasi sa dyaryo nakalagay ang result eh meron din naman sa tv.
"The lucky 7 numbers are 54,2,5,90,54,7--"
Please please 13 sana please po pleaseeeeee....
"13!"
AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!
"OMG girl,omg!" sabi ni Maxene.
"Hala,Maxene nanalo ako. Maxene grabe,nanalo ako nanalo ako!" naluluha kong sabi,yung tuwa ko grabe. Hindi ko alam gagawin ko.
"Omg talaga girl,kung icoconvert mo yung prize mo sa peso ay ...omg P1.2 billion oh my gosh. Girl! Omg talaga bilyonaryo ka na! Hindi mo na kailangan magtrabaho pa dito! Umuwi ka na sa pinas!"
Niyakap ko si Maxene sa tuwa.
Lord thank you,eto na yun. Eto na yung simula ng pagbabago ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Crazy girl,Ppanyang.
FanfictionMy world turned upside down when i met this crazy girl.Her name is Ppanyang -.- Baliw sya,baliw!