Chapter 10 : Acting.

232 9 2
                                    

Ppanyang's POV


Hi-hinahalikan nya ako?


Bigla ko syang naitulak at tumakbo ako palabas ng kwarto.

Ayoko na kasing mahulog pa ang loob ko sakanya.


Baka masaktan lang uli ako.

Nagpunta ako sa may hardin nila dito sa mansyon,umupo ako sa isang upuan at pinagmamasdan ko ang swimming pool na nasa harap ko.


"Sorry kanina"

Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Kris na nasa likuran ko,bigla akong napatayo.

"Kayo po pala Sir Kris" sabi ko sakanya,syiempre bilang katulong nila kailangan ko din gumalang,at ngayon ituturing ko nalang sya bilang amo ko. Kakalimutan ko na yung nangyare nuon.

"Sir?Huh,Ppanyang kelan kapa naging ganyan? Mas sanay akong Kris ang tawag mo saken" sabi nya saken,nakatingin lang sya saken ng seryoso,iniwas ko naman ang tingin ko sakanya at naglakad na paalis.

"Bakit tinatalikuran mo nalang ako basta basta?" sabi nya,napalingon ako sakanya.

Lumapit ako ng onti papunta sakanya..."Bilin po kasi ni ma'am na wag po kaming makikipagusap sa mga amo namen pwera nalang ho pag may kailangan kayo,ngayon kung wala na po kayong kelangan saken eh aalis na po ako kasi may gagawin pa ako sa kusina,pag may kailangan po kayo o kung may gusto po kayong iutos tawagin nyo na lamang po ako" sabi ko tapos umalis na ako.


Patawad Kris,ikaw na mismo nagsabi noon na wala kang pagtingin saken,kaya umasa kang mawawala nadin tong nararamdaman ko para sayo.






Kris POV

O_o



Anong nangyayare sa baliw na yon? Bat nagkakaganon yon? Nakainom ba ng drugs yon? Joke.


Wow lang,sobrang cold na nya saken.

Eh ano naman!?


Tumakbo ako upang habulin sya at hinawakan ko naman sya sa braso dahilan na mapaharap sya saken.


"Teka Sir,ano po bang kailangan nyo?" tanong nya.

"Yung kanina,nung hinalikan kita. Wala lang yon" sabi ko.

Natahimik sya saglit tapos tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa braso nya.

"Diba nagsorry na po kayo? Baka nabigla din po kasi kayo sa nangyare,wala na po yun kalimutan nalang po naten,wag na sanang mauulit,aalis na ako" sabi nya tapos umalis na sya.


WTF! NASAAN NA YUNG DATING PPANYANG NA BALIW AT MASAYAHIN!?





-----------------------

Pumasok naman ako sa loob ng mansyon,naabutan ko si Ppanyang na nagwawalis sa may sala,ewan ba pero parang gusto ko din kasi sya makausap kaso ang cold nya nga! Bakit ba!? Dahil sa nasaktan ko sya!?


Umupo ako sa sofa habang sya ay nagwawalis.


"Kris!" lumingon ako sa tumawag saken at nakita ko si Sooyoung.


F*ck.




Lumapit sya saken at niyakap nya ako..."Yah! San kaba nagpunta,namiss kita sobra! Nag-alala ako sayo. Where have you been!?" sunod sunod nyang tanong.



Crazy girl,Ppanyang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon