Aelin's pov
Naka nganga ako habang nakatingin ako sa harap ng castle. Seryoso dito kami nakatira? Kahit kasambahay ako dito okay na okay na.
Liningon ko si mom and dad. Si dad ay naka-akbay kay mom habang naka ngiti si mom naman nakangiti lamang.
"Mom dito po talaga kayo nakatira?" Paninigurado ko.
"Oo nga baby halika na sa office ng dad mo para maipaliwanag na namin kung ano ang lugar na toh." Natatawang sagot ni mom saka nag lakad na sila papasok ng castle.
Sumunod nalang ako at naglakad ako katabi ni mom. Lahat ng maid na makakasalubong namin nag bobow. Wow ang galang naman nila.
Habang nag lalalakad kami tinitignan ko ang structure ng castle. Merong malaking chandelier sa gitna tapos yung mga bintana hindi gaano kalaki at naka sarado pa ito. To tell you the truth ang lamig nga dito. Siguro may aircon sila.
Huminto kami sa tapat ng pinto saka pumasok na kami sa loob. Ang daming libro punong puno ang bookshelves tapos ang dami ring papel sa table ni dad. Sobrang busy rin pala ni dad.
Umupo na si dad sa lilod ng table. Malamang may upuan doon. Ano gusto niyo lumulutang na carpet? Umupo naman si mom sa isang upuan sa harap ng table kaya umupo rin ako dun sa isa pang upuan.
Tumikhim si dad kaya na patingin ako sakanya. "Okay so aelin itong realm na ito ay natatawag na Archian Realm. Nahahati sa dalawa ang Archian Realm ito ay ang Larhians at Darchians. Ang Larchians ang mga mababait at ang kanilang mga kakayahan sa mahika ay water, ice, fire, lightning, wind, and nature. Ang Darchians naman ang mga sakim na gusto mag hari sa buong Archian Realm ngunit na pigilan ito ng mga Larchians bago sila mag tagumpay. Ang kakayahan naman ng mga Darchians sa mahika ay tungkol sa kadiliman. Princess tayo ay mga Larchians at tayo ang namumuno sa elemental kingdom ito ang capital kingdom. Dahil ang elemental kingdom ang pinaka malakas. Meron pang iba't ibang mga kaharian ito ay ang Fire kingdom, Ice kingdom, Wind kingdom, Lightning kingdom, Water kingdom at ang Nature kingdom. Ito ang iba pang kaharian na namumuno sa iba't ibang klaseng mahika sa ating mga Larchians. Ang Darchians naman iisa lamang ang kanilang kaharian at ito ang Dark kingdom." Mahabang salaysay ni dad. Wow grabe so totoo ang mahika?
"So totoo po ang mahika mom, dad?" Pag tatanong ko. Sa tingin ko nga kumikintab na ang aking mga mata. Bata pa lamang ako gusto ko na ng mahika. Dahil naniniwala ako rito. Kasi parang nakakita na ako nwto noong bata ako.
Tumango si mom and dad. Nag labas ng tubig si mom sa kamay niya. Lumulutang lamang ito. Si dad naman gumawa siya ng apoy. Ang tinde! Fairy tail be like! Wohoo!
"Astig!" Di ko mapigilang sabihin.
Napa hagikgik naman si mom and dad saka nawala na iyong apoy at tubig.
"Saka nga pala aelin... Ang totoo mong pangalan ay Cleo mae evans." Napatingin ako kay mom. Cleo ang pangalan ko? "Sana ito ang gamitin mong pangalan." Sabay ngiti ni mom pero parang ang lungkot ng ngiti ni mom.
Ngumiti naman ako. "Okay lang naman po saakim mom. Ang ganda nga po ng cleo eh.." Napa ngiti naman si mom. May naalaka ako. "Mom, dad meron po ba akong kapatid?" Pag tatanong ko. Pero parang nabato si mom and dad sa kanilang kinauupuan. Bakit kaya?
"W-wala.." nag iwas ng tingin si mom saakin. Something smells fishy... Pero hahayaan ko nalang. Siguro nabuntis noon si mom tapos nakunan siya kaya ayaw nila ipag sabi. Ang talino ko talaga.
"Hayaan niyo nalang po ang tanong ko mom and dad." Ngumiti rin ako.
Tumango naman si mom and dad. "Oo nga pala princess. Isa kang prinsesa. You are the princess of the Elemental Kingdom." Nanlaki ang aking mata sa sinabi ni dad. Ay oo nga pala hari si dad at reyna si mom. Ang slow ko rin minsan ehh.
"Ahh okay po. Hehe...." Napa kamot naman ako ng konti sa ulo ko. Uy wala akong kuto o lisa ahh! Lice free ata ako.
Nginitian nila ako muli. "Nagugutom ka na ba baby o gusto mo na bang mag pahinga?" Pag tatanong ni mom.
"Gusto ko na po mag pahinga mom. Para makapag isip-isip po muna ako." Tumango naman si mom.
"Sige. Ipapatawag nalang namin ang mayordoma dito at maihatid ka sa iyong kwarto. May pag uusapan pa kasi kami ng dad mo." Nakangiting wika ni mom.
Linabas ni dad ang phone niya. Wait!! May teknolohiya rin dito!? Yes!! Hindi ako maseseperate sa aking phone na puno ng anime at wattpad stories. Hehe.. May wifi kaya?
Nagulat nalamang ako ng may kumatok sa pinto. Pinapasok naman ni dad. Ang bilis naman! Ay oo nga pala merong mahika sa mundo na ito. Stupid ael- este cleo.
Tinignan ko yung sinabing mayordoma. Sa tingin ko nasa 40s na ito. Grey na ang buhok niya at may mga wrinkles na rin siya. Pero maganda ito. Soot niya rin ang kasootan ng mga kasambahay pero ang kanya dilaw ang kulay ng mga design.
"Nagagalak akong makilala ka princess cleo." Sabay bow niya. Ngumiti ako saka linapitan ito.
Kinuha ko yung kamay niya at saka nag mano ako bilang respeto. "Nagagalak rin po ako makilala kita. Ano ho ang iyong pangalan?" Pag tatanong ko.
Natulala saakin yung mayordoma. Bakit naman? Siguro nagandahan siya saakin. Hayy ganda ko talaga.
"Rosario ho princess cleo." Pag sasagot niya saakin. Ngumiti ako.
"O siya paki hatid naman po si cleo sa kanyang silid-tulugan Manang Rosa." Nakangiting utos ni dad. Tumango naman si Manag Rosa at saka lumabas na kami ng office ni dad.
Nag lalakad kami sa isang hallway. Ang totoo ilan ang kwarto dito?
"Princess cleo ang ganda niyo na po." Pag uumpisa ni Manang Rosa ng usapan.
Teka! Bakit parang kilala ako ni Manag Rosa? Ehh. Ngayon lang ako nakapunta dito.
"Manang Rosa mawalang galang po pero. Kilala niyo po ba ako? Nakita niyo na po ba ako noon?" Pag tatanong ko habang kunot ang aking noo.
"Opo nakita na po kita noon princess cleo. Sa katotohanan po inalagaan ko po kayo nung sanggol ka po." Ahh so nakatira na pala talaga ako dito noon.
"Manang Rosa pwede po bang wag niyo akong i po at at opo. Saka cleo nalang po." Naiilang kong sinabi.
Natawa ng konti si Manang Rosa. "Masusunod cleo." Nakangiting pag payag ni Manang. Tumigil kami sa harap ng isang pinto na ang color blue at merong snow designs. "Oh siya. Ito na ang iyong kwarto. Mag pahinga ka na cleo." Saka nag umpisa ng mag lakad paalis si Manang.
Pumasok na ako sa kwarto at tumalon ako sa kama. Madali akong nakatulog. siguro dahil sa pagod.
***************************
(Revised)Haha naiba po ba? Inaayos ko po talaga kasi ang bilis masyado ang flow ng story noon ehh. Arigatou for reading minna.
Vote
Comment
FollowHehe kung gusto niyo po gawin niyo yang tatlo.
BINABASA MO ANG
Holder Of The Twin Dragons
Fantasy(COMPLETED) She's an orphan who was sent to the human realm at a young age with no recollection of who and what she is. She lived there for a few years until one day theres a couple that appeared outside of the orphanage, claiming to be her parents...