*JAIRUS' POV
Sabi nga ng pinangako nina Francis, ngayon daw, may solusyon na sa problema ko. Kahapon kasi, pag uwi, tinawagan nila ako sa phone. Ganyan talaga kaming magbabarkada, nagtutulungan. Sinabi na lahat lahat ng plano at yun, nagawa naman nila. Kaya lang, parang ayaw naman daw nung isa. Napaka KJ talaga! Ayoko man sakanya, pero kailangan eh. Ipagpipilitan ko nalang to, tutal eto lang ang paraan. Siya lang ang alam kong babaeng may ayaw sakin kaya imposible namang ma-fall siya, magpapanggap lang naman kami.. At kapag bumalik na sakin si Trish, magpapakatino naman ako ulit eh. Yun lang naman ang gusto ko, dati pa.. Gagawan talaga namin ng paraan para mapapayag si Sharlene! Gagawin ko to para kay Trish.
Ngayong araw na 'to, maaga akong gumising para maaga ding makapasok. Pagtapos kong gawin ang daily routine sa umaga, hiniram ko yung susi ng kotse.
Pinasok ko na yung susi at pinaandar. Marunong na 'kong mag drive kasi 2nd year highschool palang, tinuruan na 'ko ni Dad.
Okay, here I am. At school..
"Hi, Sharlene." Bati ko sakanya, eh kasi halos sabay lang pala kami paakyat ng hagdan papuntang 2nd floor. Tumingin naman siya sakin tapos mabilis na umiwas.
"Sharlene, bakit ba tuwing binabati kita, hindi ka nagrerespond pabalik?"
"You don't care, and I don't even care." Sabi niya habang naglalakad. Nauuna siya sakin eh.
"Teka lang!" Hinawakan ko yung braso niya para mapigilan yung paglalakad niya.
"Tungkol dun sa kahapong deal nina Francis--"
Inalis niya yung kamay ko na nakahawak sakanya, "Bitawan mo nga ako! Bakla!" Sigaw niya. What?! Bakla?! Pfft.
"Ano na namang bakla pinagsasa-sabi mo diyan?!" Sabi ko sakanya.
Shar: "Diba sabi mo nung isang araw, okay lang na tawagin kitang bakla or bading kasi wala namang maniniwala saken? Oh ayan, sisimulan ko na kahit walang patutunguhan." Aba, ang tapang talaga neto.
"Wala ka namang mapapala dyan! Kaya tigilan mo na, ngayon palang." Banta ko naman sakanya with nakakaasar na smile.
Shar: "Pake mo ba?! Isa pa, ginagawa ko naman 'to para hindi niyo na ako kulitin ng barkada mo! Ayoko ngang makipag deal eh, kaya please, kung gusto mong tigilan ko to, tigilan niyo rin ako!" Pagtapos niyang sabihin yan, lumakad siya ng mabilis papuntang classroom.
Napakahirap naman pala nitong pilitin! Pano na niyan gagawin ko?! Nakakahiya pa, tatawagin niya akong bakla?! Ano na naman bang nakain nito? Pag ako napuno na naman.. ewan ko nalang.
Pagpasok ko ng room, narinig ko yung pangalan ko na binanggit ni Sharlene kay Mika na kaklase din namin. Ako pala ang topic, huh?
"Sharlene, mukhang ako yata yang pinag uusapan niyo?" Lumapit ako sakanila.
"A-ah.." Sabi ni Mika.
Shar: "Baket? Feeling mo naman, ikaw pinag uusapan namin. Bakla!" Ayaw pa din akong tigilan!
"Ano daw? Ano daw tawag niya kay Jai?"
"Bakla?"
"Lakas naman ng loob niya."
Shar: "Oh? Bat hindi ka makasagot? Masyado ka kasing assuming. Bading!" Dagdag pa nito.
"Isa pang tawag mo ng bading.." Nakakainis na 'to ah! Siya lang ang unang tumawag sakin ng ganyan! Pag narinig pa to ni Trisha nyan!
"Ano? Anong gagawin mo?" Sabi ni Sharlene na may nakakaasar na mukha.
"Isa pa.. Hahalikan na kita!! Ang ingay mo!" Sigaw ko sa room. Bigla namang pumasok si Trisha, nakita kaming nagbabangayan.
"Halik ka diyan! Utot mo. Baklaaaa! Bakla kasi eh." Sigaw din nya.
"Isa! Pag ako talaga, nainis mo, Sharlene.." Inis na inis na 'ko dito.
Shar: "Ano nga? Puro ka 'Isa', 'Isa Sharlene'. Sus." Lumapit na 'ko sakanya..
"Ayaw mo talagang tumigil?" Mahinahon kong sabi kasi nasa harapan ko nalang siya.
Shar: "Ayoko. Diba nga, gusto ko, kayo muna ang tumigil bago ako."
"Talaga? Baka naman gusto mo lang talagang mahalikan?" This time, hindi ko muna papakitang naasar ako. Kasi ang pikon, talo.
Shar: "Ayan na naman. Umaandar na naman ang pagka-feelingero mo. Feelingero na bakla! Wala, bakla ka lang kasi."
Sumigaw siya ng malakas.. "Bading po sa Jairus Aqui--"
Natahimik siya at nagulat ang lahat.. Hinawakan ko kasi yung mukha niya tapos nilapit ko sa mukha ko, sobrang lapit na talaga, halos one inch nalang ang pagitan.
Agad naman niya akong tinulak..
Agad naman akong nagsalita, "Ayan kasi, I warned you. Sa susunod na gawin mo pa ang mga ayaw ko, mas higit pa dun ang gagawin ko.." Lumapit ako ulit sa tenga niya at binulungan, "Unless, kung papayag ka sa deal namin." Nag smirk ako sakanya at lumabas na ng room. Kitang kita sa mukha niya yung pagkabigla na may halong inis.
Nakasalubong ko naman yung teacher namin sa first subject pero hinayaan ko nalang. Malaya naman ako dito kahit san ko gusto. This is Aquino's property, my property.
Pag uusapan si Sharlene sa campus niyan at mapapahiya pa. Tignan nalang natin kung hanggang saan siya. Ako pa talaga kinalaban at sinalungat niya sa gusto kong mangyari.
*SHARLENE'S POV
Naalala niyo pa ba yung time na kinuha niya yung cellphone ko habang naglalaro ako ng Minion Rush, then bigla nalang lumabas sa bibig ko yung word na 'bakla'. Wala akong ginawa kung hindi panindigan yun. Sobra lang kasi akong nainis kay Jairus at sa mga barkada niya dahil sa ewang deal na yon. Kaya ayun, natawag o nang asar na naman ako ng bakla siya.
Pero hindi ko naman in-expect yung nangyari kanina! Nilapit niya yung mukha niya saken, kala 'ko hahalikan niya 'ko! Aba! Subukan lang niya, hindi lang sapak abot nun. Pero kinabahan ako kanina dun, sobra sobrang kaba. At the same time, inis na may halong kahihiyan.
Ang dami daming tao kanina sa classroom. Tapos yung ibang year level, nagsipasok sa room kaya nakita nila lahat lahat! Tinulak ko nalang siya dahil dun nga sa ginawa niya. Tapos hindi pa siya tumigil! Nakuha pa niyang mang asar! Ano nang gagawin ko ngayon?! Ngayonh kalat na sa buong campus yung lahat ng nangyare! Ako, ako yung mapapahiya niyan. Hindi siya.
Napaupo ako bigla sa chair, "Shar! Ano na naman bang ginawa mo? Sinabi ko naman sayo na tumigil ka na. Sinabi ko na wag mong papatulan yun! Baka pa-kick out ka pa or kung anong gawin sayo!" Sermon ni Mika sakin na sobrang alala.
"I can handle this." Matipid kong sagot. Hindi muna ako masyadong kumibo dahil naririnig ko na ang mga bulungan ng mga kaklase ko dito. Hinayaan muna ako ni Mika, hindi na muna niya ako kinulit. Hanggang sa dumating na yung teacher namin, wala pa din akong kibo. Hindi man ako nakikinig sa discussions niya.
"Sharlene, Sharlene, bakit kasi ininis mo pa yung tao." - Sabi ng isang part ng utak ko.
"Kasi nga, hindi ko naman alam na ganun yung mangyayare!" - Sabi naman nung isa pang part.
Para akong baliw dito, kinakabahan na naman ako mamaya...
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (JaiLene)
FanfictionFind out how they can find their way back into love. ❤️ All rights reserved 2014. © frozenprincess_