Chapter 30

6.2K 71 15
                                    

*SHARLENE'S POV

Sarap ng pagkaluto nung chicken kanina! Haha. Busoooog!

Nga pala, nandito pa ako hanggang ngayon sa tent. Wala kasi akong makausap eh. Si Michelle & Ella, di ko naman ganun ka-close. Sina Mika & Alexa, ewan ko kung nasan. Nagsasarili na sila. Iniwan na 'ko ni Mika. :( Haha, echos lang. Si Trish naman.. malungkot pa din. Yung apat na kumag? Nag aasaran, naglalaro na parang bata.

"Shar! Tara sali ka!" Kakasabi ko pa lang, tinignan ako sa tent ni Francis.

"Ha? Ano ba laro niyo?"

"Tagu-taguan." Sabay smile niya.

"Tagu-taguan?! Pagabi na pa naman oh. Ayoko nga."

"Taray namang magsalita neto. Edi wag. Di naman kita mapipilit." Tawa tawa pa to ah? Nakakaloko yun.

"Pero.. bahala ka, ikaw din. Mamimiss mo 'tong laro namen." Dagdag pa niya.

Wala. Akong. Pakealam.

Umalis na siya.

Kinakapa ko cellphone k-- Ay, nawawala!!

Ay, teka? Di nawawala. Tanga tanga mo, Sharlene.. confiscated nga diba? -___-

AISH DI NA 'KO MAPAKALI LALABAS NALANG AKO.

"Attention, class! May announcement na namang magaganap. Since napag usapan naming mga coaches niyo.. may ipapa-game na naman kami tonight. May mga bagay kaming ipapahanap sainyo. Lahat pwedeng maghanap! Ang mga teams na natalo, eliminated na. Uuwi na sila ng Manila bukas. Okay?"

Biglang nagulat ang lahat. Eliminated?!! Nako.

Gabi na pa naman tapos.. ugh. Creepyyyy!!

Tinanong ko kay Ms. Alora kung anong oras magsstart yung game, sabi niya mamayang 8pm. Hanggang 9pm lang daw.

Kaya for now, binigyan nila kaming lahat ng makakain. 7pm pa lang naman eh. Nakaka excite na nakakakaba.

"Baaaaaabe! San ka kanina? Namiss na kita." Alam niyo naman siguro kung sino na naman ang nanlalambing na naman sakin ngayon.

"Nasa tent lang ako, babe." Nakisakay nalang ako sa trip niya haha.

"Babe.."

"Yes, babe?" Sagot ko. Diinan talaga yung babe eh no.

Jai: "Wala. I.. love you, babe." >///<

"Yieee, si Sharlene nagiging kamatis na!" Asar ni Ella sabay tusok sa bewang ko.

"Oy haha. Nantitrip lang yan." Sabi ko naman.

"Babe!" Sigaw na naman ni Jai sabay hila sakin. Pinakatitig ako at sinabing,

"Sa mukha kong 'to.. sa tingin mo, nagbibiro ako?" Yung.. y-yung seryoso niyang m-mukha..

Napalunok ako bigla.

Hinampas ko naman siya ng mahina, "Che. Gutom ka lang. Oh eto, pagkain." Dinaan ko na naman sa pagbaling ng tingin sa malayo. -___- Di ko kasi siya matitigan eyes to eyes! Lalo kasi akong.. ugh, wala wala.

Dumikit naman siya sakin kasi may ibubulong, "Shar, bibigay ko na yung best ko dito. Tutal last na favor ko naman sayo 'to diba? Maki-ride ka naman." Sabi niya sabay tawa ng mahina.

Way Back Into Love (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon