Hay nako.. Tignan mo nga naman ang nagagawa ng love. Nababago niya lahat. Nababago niya lahat ng tao. Ang galing din diba? Kasi you'll never know kung sino ba talaga ang magmamahal sayo in the end. Kung gusto mo talagang mahanap yung true love, maghintay ka. Pero hindi ko sinasabing maghintay lang diyan. Maghintay ka, at the same time, hinahanap mo na din siya. It sounds confusing diba? Pero ganun talaga eh. Sabi nga nila expect the unexpected. But of course, before mo talaga siya mahanap, masasaktan ka muna. Kasi masasaktan ka 'pag nagmahal ka. Natural lang yan, parte na yan ng buhay. Ang dapat mo nalang gawin, ay lakasan ang iyong loob at harapin ang mga pagsubok nito. Wag kang sumuko, pilitin mong matuto. Pero in the end, I'm sure na you'll be happy..
- Mika
Love? Big word. Hindi yan biro. Pero halos ng kabataan ngayon, di pa nagseseryoso. Why? Because we're too young for that. Some of them said, "puppy love lang yan." Puppy love? Oo ganun nga. Pero what if.. the puppy love turns into true love? Kung talagang mahal mo ang isang tao, hindi mo nalang siya kusang bibitawan. Kung talagang mahal mo ang isang tao, gagawa at gagawa ka pa din ng paraan just to have her back or para hindi lang siya mawala sayo. At kapag lumipas ang mahabang panahon, na kayo pa din ang magkasama.. that! That's what you called the true love. Yung bang hindi ka magsasawa sakanya kahit kailan..
- Francis
The past cannot be changed, forgotten, edited, or erased. It can only be accepted. Yes, I agree because that's the fact. Ang kototohanan ay dapat nating tanggapin. Yung hindi na kayo tulad ng dati.. Lumilipas ang panahon marami ang nagbabago sa paligid natin. Kung hindi mo matatanggap ang katotohan, habang lumilipas ang panahon ikaw ang mapagiiwanan. Everything happens for a reason naman. Dadating yung araw na maiintindihan mo din ang lahat kung bakit nangyare yun. Yung mga tanong mo sa sarili mo, ikaw din mismo ang makakasagot. Just accept the fact, move on, make yourself happy because there's someone who's really meant for you..
- Trisha
Pwede pa palang magbago ang isang taong di mo akalaing magbabago talaga. Ganyan nga katindi pag totoo ka na talagang nagmamahal. You'll change for the better.
Sa buhay natin, madaming tao ang naghahanap ng pagmamahal. May mga taong di pa yun naramdaman. May iba naman na, nahanap na pero pinakawalan pa. Meron ding umasa, at nasaktan lang. Meron din namang nasa harap na niya, di lang nakikita. At syempre, meron ding taong masuswerte na nahanap na talaga. Love is unexpected. Yung tipong di mo naisip na magugustuhan mo ang tulad niya. Pero paggising mo isang araw, mahal mo na pala siya.
Si Sharlene.. siya yung taong akala ko siya na ang makakatulong sakin para mabalik yung first love ko. Pero hindi eh. Siya pala yung taong dumating sa buhay ko na magpaparealize sakin na "My first love wasn't really my first love." Means, hindi naman talaga si Trish o sa ibang babae ko nahanap yung "love". Kundi kay Sharlene. Kay Sharlene lang. Sakanya ko nalaman ang totoong meaning ng pagmamahal.
Ang labo diba? Pero malinaw naman kung gano siya kaimportante sa buhay ko. I don't know why, basta gusto ko siya na yung babaeng papakasalan at sasamahan ko habang buhay. Kahit na wala akong masabing rason kung bakit nga ba siya ang minahal ko ng ganto. Sabi nga nila, hindi mo kailangan maghanap ng rason kung bakit mahal mo ang isang tao. Dahil ang pagmamahal, nararamdaman.. Hindi iniisip.
Basta pahalagahan mo kung mahal mo, kasi di mo alam kung kelan siya mawawala sayo. Pasayahin mo siya hangga't kaya mo, kasi malay mo, siya na pala yung taong karapat-dapat para sayo.
- Jairus
Growing up, akala ko, true love is all about red roses, dates, little black box that held expensive things, and always knowing what to say. I thought true love was a kiss in the rain, deep explanations, and the perfect story. But now that I'm older, narealize ko na hindi naman pala ganon.
See? because true love for me is yung mga kulitan with him.. like corny jokes, pick up lines, long sweet text messages, calls on phone, fishball dates, kakantahan kahit sintunado at iba't ibang klase ng pang aasar. Kapag sasabihan ka niyang maganda kahit sobrang pawis mo na. Yung ikikiss ka niya sa noo pag pagod ka, yung tatawanan ka niya pag natapilok ka. Basta yung nagpapakatotoo ka sa harapan niya. True love is spilling your true feelings for him. It's tears from laughter, it's tears from sadness and it's nothing like any story book you've read. It's never running out of things to talk about, and it's being comfortable in the silence of things. It's that song you hear on the radio that always make you smile. It's the worst story you could imagine, but thank God it worked anyways. True love is never losing magic. True love is not leaving when it gets hard. Yan, yan ang sariling definition ng true love ko.
A million feelings, a thousand thoughts, a hundred memories.. All for one person. Ang sarap sa feeling kahit na minsan ka nang nasaktan. Kasi kapag nagmahal ka, wag mong isiping masasaktan ka pa din ulit. Ang isipin mo kung paano ka liligaya sa piling niya. Think positive lang palage! Basta magtiwala lang kayo sa isa't isa magagawa niyo lahat. In the end, ikaw pa din ang masaya. Kayo pa din ang magiging masaya. Now I can finally say na.. Mission accomplished na talaga! Kasi he really found his way back into love. We both found that true love.. sa isa't isa.
- Sharlene
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (JaiLene)
FanfictionFind out how they can find their way back into love. ❤️ All rights reserved 2014. © frozenprincess_