*MIKA'S POV
I think Shar felt better now. Thank you sa tatlong yun. :)
Pagtapos naming kumain, diretso classroom.
Sakto, nandito na din sina Jai.. may sasabihin kasi ako. Kagad ko siyang nilapitan kahit labag sa kalooban ko. Nako, pag ako nainis talaga sa pagmumukha ng lalakeng to? Ewan ko nalang.
"Jai?"
Napalingon siya sakin habang kausap niya yung 'baby' niya.
"Can we talk?"
Tumingin muna ito kay Trish at sumagot na. "Sure."
Lumayo muna kami saglit sa girlfriend niya baka makealam sa sasabihin ko.
"Tungkol san ba yon?" Pagtatanong kagad ni Jai.
"Umm, tungkol dun sa puppy na binigay mo kay Shar. Ibabalik ko na sana.."
"Ha? Pinapabalik ba niya saken?"
"Yup." Oo, Jai, pinapabalik na niya. Di na niya kailangan yun eh.
"Sabihin mo, sakanya yun. Bigay ko yun diba?" Sus. Bigay ka diyan.
"Yes pero baka di na daw niya maalagaan ng maayos. Busy kasi for schoo--"
"Mika.. galit ba sakin si Shar?" OO.
"Basta mamaya, hintayin mo ko dito sa school, dala ko na yung puppy. Or if you want, ako na mismo magdadala sa bahay niyo."
"Galit ba si Shar saken?" Pagtatanong ulit nito. Ugh, naiinis na 'ko ah.
"Yan, napag usapan na natin yun ah. Yung puppy, ibabalik na namin sayo."
"Pero--"
"Okay, that's the deal. Oh balik na 'ko dun ah?" At kagad na kong umalis. Baka kung ano pang masabi ng bibig ko.
Ano bang mapapala namin kung sasagutin ko yung tanong niya diba? Tss. Lakas ng loob magtanong ng ganun. Akala mo naman may pakealam talaga siya kay Shar.
Sumunod naman siya saken at nilapitan kami ni Shar.
"Shar.." Seryoso nitong pagsalita.
Bago pa man makasagot si Shar, hinila ko na siya, "Samahan mo muna 'ko sa CR. Naiihi na 'ko eh."
Para naman hindi niya makausao yung lalakeng yun.
"Sorry Jai ah. Mamaya nalang." Kung alam mo lang, Jai. Hindi kita bibigyan ng pagkakataong makausap 'tong kaibigan ko. Asa ka pa.
"Shar, mamaya ihanda mo na lahat ng gamit ni Twinkle. Ako na magbibigay ka Jai dito sa school. Mamayang dismissal, okay?" Sabi ko habang naglalakad.
Tumango nalang siya.
"Oh? Ayos ka lang?"
Tumango na naman siya ulit.
"Shar.. yung totoo? Hindi ganyan yung maayos mong mukha."
"H-hindi. Alam mo namang hindi pa ako ayos diba?"
"Akala ko ba ayos ka na kanina nung kasama mo sina Paul?" Tanong ko.
Shar: "Panandaliang saya lang naman yun diba? Ugh, nakita ko na naman kasi sila ni--"
"Shh. Nako, kung pwede lang i-blind fold yang mga mata mo, gagawin ko!" Sorry Shar, nag aalala lang naman ako sayo eh.
Pumasok na kami sa CR,
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (JaiLene)
FanfictionFind out how they can find their way back into love. ❤️ All rights reserved 2014. © frozenprincess_