Chapter 41

5.8K 107 44
                                    

*THIRD PERSON'S POV

"Okay class, good day. See you around, you may have your lunch."

Sabay sabay na nagsitayuan ang mga estudyante sa kanilang upuan. Si Sharlene, kagad lumabas at nakita din niya si Francis na naglalakad sa hallway.

Napansin siyang kakaiba na naman kay Francis, nilapitan naman niya 'to.

"Uy! Napano?"

"Kay Ella ba? Ano, nag usap na ba kayo? Nagkabati na ba kayo? O may nagawa ka na naman ba?"

"Kiko! Magsalita ka naman oh."

Sunod sunod na sinabi ni Sharlene.

Tumigil sila sa paglalakad at napakamot ng ulo si Francis. "Ano kase eh.."

"Ano? Sabihin mo." Pagpipilit ni Sharlene.

"Ang hirap kasi ng trigo.." Seryoso nitong pagkasabi.






"HAHAHAHA. Yun lang?!" Pagkagulat pa ni Shar.

"Anong 'yun lang'? Hirap kaya nun! Tas may long quiz pa kami bukas. Ugh." Napakamot na naman siya sa ulo.

"Sus, yun lang pala."

"Ang problema kasi, si Ella lang nagtuturo sakin nun eh. Kaya lang--"

"Kayang kaya na natin yan! Teka! Hintayin mo 'ko diyan. Wag kang gagalaw! Steady!" Sabi ni Shar na pumunta kagad sa classroom nila para kunin ang Trigo book. Matawa-tawa naman si Francis dito.

Pagbalik niya, "Ako na magtuturo sayo, tara dali!" Bigla na din siyang hinila ni Sharlene pababa ng hagdan papunta sa mga bench & tables na malapit sa garden.

"Pero nagugutom na kasi a--"

"Hep! Tatapusin muna natin to bago tayo kumain!"

"Ge, ano pa nga ba? Ikaw naman lagi nasusunod."

"Ah ganon? Ayaw mo? Edi dun ka na." Inirapan pa siya ni Sharlene.

"Di ka naman mabiro. Haha, sorry na." Kagad namang sagot ni Francis.

"Okay! Makinig ka! Focus!" Sabi ni Shar habang tinuturo yung libro.

Inexplain niya naman ito ng maayos.

"Teka, teka! Ang bilis mo naman magsalita. Di ko man maintindihan." Reklamo ni Francis.

"Aba! Ikaw na nga 'tong tinuturuan, ikaw pa 'tong madaming reklamo!" Sabay pingot ni Shar sa tenga niya.

"Ahh!!"

"Shh! Ang ingay mo! Tignan mo oh, tayo na pinagtitinginan dito. Bunganga mo kasi eh." Bulong ni Sharlene na naiinis na naman.

Napangiti naman sakanya si Francis.

"Oh anong nginingiti-ngiti mo diyan?!"

"Ang cute mo kasi magalit hahaha."

"Tss. Balik nga tayo dito sa Trigo!"

At dahil siya nga ang laging nasusunod, tinuruan niya ulit ito.

"Lahat ng yan, may mga equals or may mga katumbas. Dapat memorize mo para di ka mahirapan. Dito naman sa calculator, dapat alam mo din pano gamitin. I-set mo sa degree or radian. It depends pa din syempre. Tapos simplifying din, madali lang to."

Way Back Into Love (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon