A/N: Before anything else, magp-plug muna po ako ng fan account sa twitter! @lovingjailene po, sana po mafollow niyo & nagfofollowback naman ako if you ask.. I own it po and I created it for trending purposes. Yun na din po yung magiging public account ko as a watty writer.
Okay, so.. Grabe! Hahaha nakakatuwa talaga mga comments niyo before this chapter! Yung ibang mga silent readers, biglang nagsilabasan! Yung ngiti / tawa ko abot tenga talaga haha. Kahit paulit-ulit kong binabasa, di ako nagsawa! Nafeel ko na sobrang naexcite kayo, maraming salamat po! At hindi ko muna nireplayan mga comments niyo, eh baka kasi madulas ako, baka masabi ko na lang bigla kung sino nga ba ang may pakana nito for Shar? Oh well papel, eto na! Eto na yung sagot na hinihintay niyo! Salamat po sa paghihintay! ❤️
-
Gulat na gulat si Shar sa mga pangyayari para siyang binabalik sa dating nangyari sakanya non. Pero this time, totoo na 'to.
WILL YOU - BE MY - GIRLFRIEND?
Hindi siya nakakibo. At hindi niya inasahang.. may dadating pang isang lalaking may hawak ng,
FOR REAL.
At yun ay si Jai.
WILL YOU - BE MY - GIRLFRIEND? - FOR REAL.
♪ ♫ All I wanna do is find a way back into love.
I can't make it through without a way back into love.
And if I open my heart again,
I guess I'm hoping you'll be there for me in the end. ♪ ♫Malayo-layo din ang agwat ni Shar sakanilang apat. 20 steps away.
Nagsimula namang magsalita si Jai na sobrang sincere na talaga this time.
"Shar, I just want to say sorry. Nakwento na nina Francis, Paul at Nash ang lahat. Nagkaayos na din kami. Pinlano namin 'to kasi.. kasi gusto kong bumalik yung dati mong trato sakin. Yung natutuwa ka pag kasama mo 'ko kahit na ilang beses mo pa 'kong awayin. Kahit ilang beses pa kitang asarin, okay lang sayo. Kasi normal lang naman sayo yun nun diba? Sana maulit ang mga araw na yon. Sobrang miss na talaga kasi kita.
Shar, di ko alam kung pano ko 'to sisimulan. Kasi nahihiya ako sayo, nahihiya akong humarap sayo ngayon. Nahihiya ako sa lahat ng taong nandito ngayon. Kasi ang dami ko na palang nagawang hindi matino. Nakipag away ako, uminom ako at higit sa lahat, nakasakit ako."
"Alam kong nagtataka din kayong lahat, kasi bakit ko nga ba ginagawa 'to? Hindi naman ganito yung Jairus na kilala niyo diba? Yung Jairus na hindi niyo pa narinig magsorry, yung Jairus na loko-loko, yung Jairus na gusto niya siya lagi yung tama at nasusunod.
Pero pasensya na talaga kayong lahat ah. Lalo na dun sa mga babaeng.. niloko ko nun. Pati na din sa mga nakaaway ko. Sobrang dami niyo nga, nakuha na tuloy lumipat ng ibang school yung iba dahil saken." Sabi niya sa lahat ng taong nakapaligid sakanila.
Humarap naman din siya kina Francis, "Tol, pasensya na din sainyong tatlo ah. Nakuha ko pang makipag away sainyo sa tagal na ng pinagsamahan natin. Pero kahit sobrang nagalit man kayo sakin, nandito pa din kayo. Di niyo pa din ako iniwan."
Lumapit siya kay Shar ng dahan dahan. Hindi makagalaw si Shar sa kinatatayuan niya ngayon.
"At sayo naman Shar.. nung nag-usap tayo sa rooftop, hindi ako makasagot nun. Hindi man lang kita napatigil sa pag-iyak mo okaya nayakap. Kasi ang tingin ko, hindi mo naman ako kailangan. Kasi hindi naman ako para sayo. Hindi naman ako dapat sayo at hindi ako pwede para sa isang babaeng katulad mo. Sino nga ba naman ang tatanggap talaga sa ugali ko kung hindi lang ako gwapo haha."
Inirapan lang siya ni Shar..
"Eto naman, hindi ka mabiro. Oh eto, tuloy ko lang ah. Yun nga, sobra din akong nagpapasalamat sayo kasi kahit papano, natulungan mo 'ko kay Trish. Kay Trish na.. akala ko mahal ko. Yun pala, habang tumatagal na magkasama kami.. Iba yung hinahanap ko. Yung babaeng makulit, madaldal, yung hilig akong sermonan, yung sumasakay sa lahat ng trip ko, yung komportable ako pag kasama ko siya, yung mga kalokohan, yung mga jokes na kahit corny, tinatawanan pa din. Akala ko kay Trish ko makikita yun eh. Pero nagkamali ako, kasi alam mo ba kung kanino ko nakita yun?"
Mas lumapit pa siya kay Shar. Malapit na malapit.
"Sa'yo. Ikaw Shar, ikaw yung nagmahal sakin ng patago, nagmahal sakin ng hindi ko alam. Sana hanggang ngayon, hindi pa din nawawala yung nararamdaman mo para sakin.
Wala akong pakealam sa lahat ng taong may ayaw ng ginagawa kong 'to. Pero hindi ko na kasi kayang tiisin. Ayoko nang magtiis na wala ka sa tabi ko.
Alam mo bang.. lagi ko ngang wini-wish na sana maulit nalang yung lahat. Yung magsisimula tayo sa pinakauna. Yung magpapakilala ako sayo, tas magpapakilala ka din sakin. Pwede ulit tayong magtawanan, mag asaran at matutunan yung dati din nating natutunan.
We'll create memories.. and give each other a second chance.
Sabi nga sa kantang Way Back Into Love.. hindi ko mahanap yung daan papunta dun. Pero sana tulungan mo 'ko para sabay nating marating yun."
"So Shar, let me ask you this..
Mahal mo pa ba ako?" Seryosong pagkasabi ni Jai.
Bigla nalang napaiyak si Shar sa mga narinig niya..
"Sabi ng kamay ko, bitawan kita.
Sabi ng paa ko, layuan kita.
Sabi ng isip ko, kalimutan na kita.
Pero alam mo ba kung anong sinabi ng puso ko?
Hindi pwede.. kasi mahal kita.
I still have feelings for you and no matter how many times I tell myself that I'm better off without you, a part of me just won't let go.
Kaya Jai, oo. Mahal na mahal kita. Sobrang mahal pa din kita.."
Pinunasan ni Jai ang mga luha sa mga mata ni Shar at niyakap niya lang ito ng mahigpit.
"Can we get back to the way it was?" Jairus said.
"Yes, Jai. Yes."
♪ ♫ All I wanna do is find a way back into love.
I can't make it through without a way back into love.
And if I open my heart again,
I guess I'm hoping you'll be there for me in the end. ♪ ♫Napaluha lang si Jai sa sobrang tuwa at mas lalo pa niyang niyakap si Shar.
"Thank you for giving me a second chance. Shar, I love you.. and this is for real."
"I've always love you, Jai."
Madaming naiyak, natuwa at sumigaw sa mga nangyari ngayon. Masaya.. masaya silang lahat dahil don. :)
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (JaiLene)
FanfictionFind out how they can find their way back into love. ❤️ All rights reserved 2014. © frozenprincess_