Matapos nilang kumain sa Mcdo.. Agad na silang umalis dun kasi sa dami ng pinagkakalat nila. Yung mga tissue, yung mga fries na nahulog sa sahig, yung nakakalat na ice cream sa table. Tawanan padin sila habang naglalakad.
"Jai, grabe ka. Di mo man niligpit mga pinagkainan natin!" Sabay hampas ng mahina sa braso.
"Hayaan mo yun, may taga-linis naman. Ano pang silbi nila kung walang kalat?" Biro ni Jai.
Shar: "Sama mo talaga kahit kailan. Kaw kasi eh, ang kalat mo."
Jai: "Oo na, ako na may kalat. Kahit ikaw din naman." :P
Shar: "Kalat mo kaya. Kaw nagkalat lahat nun."
Jai: "Kalat mo kaya."
Shar: "Kalat mo."
Jai: "Sayo kaya."
Shar: "Sayo."
Jai: "Fine. Ako na nga."
Shar: "See? Talo ka. Hahaha."
Nagtuloy tuloy sila sa paglalakad.. Titingin ng mga gamit, damit at kung ano ano pa.
"Nga pala, Jai. San na sina Trish? Kala ko ba susundan natin?" Tanong ni Sharlene.
Napaisip bigla si Jai..
Pero, sakto! Nakita na naman nila!
"Ayun! Jai! Papunta yatang Time zone!" Turo ni Shar.
Sinundan naman nila sina CJ and Trish sa Time Zone.
"Babe, tara basketball?" Aya ni Jai. Ikinagulat naman ito ni Trish.. Saan ka ba namang nakakita na nag aayang magbasketball sila nung girlfriend niya? Haha. Sounds funny but cute, right?
"Oh, hi again, Jai, Shar." Bati ni Trish. Nag smile naman yung dalawa.
"Oh ano, tara na?" Aya ni Jai na sobrang excited maglaro.
"Sure." Hamon ni Sharlene.
Pagpunta nila sa basketball game dito, Nagtanong si Jai,
"Shar.. Marunong ka?"
"Yup. Ako pa!" Buong loob sumagot si Sharlene. Nagulat din si Jai kasi siya palang ang babaeng tumanggap sa alok niyang maglaro ng basketball dito sa time zone. Sa dami na sigurong babaeng dinala dito ni Jai.
Jai: "Sige nga. Laro na tayo."
"Hep hep! Teka lang. Syempre bago maglaro, may deal muna." Sabay smile ni Sharlene sakanya.
"Eh ano naman yun?"
Lumapit pa siya sa tenga ni Jai para mabulungan ito. "Pag nanalo ka, ililibre kita! Pag nanalo ako.. Edi ako libre mo."
Jai: "Ako? Ako pa talaga hinamon mo ah." Pagmamayabang nito sakanya.
"Di porke varsity ka sa school, di kita matatalo." Asar ni Sharlene.
"Pero sige, payag ako diyan. Sigurado ka bang manlilibre ka?" Sabay smirk sakanya ni Jai.
"Oo naman. Kung.. matatalo ako."
"Oh game na!" Aya ni Jai.
Nagstart na nga sila maglaro. Oo, medyo awkward yung feeling ni Sharlene kasi nakadress tas nagbabasketball. Pero yung mga ibang napapatingin sakanya, naiisip nilang astig pag naglalaro ng gantong game ang mga babae.
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (JaiLene)
FanficFind out how they can find their way back into love. ❤️ All rights reserved 2014. © frozenprincess_