*JAIRUS' POV
Kumakabog pinto, kauma-umaga.
"JAI!!"
"HOY BUMANGON KA NA DIYAN!"
"BUKSAN MO NGA TO."
"POGS!"
"OH? BAKIT BA?" Sigaw ko pabalik. Si Ate na naman, puro bunganga. Inaantok pa nga ako eh.
"Sina Paul andito na!"
Sina Paul? Sina Paul lang pala, makatulog nga muna-- Ayy! Sina Paul! Sina Paul andito na, di pa ako nakakapag ready!!
"TEKAAAA! SABIHIN MO HINTAYIN AKO SA BABA." Sigaw ko.
After 10 minutes, tapos na. 7 am dapat nasa AU na kami eh.
Bumaba na 'ko kagad, "Sensya na. Nakalimutan na naman eh." Sabi ko.
Francis: "Hay nako, bro. Nagiging ulyanin ka na talaga. Tara na nga!"
"Pangs! Una na kami!" Sigaw ko padin kay Ate kasi nasa taas siya.
"Alam na ba yan nina mama?" Tanong niya, nakapamewang pa.
"Oo yata! Ewan! Ay, sabihin mo nalang!"
"Jai--"
"Kaw na bahala dito! Bye!"
"JAIRUS BUMALIK KA DITO!"
"LOVE YOU ATE!"
Puro kami sigawan ni Ate, lagi naman eh haha.
Kagad na 'kong sumakay nung kotse ni Paul. Kami lang apat. Pagdating namin ng school,
Yan na! Sakto! Nandito na lahat 4th year!
"Students, go to your team members. Wag kayong maghihiwalay ng bus." Yan narinig namin sa speaker.
Hinanap muna namin sina Shar.
"JAI!" Sigaw niya. Kagad namin silang pinuntahan.
"Sakay na kayo sa bus. Bigay lang namin saglit 'to dun sa guard ah? Sunod kami. Reserve seats for 4." Sabi ko.
Dinala na namin yung apat na tent sa guard. Sila na daw magdadala, di na kasya sa bus eh.
Bus number 3 kami. Kasi puno na yung 1 and 2. Sa bandang likod kami. Francis, Ako, Ms. Alora, Paul and Nash ang nasa pinakalikod. Nasa harapan naman namin sina Trish and Shar. Nasa harapan nina Paul & Nash sina Mika & Alexa. Nasa harapan naman nina Trish & Shar sina Ella & Michelle.
"Bro, dun muna 'ko sa tabi ni Ella. Palit kami ni Michelle." Pagpapaalam pa ni Francis. Ngayon, katabi ko na si Mich. Di ako komportable..
Tumayo ako,
"Trish?"
"Jai?" Sagot niya.
"Palit tayo." :)
"Umm, sure." Sabi niya.
Yun nagpalit nga kami. Katabi ko na si Shar. May aasarin na naman ako haha.
"Bat andito ka?" Sabi ni Sharlene sakin.
"Eh kasi gusto ko. Wala ka ng magagawa." Asar ko sakanya. Ni-roll lang niya yung eyes niya.
"Kompleto na ba kayo diyan? Aalis na tayo." Sigaw nung driver.
Eto na! Pinaandar na yung bus! Clark, Pampanga, here we come!
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (JaiLene)
FanfictionFind out how they can find their way back into love. ❤️ All rights reserved 2014. © frozenprincess_