Chapter 13

7.3K 84 5
                                    

*SHARLENE'S POV

Lunch time na, wala pa din dito sa classroom si Jai. Ugh, nevermind.

"Shar, san na boyfie mo?" Pang aasar na naman ni Mika.

"Mika. Please?"

"Oh, sorry. Joke lang! 'To naman, kagad galit. Napano ba?" Tanong niya.

"Wala, lika na. Lunch na tayo." Sabi ko. Wala ako sa mood.

Bumaba na kami papuntang cafeteria. Ang bango! Gutom lang ata 'to haha. Pumunta na kami ng counter, "Ate, isang coke--"

"Sharlene? Right? Eto na daw yung lunch mo." Sabay abot niya sakin ng tray na may lunch and drinks nga.

"Huh? Kanino galing?" Tanong ko.

Mika: "Maybe, Jai?"

Hindi na 'ko sumagot, agad na 'kong pumunta sa vacant table. Si Mika naman, umoorder pa ng kanya.

Hmm, may nakasulat sa tissue? 'Please?'

Tinanggal ko naman, may nakasulat pa din dun sa isang tissue, 'Please?' na naman. Tama, kay Jai nga galing 'to.

Nilapitan naman ako ni CJ, "Sharlene! Notes mo? Thanks daw from Trish." Inabot niya sakin yung notebook ko na hiniram ni Trisha kanina.

"Ah, oo. Thanks din." Sabi ko naman at nag smile.

"Oh, CJ? Anong ginagawa mo dito?" Biglang sulpot naman 'tong si Jai.

"Just returning the notes of your girlfriend." Sagot ni CJ.

"Shar, gotta go." Dagdag pa nito. Tumango naman ako at nag wave.

Umupo naman si Jai sa seat nung table. Magkaharap kami.. "Akala ko aagawin ka din niya eh." Bulong pa niya. Hininaan niya pa yung boses niya, akala mo naman hindi ko narinig.

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan! Bat hindi ka pala pumasok sa 2 subjects kanina?!"

Jai: "Chill ka lang. Bakit? Namiss mo ko no?" Sabay smile niya.

"Ugh, miss your face!" Hinawakan ko yung tray ko tapos lumipat ako ng table.

"Shar, naman oh.." Mahinahon niyang pagkasabi, sinundan niya ko.

Di na 'ko sumagot, kagad na 'kong kumain.

"Pakabusog ka ah, treat ko yan eh." Sabi niya with wink. Muntik ko namang naluwa tong nasa bibig ko! Nga pala, galing sakanya to.

Nilapitan naman niya ako at binulungan sa tenga, "Babe, sana magbago pa ulit isip mo.." Tinignan ko lang siya at inirapan. Smile-smile pa yung kumag. Tss.

"See you later." Pagpaalam niya sakin tas umalis na. Wooooh! Thank God!

Hindi muna ako kumain kasi hinihintay ko pa si Mika. Grabe, ang haba ng pila sa counter!

Suddenly, may babaeng lumapit sakin at kinausap ako.. "Hi, Sharlene. Naguguluhan ka ba?"

"Huh? What?" Taka kong pagkasabi. Eh hindi ko siya kilala.

"Sharlene, alam kong naguguluhan ka na dun sa deal niyo." Sabi niya.

"D-deal? Ano yun? W-wala akong alam dyan." Palusot ko. Grabe to ah! Bat alam niya?!

"Stop denying. Alam ko na yung deal ninyo. By the way, I'm Charmaine Ann Bobiles from the 4th year level." Sagot nya. Hala! Patayyyy!

"A-ah. Sige, una na 'ko.." Patayo na sana ako ng upuan pero pinigilan niya 'ko. Hinawakan niya yung shoulder ko.

Charmaine: "Wag mo sana akong iwanan dito. I'm here to help you, Shar. Hindi naman kasi ako ganun kasama para ikalat sa buong campus yung tungkol sainyo ni Jai." Sa sinabi niyang 'to, napaupo na ulit ako.

"Pero, pano mo nalaman yun? May nagsabi ba sayo?" Nakakaba na 'to ah.

Charmaine: "Walang nagsabi sakin. Narinig ko lang kaninang recess nung nasa hallway kayo." WHAT?! Super hina na nun, pero narinig pala niya..

"Ano?! May nakarinig pa bang iba?" Bigla kong tanong sakanya. Ako pa mapapahamak neto niyan eh!

Charmaine: "Don't worry. Ako lang." Wooh! Biglang napanatag yung loob ko. Pero, kinakabahan pa din.

"Please don't tell anyone. Please?" Hinawakan ko yung kamay niya.

Charmaine: "Tulad nga ng sinabi ko kanina, I won't. I'm just here to help you. Halata naman sa mukha mo na naguguluhan ka. I'm here to convince you to accept the deal, Shar." Hindi na muna ako nagsalita kasi pinatapos ko muna siya..

"Pumayag ka na sa deal niyo nila Jai. Oo medyo mahirap sa una, kasi inis na inis ka sakanya, pero remember sabi mo gusto mo ng maayos na buhay?.." Pati yung naiinis ako kay Jai dati, alam niya.

"..Sa tingin mo, kung bigla ka magba-back out ngayon, hindi mag-iinit un dugo nila Noemi sa'yo? Mas lalo ka pag-iinitan nun dahil di ka na magiging protektado nila Jai.." Natahimik ako lalo dito.

"..Saka tinulungan ka ni Jai, at sincere siya't nakiusap pa sa'yo. You're just returning the favor lang naman. Ayaw mo din ba nun?.." Seryoso niyang pagkasabi. Nakokosensya na tuloy ako.

"..Oh, and pwede ka pa magpalibre! Hahaha. Saka konting tiis lang naman, parehas naman kayo magbebenefit dun. Kaya, i-push mo na yaaan!" May pagka-kwela din pala 'tong si Ate. Akala ko seryoso na talaga eh. Kala ko super sermon na aabutin ko.

"Pero Ba-bakit mo ginagawa 'to? Bakit mo sinasabi 'to sakin?" Tanong ko. Nakaka curious na kaya.

Charmaine: "I also want to help Jai. Diba nga, pag bumalik na daw si Trish sakanya, magiging maayos na siya? Gusto naming makita ulit yung dating 'Jai' na nandito sa AU. Yung dating 'Jai' nung first year palang siya. Yung dating ugali nya. Namimiss na namin yun eh. At sa tingin ko, ikaw ang susi. Ikaw ang makakapag pabalik nun."

Napaisip isip na 'ko.. And after a few seconds, "Shar, sana magbago pa yung isip mo. Salamat din sa pakikinig sakin. Sige, I need to go.."

Nag smile naman ako sakanya at nag wave.

Ako nga ba talaga yung 'susi'? Ang alam ko kasi, si Trisha yun. Dati nga bang matino si Jai? Nakakakonsensya naman kay Charmaine pag di ako pumayag...

"Oy, Shar! Tulala ka na naman diyan. Tara, kain na tayo." Hindi ko namalayang nandito na pala si Mika. Ang tagal kasi niya umorder..

"Sino nga pala yung kumakausap sayo kanina?" Tanong niya.

"Ah, umm, student."

Mika: "Alam ko. Patawa ka pa." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hinde, just an ordinary student. Pero, may point nga yung sinabi niya."

Mika: "Anong point point na yan? Nako, gutom lang yan! Kain na." Loka loka talaga 'to haha. Di niya kasi alam eh. Ang alam niya, ayos pa din kami ni Jai.

Hmm, ayos nga ba?

*JAIRUS' POV

What to do? Makukumbinsi ko pa kaya si Shar? Kailangan gumawa pa din ako ng paraan. Dapat sakanya ako um-effort.

"Bro, let's do this. Is it everything ready?" Sabi ko kay Francis. May 'something' na kasi kaming pinlano kaya nag cut kami ng class kanina. 2 subjects pala yun? Akala ko isa lang eh lol. Nagalit pa tuloy yung babe ko. Este, si Shar! Haha.

Alam niyo ba kung kanino ako humingi ng plano? Malamang sa loverboy. Hahaha! Kay Francis. Madami tong alam na kalokohan pagdating sa ganyan. Kaya nga niya napasagot si Ella eh.

Ang gagawin lang muna namin ngayon, hintayin si Shar dito sa garden.

Way Back Into Love (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon