Parang ang bilis lang ng mga pangyayare. Kung sino ang dalawang teams na mauuna, sila ang matitira.
Pinakahuli sa pila nila si Jai.
Everyone in the group is cheering for him. Para bang laro sa basketball.
Mika: "GO JAIRUS!"
Nash: "BRO, IPANALO MO NA!"
"NANGUGUNA ANG TEAM NUMBER 8."
Ella: "OMG JAI BILISAN MO NAAAAA."
Francis & Paul: "GO FOR GOLD!" Sabi ng mga loko loko haha.
"OKAY, TEAM 8 HAD FINISHED IT FIRST."
Michelle: "JAIRUSSSSS!"
Shar: "BILISAN MO!KAYA MO YAN!"
Trish: "FOR OUR TEAM, JAI."
"TEAM NUMBER 3, YOU GOT IT!!"
"WOOOOHHH!!" Sigaw nila. Nagsitalunan pa sila sa sobrang saya.
Tumakbo pabalik si Jai sakanila. At kahit na sobrang putikan na katawan nila.. "GROUP HUG GUYS!" Sinigaw pa din ito ni Paul.
Nag group hug naman sila. Ang team 3.
Sa sobrang saya nila, nagsitalunan, sumigaw at tumawa.
"Ang galing natin!" Sabi ni Ella.
"Well done, my team." Sabi naman ni Coach Alora.
"Ma'am, group hug?" Nakakalokong sabi ni Francis.
"Group hug!!" Sagot naman ng coach nila. Walang ka-arte arteng nakipag group hug sa punong puno ng putik.
"Teams 2, 4, 7 and 10. Hope you all had fun."
"Of course, ma'am." Sagot nila.
"Get dressed. Mag ayos na kayo. Naghihintay na ang Manila sa inyo niyan." :)
Habang nagsasaya ang mga natalong teams..
Nagsasaya din naman ang mga nanalo sa camp dahil pinabalik na silang agad dito.
"Ma'am, hindi po ba kami maliligo?" Tanong ni Paul habang natatawa.
"Hindi. Ganyan nalang niyan kayo." Nagbibirong sabi ni Ms. Betty.
"Mag shower muna kayo ng mabilisan para maalis lahat ng putik sa katawan ninyo. Then kunin niyo na lahat lahat ng gamit niyo. Pagtapos, diretso na dito sa bus." Sabi ng head teacher nila.
"Pero.. san po pupunta? Uuwi na po ba?" Tanong ng estudyante mula sa team 8.
"Basta." Nakangiting sagot ng guro.
Napuno na naman ng excitement kaya naman unahan pa sila sa banyo.
Sabay sabay na ngang pumasok ang mga girls sa girls CR. Nag shower lang naman sila pero hindi na nagpalit ng damit.
Dali dali silang pumunta sa bus pagtapos kunin lahat ng kanilang gamit.
"Team number 3 and 8, congratulations! At dahil don, pupunta na tayo kung nasan nga ba ang prize niyo."
Huminto na ang bus. 10 minutes lang ang biyahe.
-FONTANA-
Sa resort pala sila pumunta. Eto na ang prize nila! Swimming!
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (JaiLene)
FanfictionFind out how they can find their way back into love. ❤️ All rights reserved 2014. © frozenprincess_