Chapter 55

3.3K 81 29
                                    

Good morning sa pinakamagandang babaeng mahal na mahal ko. Baka nasa isip mo ngayon, himala? Nagising ako ng maaga. Oo, kasi gusto ko uunahin kita sa paggising. Kasi nga magsesend ako sayo nito. Hi, I love you. Alam mo bang.. excited na 'ko mamaya pumunta sainyo? De joke. GRABE BABES SOBRANG KABADO AKO NGAYON! Nagpapractice na nga ako ng mga sasabihin sa papa mo.. sa kuya mo. Pano pag may ipagawa muna sakin? Nako, kung meron.. Edi gagawin ko! Ako pa! Kaya ko naman lahat haha. Um anyway, reply ka nalang paggising mo ah! Love you babes. ❤️

Sino ba naman ang hindi kikiligin kung ganto kagwapo ang magtetext sayo tuwing umaga?

Kaya naman paggising ni Sharlene, napangiti kagad siya at nagreply agad.

Sorry, medo late na ba? Aga mo kasing magtext! 6am hahaha. Pero kakagising ko lang talaga. Mamaya nga palang 4pm, eh kasi daw baka matagalan sila makipag usap kay mama mo kaya ganung oras nalang. Tsaka para di na mainit pag pupunta ka dito. :) I love you too mwa.

J: Oh nagreply ka nga, nagtoothbrush ka na ba niyan?

S: Ah ganon? Syempre rereplyan muna kita.

J: Hayaan mo na, kahit di ka naman magtoothbrush maganda ka pa din. ;)

S: Ang aga ng joke mo ah. Corny pa haha.

J: Kung magkasama lang nyan tayo, suntok sa tiyan agad abot ko sayo eh hahaha.

S: Buti alam mo. Oh pano, hilamos muna 'ko ah? Nakakahiya naman kasi sayo. Baka nga mamaya ikaw diyan di nagtoothbrush. :P

J: Luh, kanina pa kaya ako! Haha. Sige na hilamos ka na dun. :)

Habang naghihilamos si Shar ng mukha pagtapos magtoothbrush, pumasok mama niya sa kwarto.

"Nak, lika nga dito."

"Po?" Sabi nito habang nagpupunas na sa towel.

"Sigurado ka na ba dyan?"

"Ang alin po, ma?"

"Sa pagboboyfriend mo. Ikaw ah." Biro pa nito sakanya.

"Ma naman eh haha."

"Hindi naman kasi ako maka-hindi sayo. Tama naman kasi kuya mo, tapos na highschool, pwede na. May tiwala naman kami sayo."

"Thank you ma." Nakangiting sagot ni Sharlene.

"Di lang talaga ako sanay. Yung baby bunso namin, may mahal mahal nang nalalaman!"

Napangiti lang si Sharlene habang nagsusuklay ng buhok.

"Lika nga dito sa tabi ko. Ako na magsusuklay dyan." Nakangiting sabi pa ng mama niya.

Umupo naman siya sa bed, tas nakatalikod. Kasi nga sinusuklay ng mama niya buhok nya.

"Alam mo, nak.. First boyfriend ko si Papa mo. First and last."

Habang sinusuklay niya 'to, kinukwentuhan nya si Sharlene.

"Masaya yung pakiramdam pag nagmamahal ka. Kasi araw araw masaya, araw araw pinapakilig ka, araw araw pinapatawa ka. Yung para bang araw araw ka niyang nililigawan. Tignan mo, hanggang ngayon kami pa din ng papa mo. Kasi kahit sa anong problema, sabay naming hinahanapan ng solusyon.

Sinasabi ko to sayo Sharlene, para mas maintindihan mo. Feel ko kasi baby ka pa talaga."

"Ma.." Sabi ni Sharlene sabay tawa. "Gets ko naman po yun. Pero magco-college na 'ko oh. Keri na haha."

Way Back Into Love (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon