Chapter 35

6K 90 32
                                    

*SHARLENE'S POV

"Students! Uwian na! All of you will have an extra points on your academics. Plus, may trophy pa kayong makukuha for winning. Nag enjoy sana camp na 'to, at sana may natutunan kayo kahit paano."

Sumakay na kami ng bus. Masaya naman kasi nanalo naman kami, pero naaalala ko na naman yung kagabi.

Buong gabi nila akong sinamahan. Lalo na si Mika..

'Di naman sa nagtanim ako ng sama ng loob kay Trish. Pero nabigla lang siguro ako sa sinabi niya kaya di ko napigilang umiyak.

Oo, nasaktan ako. Nasasaktan at masasaktan pa siguro ako. :|

Pag uwi namin ng Manila, wala na. Wala na yung pagpapanggap namin.

Siguro nag usap nga sila kagabi kasi di naman niya 'ko pinuntahan.

Kahit ngayon, hindi man lang niya ako kinausap. Ewan ko kung san yung seat niya dito. Basta ako, kasama ko sina Mika.

Ugh, naluluha na naman ako. :(

"Uy, ayos ka lang?" Tanong ni Mika.

"Oo." Sana ayos nga ako.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabe. Kaya dito nalang ako babawi sa tulog.

*fast forward, to Manila*

"Shar, gising na. Nandito na tayo." Naririnig ko si Mika kaya minulat ko na mga mata ko.

Binaba kami ng bus sa school. 3pm na pala.

"Shar, tara sabay na kitang umuwi." Sabi ni Mika, nandun na pala service niya.

"Ah hindi, wag na. Sakay nalang ako ng jeep."

"Huh? Text mo nalang si manong."

"Wag na. Baka makaabala pa 'ko."

"Oh tara, sabay ka na kasi sakin."

"Ayos lang ako. Thanks talaga ah, Miks." Hinawakan ko yung kamay niya.

"Sure ka?" Sabi niya at tumango nalang ako.

"Sige, text mo na lang ako pag nakauwi ka na ah?" Tumango na naman ako.

"Ingat ka. Oh, una na 'ko."

Nag wave lang ako sakanya.

Pumasok nalang muna ako sa school. Para bang ayoko munang umuwi. Kasi pag umuwi ako, magmumukmok lang ako sa kwarto. Maiisip ko na naman lahat lahat.

- Text to Mama

Ma, nakauwi na po kami from Pampanga. Di po ako makapag text kasi wala samin yung mga phones namin during the camp. Pero okay naman po kaming lahat.

(2) messages. Mama, Jai

Una ko ng buksan yung text ni mama.

- Text from Mama

That's good. Nasan ka ngayon? Uwi ka na. Ipahahanda kita ng pagkain kay yaya.

- Text to Mama

Nasa school pa po ako. Pero busog pa 'ko ma. Mamayang dinner nalang po para sabay sabay tayo.

- Text from Mama

Way Back Into Love (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon