*SHARLENE'S POV
"Last practice niyo na 'to, ayusin niyo na. Yung kakantahin niyo as a group, memorize niyo na ba? Lahat ng gagawin niyo, alam niyo na? Valedictorian and Salutatorian, yung mga speech niyo, ready na? Last na 'to. So ayusin niyo na. First section kayo, prove it na first section talaga kayo." Bilin samin yan ni Ms. Betty kanina nung nasa classroom pa kami.
Eto na, nasa center stage na. Dati, kahit san pwede pang umupo, ngayon by surnames na ang pagkaka-arrange kasi general practice na. Unfortunately, hindi ko katabi si Mika. Dela Cruz yon, eh ako? San Pedro. Ang layo nga niya sakin eh. Pero atleast, katabi ko naman 'tong si Paul. Kahapon ko pa 'to katabi, kung ano anong sinasabi saken haha. Kanina pa nga kami nakaupo dito, di pa din kami natatawag.
"Shar, umalis na bestfriend mo." Huh? Andun kaya si Mika. Ano na namang kalokohan ni Paul.
"Sino? Ayun kaya siya." Sabay turo ko kay Mika.
"Hindi yan. Yung isa."
"Yan lang bestfriend ko bukod dun no."
"Ang sinasabi ko, si Trisha. Diba bestfriend mo yun?" Pang-aasar niya sabay ngumiti ng nakakaloko.
"Oh, anong gusto mong mangyari ngayon? Ih bat niyo ba kasi ako inaasar tungkol dun. Kainis kayo ni Francis ah."
"Biro lang naman hahaha. Real talk, Shar.. Galit ka ba kay Trisha?"
"Bakit naman ako magagalit dun, ang bait nga niya sakin eh."
"Weh? Baka mamaya pinapatay mo na siya sa isip mo."
"Grabe ka naman mag-isip. Never kong ginawa yun."
"Eh kay Jai, ginawa mo na?"
"Hmm.. ewan."
"Shar.. pano kung may manligaw sayo, papayag ka?" What?
"Di ako nagpapaligaw."
"Pano kung nagpumilit siyang ligawan ka?"
"Edi pilitin niya. Eh sa hindi nga ako nagpapaligaw."
"Bakit? Nirereserve mo ba yang puso mo sa taong mahal mo?"
"Wow, ang lalim, di ko ma-reach hahaha."
"Seryoso ako oy."
"Wala naman nga kasi akong time sa mga ganyan."
"Eh bat nung kay Jai, pumayag ka?"
"Fake lang naman yun. Tsaka para din sa sarili ko yun, para wala nang mang-away sakin dito."
"Weh? Yun lang ba talaga?"
"Oo naman. May iba pa ba? Wala naman diba."
Tumahimik na siya pero akala ko hanggang dun nalang yun. Meron pa pala, hayyy.
"Pano kung ligawan ka ulit ni Jai?"
"For what? Kasi umalis na si Trish, ganon?" Sabi ko at inirapan ko siya. Ano ba kasing klaseng tanong yun?!
"Malay mo mahal ka din pala nun."
"Ako? Mahal nun? Ha ha ha, patawa ka eh no."
"Kung sakali lang nga, anong gagawin mo pag niligawan ka niya?"
"Wala. Ano bang gusto mong gawin ko? Magtatalon ako sa saya? Tss."
"May feelings ka pa ba para sakanya?"
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (JaiLene)
FanfictionFind out how they can find their way back into love. ❤️ All rights reserved 2014. © frozenprincess_