Chapter 27

6.5K 86 28
                                    

*JAIRUS' POV

Excited for today! May announcement na namang magaganap. Pero, hindi galing saken haha. Galing sa mga teachers. Eto kasi yung pinakahihintay ko talaga sa buong school year.

"Bro! Di mo yata kasabay si Shar?" Sabi ni Francis na nakasalubong ko sa hallway.

"Di eh. Ayaw niya muna pasundo sakin, papahatid nalang daw siya sa driver nila."

"Ahh. Baket? May LQ?" Asar niya.

"Umm, alam ko.. wala? Di naman galit kahapon sakin yun nung katext ko."

"May load ka pala kahapon? Di ka man nagrereply tol! Hinintay ka pa naman namin kina Nash."

"Ay, nakalimutan ko kasi. Sensya na, bro."

"Sige, next time ah?"

"Yup." Sagot ko.

"Tara, classroom ka muna?" Aya niya.

"May flag ceremony."

"Hayaan mo na yun. Dating gawi?" Sabi pa niya. Tumango nalang ako. Dati kasi, di man kami nag aattend nun. Nakakasawa lang kasi.

Pumunta na kami sa classroom nila. Well, medyo katabi lang ng room namin. Nagsi-babaan na lahat ng students, except saming apat.

Paul: "Jai, may pantawag ka? Nakalimutan ko phone sa bahay eh. Padala ko lang dun sa driver namin."

"Oh." Binigay ko na phone ko.

Lumabas muna siya saglit.

"Galit sakin si Ella." Bigla nalang sinabi ni Francis samin. Kaya pala nag-aya siyang wag nang umattend sa flag ceremony, may problema..

"Napano ba?" Tanong ni Nash.

"Di ko kasi nasamahan kahapon. Diba nasainyo ako? Kala ko di magagalit eh."

"Alam mo, Cis, ang babae sinusuyo yan. Edi mag sorry ka nalang tas lambingin mo." Sabi ko. Nablangko yata isip nito haha. Eh kasi pagdating sa pakulo na ganyan, siya pinakamagaling samin.

"Ayaw nga niya 'kong kausapin."

Pumasok na ulit si Paul kaya di kami nakasagot ni Nash.

Paul: "Jai! Nagtext si Shar. Hanap ka." Sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Loko yang tingin mo ah hahaha."

"Buti pa 'to oh, walang problema." Sabi ni Nash sakanila. At ako yung tinutukoy niya.

- Text from Shar

Uy! San ka? May sasabihin pala akong importante.

Importante? Ano naman kaya yun?

- Text to Shar

Nasa classroom lang ako. Nga pala, ano yun?

- Text from Shar

Ah. Mamaya na.

Ang dry magtext neto?

"Bro! Ano na gagawin ko?!" Ginulo naman ako ni Francis.

"Aba, ewan ko. Sige, pasok na 'ko sa room namin."

Francis: "Grabe, ganyan ka na ngayon?"

"Haha. Basta, mamaya, may solusyon din yan!" Sabi ko.

Pagpasok ko, andito si Trish. Nakayuko sa armchair. Di rin 'to nag-attend?

Way Back Into Love (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon