A year ago
Zach's POV
"Hello Zach" bungad ni Grey.
"Oh napatawag ka?" sagot ko.
"Grabe pre, nakauwi ka na pala di ka man lang nagpasabi" ramdam ko ang pagtatampo ng gago. Haha
"Di naman for good pagbabalik ko pasensya na okay" sagot ko.
"Nasan ka ba?" - Grey
"Na sa piling ni Reese" ngiti ko.
"Bakit papakamatay ka na ba? Sasamahan mo na si Reese?" tumatawa sya.
"Aish"
"Biro lang. Haha. Bakit pa ba ko magtataka na nandyan ka. 7 years din na hindi ka nakadalaw dyan. Ano? Wala ka bang balak makipagkita, namiss ko na pagmumukha mo oyy. Haha" -Grey
"Parang di ka bumiyahe palipad ng America para magkita tayo last year ahh, nga pala may dadaanan muna ko. Bye" narinig ko pa sya na nagsasalita pero binaba ko na ang telepono.
"Reese, sa susunod nalang ulit." Pagpapaalam ko at dagling pumunta sa shop ni Mama.
--
Recca's POV
Nakikita ko syang masayang nagaayos ng mga bulaklak at napapangiti ako dahil don.
Niyakap ko sya."Mama" bati ko.
"Oh, Recca napaaga ka ata, tapos na ang trabaho? Dumaan ka ba sa ampunan?" nakangiti pa din sya.
"Opo. Tulungan ko na kayo" sagot ko habang nakangiti din sa kanya.
Noong una nahihiya pa kong tawagin syang mama pero hindi nya hinayaang maramdaman ko yun dahil sa mga ginawa nya para sakin. Naalala ko pa nung nasangkot ako sa gulo dahil sa pakikipag-away ko, sya ang umayos nun para sakin kahit na ayoko pa nun sa kanya o mas magandang sabihin na ayokong mapalapit sa kanya. Pitong taon na nya na kong tinututukan, sa pitong taon na yun, nakita ko kung gaano nya ko pinapahalagahan. Kaya naman, napilit nya din akong tumira sa tirahan nya, pati ang pagpapaaral sa akin.
"Last year mo na sa school mo ngayon Recca ah, ililipat kita ng school." alam kong narinig ko na to sa kanya pero parang nagdadalawang-isip ako.
"Di po ba to sobra? Alam kong sa mas magandang paaralan nyo ko ilalagay." sagot ko.
"Hays. Talaga naman tong batang to. Magrerebelde ka na naman ba sakin?" ngumiti sya.
"Di nyo naman ako tunay na anak" niyakap nya ko at mangiyak-ngiyak pagkatapos ay hinampas ako.
"Napag-usapan na natin to diba? Sige na. Alam kong di kita mapipigilan sa pagtatrabaho pero sa school na to mas magkakaroon ka ng opportunity para sa future. Hmm? Osge na." Bumalik na sya sa ginagawa nya, napatingin ako sa labas dahil parang may kanina pang nakatingin.
"May problema ba?" pag-uusisa ni Mama.
"Wala po." At hindi na lang ito pinansin.
--
Zach's POV
Nakikita ko sya na nakangiting ginagawa ang trabaho nya. Lalapitan ko sana sya pero biglang may yumakap sa kanyang babae. Masaya silang dalawa. Nabuo sa isip ko kung nagkaroon ba si Mama ng ibang pamilya at dahil doon kaya nasaktan ako at pinili nalang umalis. Pauwi na ko nang mapagtanto ko na gusto kong makita si Mama ulit bago ako umalis, pupunta ako sa bahay nya kahit di ko na maalala kung saan banda ito.
"Teka, ilang oras nadin akong naglalakad bakit di ko makita ang bahay ni Mama. Pag naman kase tinanong ko si Papa, papagalitan ako nun. Hays" hindi naging maganda ang paghihiwalay nila, iniwan ako ni Mama dahil mas may kinabukasan daw ako kay papa.
May narinig akong ingay. At maya-maya'y may dalawang lalaking lumabas at papalapit sa akin. Pagkatapos ay nagsalita sila.
"Oyy bata, naliligaw ka ata? tumawa sya. "Ano may pera ka ba dyan huh?" inakbayan nya ko.
"Mukhang anak mayaman to, pre" at sabay silang tumawa."Layuan nyo ko!" Pasigaw kong sinabi sa kanila at maya-maya'y naglabas sila ng kutsilyo. Natakot ako at hindi na makagalaw sa kinatatayuan ko.
--
Recca's POV
Naglalakad ako nang mapansin ko ang nangyayari sa eskinita. Lumapit ako para tingnan at tama nga ang hinala ko. Sinuot ko ang mask para magpakilala.
"Oyy kayo dyan. Ano bang ginagawa nyo?" at natigil silang dalwa. "Aish, ang luma naman ng style nyo, kutsilyo? Seryoso. Haha." at parang nainis sila.
"Ikaw? Sino ka ba? Wag ka ngang makialam. Isa kalang babae! Kung ayaw mong madamay, umuwi ka nalang Miss" tumawa sila pareho
"Bakit nyo ko papauwiin agad, eh gusto ko pang magpapakilala" sagot ko.
"Miss tama sila, umuwi ka na kaya ko na to" nainis ako sa sinabing ito ng binata.
"Kaya pala, takot na takot ka, osya tapusin na natin to."
--
Zach's POV
Inaamin ko natatakot na ko tapos nilalapit pa nila yung kutsilyo sa mukha ko. Hanggang sa may dumating na babaeng nakamask, natawa ako dahil iniisip kong sya ang magliligtas sakin kaso isa syang babae.
"Oyy kayo dyan. Ano bang ginagawa nyo?Aish, ang luma naman ng style nyo, kutsilyo? Seryoso. Haha." nakakatuwang na ang babaeng ito ay may lakas ng loob para sabihin ito.
"Ikaw? Sino ka ba? Wag ka ngang makialam. Isa kalang babae! Kung ayaw mong madamay, umuwi ka nalang Miss" at tumawa silang dalawa.
"Bakit nyo ko papauwiin agad, eh gusto ko pang magpapakilala" hanga na talaga ko sa confidence na babaeng ito pero mapapahamak lang siya.
"Miss tama sila, umuwi ka na kaya ko na to" kaya nasabi ko ito. Naramdaman ko ang pagkainis nya sa sinabi ko.
"Kaya pala, takot na takot ka, osya tapusin na natin to." Ewan ko kung nangiinis sya o ano pero alam kong totoo. Matapos nyang sabihin iyon ay sinugod nya ang dalawang lalaki. Napapangaga ako sa nakikita ko dahil di magawang makalaban ng dalawang lalaki matapos lamang ang ilang sipa sa kanila ng babae.
"Gangster ba sya? Grabe." Maya-maya'y papalapit sa akin ang isang lalaki hawak ang patalim, tumakbo yung babae sa akin at nagkayakap kami at natitigan ko ang mga mata nya ng mga 3 seconds dahil tumalikod sya para sipain ulit yung lalaki. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, isang babae ang nagligtas sakin."Delikado talaga dito, mag-ingat ka nalang." At umalis sya habang ako nakatayo padin sa kinatatayuan ko.
"Hindi ko na inasahan na ganito lang ang sasabihin nya, mukhang may pagkasuplada sya" at ngumiti ako.
--
Recca's POV
"Ma, bat nasa labas pa kayo?" nag-alala kong sabi.
"Hinihintay ka, ano pa ba? May nangyari ba? Bat parang hingal na hingal ka?" sa dami nang tanong nya napangiti nalang ako.
"Bat ka naman tumatawa dyan?" at tumawa din sya."Mahal nyo kase ako. O sya pasok na tayo, malamig na dito." Hinawakan ko sya at pinapasok sa loob.
"Ma, pwede bang dun muna ko tumira sa dati kong apartment para mas malapit sa school, tutal naman lilipat na din ako next year." napatigil sya sa kanyang ginagawa.
"Mas malapit dito trabaho mo ahh, at saka madami ng masasamang nangyari sayo dun kaya ayokong pumayag" sabi nya.
"Ma, sige na pagbigyan nyo na ko dali na, mag-aayos din ako ng mga bagay-bagay dun, di naman ako mapapahamak, magtiwala kayo" pagmamakaawa ko.
"Osya sige na basta wag kang mapapahamak" hinawakan nya ang mukha ko at tumango ako pagkatapos ay sabay kaming tumawa.
BINABASA MO ANG
I'm No Angel
ActionStory of first loves. Story of love not only for opposite sex but love for all.