CHAPTER 21: ACT COOL

434 9 2
                                    

Recca's POV

Arggh. Ano to? Bakit ang sakit sakit ng ulo ko?

"Oh? Recca gising ka na?" dating ni Mama.

"Ano po bang nangyari?" tanong ko.

"Wala kang maalala? Hinatid ka ni Zach dito kagabi ng lasing"

"Ano? Uminom ako?"

"Nagtataka nga din ako kahapon kung bakit ka uminom. Osya sige, ihahanda ko yung ginawa kong soup para sayo bumaba ka na ha" sabay alis ni Mama.

"Opo"

Ano bang naisipin ko at uminom ako hays.

"Wala ka ba talagang maalala?" entra ni Zach.

"Ikaw diba yung naghatid sakin? Siguro naman may alam ka?" tanong ko.

"Oo noh, madaming madami" ngiti nya.

Teka nga parang hindi ko gusto tong ngiti ni Zach. Ano ba kasing ginawa ko? Arggh. Malaman ko lang talaga, sapak sakin to pft.

Baba.

Kumakain kaming breakfast.

"Wala ka padin bang maalala?" tanong ni Mama.

Pinilit kong alalahanin ang nangyari.

"Si Ash, diba nagpaalam ka sa kanya na may pupuntahan ka pa?" -Zach

"Ah, oo. Akala ko kase nakita ko si Kirah kahapon. Hinabol ko yung isang batang akala kong si Kirah. Pasensya na po sa pag-alala" nakakahiya hays.

"Miss mo na talaga si Kirah ano? Pero Recca sana alagaan mo din ang sarili mo at saka hindi magugustuhan ni Kirah pag may nangyari sayo" sermon ni Mama.

"Pasensya na po talaga Mama"

School library.

Nagbabasa ako ng libro pero di ako makapagfocus, inaalala ko kase talaga kung anong nangyari kagabi para ngumiti ng ganun si Zach. Tanungin ko na ba sya? Pero nakakahiya pft. Speaking of Zach, nakita nya ko at tumabi sakin. He smiled at me and nagsimula ng magbasa and ako nakatitig lang sa kanya nang mapansin nya ko. Nahiya ako kaya umalis nako dun agad, pumunta ako sa circulation area.

Tinitingnan ko sya mula sa pwesto nya pero bat nawala sya hanggang sa may humawak sa sakin at pagharap ko si Zach.

"Gusto mo ba talagang maalala ang nangyari last night?" kinuha nya ang kamay ko, nilagay sa kwelyo nya then nilapit nya yung mukha nya sakin. Yung puso mo Recca, jusko.

All of a sudden may nagsink in sa isip ko na scene na hinalikan ko sya. Bumitaw agad ako sa kanya. Did I really kissed him? Argggh.

"Ayun na ba yun? Yung kiss?" he nodded.

"Sorry kung nagawa ko yun, alam mo naman siguro na wala ako sa katinuan nung mga panahon na yun. Let's just forget it wala lang naman yun eh"

"Wala lang yun?" he asked.

"Oo. Pwera nalang kung ikaw mismo ang maglalagay ng meaning" I smiled at him.

"Tama, wala lang naman yun, pero sana wag ka ng uminom ulit, baka kung sino pang halikan mo sa susunod" I act na babatukan ko sya kaya umalis na sya.

Napaupo ako. Arrgh. Gusto ko ng lumubog sa lupa anong kahihiyan na naman ba to Recca? Teka, kiss lang ba talaga ang nangyari o nagconfess na ko sa kanya? Ayt. Bat nga naman ako magcoconfess eh wala naman akong gusto sa kanya. Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay umarte na hindi ako apektado, umarteng parang wala lang. Katulad nung ginawa ko kanina, galing ko kaya lol.

Uwian.

Naglalakad ako. Occupied padin talaga nung kanina yung utak ko. Then napansin ko ang isang matandang mahihimatay, luckily nasagip ko sya sa pagkakafall. Agad ko syang dinala sa loob ng bahay nila.

"Ayos lang po ba kayo?" tanong ko. Nagulat ako nung hinawakan nya ang mukha ko.

"Apo?" tanong nya.

"Po?" niyakap nya ko hanggang sa napansin ko nalang na umiiyak sya.

"Akala ko patay ka na, pero ngayong nagbalik ka pwede na kong mamamatay. Patawarin mo ko, kami ng papa mo kung hindi ka namin narecognize agad" iyak padin sya ng iyak.

Nung medyo nahimasmasan na sya.

"Masyado ko po bang kahawig ang apo ninyo?" tanong ko.

"Pasensya ka na kanina, nadala lang ako ng emosyon ko. Pero kung susumahin, kahawig na kahawig mo talaga ang apo ko" I smiled at her.

"Lola? Recca?" Si Max?!

Hinatid nya ko sa labas ng bahay.
It turns out na sya pala yung apo ni Lola, mayaman talaga sila, anlaki ng bahay nila.

"Bakit ba hindi ka nalang kumain ng dinner dito Recca?"

"Hindi na, okay lang. Hinihintay na din kase ako ni Mama"

"Ah, ganun ba? Salamat nga pala sa pagalalay mo kay Lola. Ano kayang gagawin ko pag wala ka dito kanina"

"Hehe. Wala yun. Alam mo madalas akong napapadaan dito pero hindi ko alam na dito ka nakatira"

"Sa totoo lang mas gusto ko dun sa dati naming bahay"

"May tanong ako, magkahawig ba tayo?"

"Ha?" napaisip sya

"Nasabi kase ng lola mo na kahawig ko ang apo nya"

"Ah, baka dahil sa pareho nating uniform haha" at sabay kaming tumawa.

Naglalakad na ko palayo nang maisip ko na hindi ko nga pala natanong kung bakit nabanggit ng lola nya na patay na sya. Hm? Siguro baka may malala syang sakit noon.

Dahil sa kakaisip ko may nakabunggo akong isang mama.

"Pasensya na po" nagbow ako pero sya nakatitig lang sakin.

5 seconds.

"Ah, pasensya na din" he then bowed at me then umalis na ko agad dun.

Bahay.

Ahm, bat ang weird ng araw na to. Masyado ba kong maraming nameet this day?

"Recca!" gulat ni Zach.

"Yah! Ano bang kailangan mo?" tanong ko.

"Bakit ba galit ka agad?"

"Sumusulpot ka nalang saan, hindi ka ba aware na parang sasabog ang puso ko pag nakikita kita!" nagtakip ako ng bibig after nun. Aigoo. Aigoo. Aigoo. Ano ba tong sinasabi ko.

"Ano bang sinasabi mo?" he asked.

"Ang sinasabi ko kase kapag nandyan feeling ko any moment sasabog ako sa galit! Hays" ano ba tong alibi ko arggh.

"Ganun ba kalaki ang galit mo sakin?" based on his tone naupset ko sya.

"Ha? Ah, kase hindi naman -----" pinutol nya ang sasabihin ko.

"Sya nga pala kung curious ka kay Reese, patay na sya. Matagal na" after those words, he left.

Gusto kong maging masaya na patay na pala yung Reese. Pero mali din kase ako dahil sa mga salita ko. Arrgh. Recca, sumosobra ka na. Pano na to.

---

Short pero pakivote 😂

I'm No AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon