Zach's POV
Sa kotse.
Nakatingin lang ako sa likod matapos maiwan ni Recca don, wala kong masabi s kanya. Dahil di nya alam ang sitwasyon ko.
"Eto ba, eto ba ang inaatupag mo nang lumayas ka" galit ni Lola.
"Kelan nyo ba ko balak lubayan" sagot ko.
"Sa tingin mo sa ginagawa mong to, uupo nalang ako at hahayaan ka. Zach, pwede ba makinig ka naman samin ng Papa mo" she said.
"Makipaghiwalay ka na sa kanya ngayon din" dagdag nya.
"Hindi, ayoko. Para ano kontrolin nyo pa lalo" giit ko.
"Sige tignan lang natin kung hanggang kelan mo kaya" pananakot ni Lola.
Gusto kong magwala, pero diko magawa.
Kinabukasan.
Sa school.
Agad hinanap ng mga mata ko si Recca nang bigla nalang may sumalubong saking suntok mula kay.... Nigel.
"Ano bang problema mo?" sigaw ko sa kanya.
"Engaged ka kay Max, tapos ano kayo ni Recca? Kelan mo pa niloloko si Recca ha?!" tiningnan ko ang nasa paligid at maraminf nakatingin.
"Ano?" sulpot ni Recca.
"Recca" gulat namin ni Nigel.
--
Nigel's POV
Hanggang ngayon binubulabog padin ako ng mga sinabi ni Max.
Nang makita ko si Zach sa school, di nako nakapagpigil at sinuntok ko sya.
Engaged ka kay Max, tapos ano kayo ni Recca? Kelan mo pa niloloko si Recca ha?!"
sigaw ko sa kanya.Nagulat din ako sa ginawa ko pero mas gumaan na ang loob ko.
Pero biglang sumulpot si Recca kaya nalaman nya din ang totoo.
--
Recca's POV
Narinig ko si Nigel na binitawan ang mga salitang...
"Engaged ka kay Max, tapos ano kayo ni Recca? Kelan mo pa niloloko si Recca ha?!"
kaya't napasagot ako ng "Ano?" sa kanya dahil hindi ko parin mapasok sa ulo ko ang mga binitawan nya.
"Recca" dinig kong tawag saken, pero umalis nalang ako don.
Hinabol pala ko ni Zach.
"Recca, teka" hablot nya saken.
"Totoo ba?" tanong ko.
"Recca, hayaan mo muna kong magpaliwanag" sagot nya.
"Sagutin mo lang ang tanong ko ng oo at hindi"
"Oo" sagot nya at hindi nako nakapagpigil na sampalin sya.
Tumakbo ako palayo sa kanya at tumigil nang malamang di nya ko sinundan. Sinubukang kong kumalma pero...
"Kung ganon one-sided lang pala si Recca kay Zach? Engaged si Max at Zach pano nya pa nagawang landiin si Zach" si Steph.
"True. Ganyan ba talaga ang mga lower class? Dumidikit sa upper class para sa pera?" dagdag ng kasama nya.
"Hoy Recca, kung ako sayo titigilan ko na si Zach, level palang anlayo nyo na. Bakit may eskwelahan ka din bang ganito para tapatan sya?" and they laughed.
"Ano? Pagmamay-ari nila to?" tanong ko.
"Hm, parang ganun na nga. Ha. why di mo ba alam na yung nilandi mo ganto kayaman?! O baka naman you're just playing dumb to save yourself. Hays malala ka na" and they laughed again.
I just walked out off the scene.
Nang may sumalubong saken. Pamilyar sya, ah yung kagabi. Ang lola ni Zach.
Sa cafe.
"Alam mo na siguro kung bakit ako nakipagkita sayo, dahil nabalitaan kong ikaw ang kinalolokohan ng apo ko, alam mo na bang engaged sya kaya kung hindi pa..."
"Opo, makikipaghiwalay nako sa kanya. Alam ko naman pong ayun ang sasabihin nyo" putol ko sa kanya.
"Mabuti yan, hindi ka naman pala mahirap pakiusapan. Alam mo kung san ang lugar mo" she smiled at me.
"Opo alam ko. Pero sana tama tong ginagawa nyo. Hihiwalayan ko sya dahil para sa lahat eto ang magandang gawin pero sana sana tama to" at iniwan ko ang Lola nya doon sa loob.
Alam kong inis ang mukha nya sa mga sinabi ko.
--
Max's POV
"Anong nangyayari, bakit si Recca ang pinaguusapan nila?" tanong ko nang marinig ko ang ilang estudyante.
"Dimo pa ba alam si Nigel sinugod si Zach dahil nga engaged kayo at dahil yon kay Recca" sabat ni Steph.
"A..Ano? Si Nigel?" gulat ko.
"Teka pano nga pala nalaman ni Nigel?" tanong nya.
"Sinabi ko.. pero di ko akalain na magagalit sya at magagawa nyang sugudin si Zach" pagaalala ko.
"Gagawin nya talaga ang lahat para kay Recca hays" ani Steph.
"Pero maganda na to diba? Mawawala na si Recca sa landas nyo ni Zach" dagdag nya.
Pero nagaalala padin ako sa mga pangyayari pati kay Recca.
--
Zach's POV
Galit sya. Hindi lang dahil sa inabot kong sampal, pero dahil ramdam ko mula sa kanya.
Napatulala lang ako sa nangyari at hinayaan ko syang umalis.
Pero hindi ko hahayaan na hindi sya makausap, kaya naman naisipan kong puntahan sya sa tinutuluyan nya nang habang tumatakbo ako may humarang saking kotse.
Eto na naman sila, mga pinadala ni Lola at Papa para iuwi ako.
Nilabanan ko sila at nagpumiglas pero nahihirapan ako.
Hanggang sa bumaba mula sa kotse at napatigil ako.
--
Recca's POV
Naglalakad ako nang hindi tinitignan ang dinadaanan ko nang pagkatunghay ko natanaw ko si Zach na nakikipagaway.
Tumakbo ako para tumulong pero may bumaba mula sa kotse at ito ang Lola nya.
Napatigil ako.
Oo nga pala, bakit ko ba to ginagawa. Hindi na dapat ako makipagkita kay Zach. Nangako ako sa Lola nya.
---
Hello, readers. Thank you so much sa 20k reads. Godbless us all. Sorry sa errors, naexcite kase ko sa 20k reads and short update din to. Thank you ☺️
BINABASA MO ANG
I'm No Angel
ActionStory of first loves. Story of love not only for opposite sex but love for all.