CHAPTER 16: GUILT

469 4 0
                                    

Recca's POV

Alam kong galit sya pero nakuha nya pang ipasan ako, bakit ba naman kase hindi ko maitago na hindi ako makalakad ng maayos. Bwisit.

Pero mas kita ko sa kanya ang pagod, at ang hirap. Sariwa padin kase ang sugat naming dalawa.

"Hindi ka ba nahihirapan? Alam kong mas malala ang mga sugat mo kesa sakin, kaya nga mas mabuting ibaba mo na lang ako"
sabi ko sa kanya.

Tumigil sya pero hindi nya naman ako pinakinggan. Hays. Okay okay galit nga pala ang isang to.

Bahay.

Gulat na gulat si Mama nang makita kaming dalawang may mga sugat, kaya naman dali-dali nyang ginamot ang mga ito. Kita ko ang pag-aalala sa kanya pero wala akong narinig na kahit ano sa kanya, kahit ang tanungin kami kung bakit ito nangyari. Sa totoo lang, nahihiya din naman akong sabihin sa kanya ang lahat kaya mas mabuti na din to.

My room.

"Pwede bang once lang maisip mo na may nagmamalasakit sayo, kailangan ba pati pag-aalala sayo may permiso? Wag mong isipin na lahat ng bagay kaya mo, kailangan mo padin ng tulong ng iba. Please Recca, bawasan mo naman ang pagiging self-centered mo. Nakakatawa na kaya mong ipagtanggol ang ibang tao pero ang sarili mo hindi"

Hanggang ngayon iniisip ko padin ang sinabi nya. Nakakaramdam ako ng guilt, ng hiya at ewan, ano ba kase to. Masyado ba kong tinamaan sa mga sinabi nya. Tapos pinasan nya pa ko, kaya parang nadagdagan ang bigat ng sinabi nya. Leshe, ang sakit sa ulo.

School.

Sinisilip ko sya sa may room, si Zach. Nandito na sya pero bwisit talaga, nahihiya ba ko na makita nya ko?

"Yah, Recca!" nagulat ako sa kulbit ni Ash.

"Hays. Ginulat mo naman ako"

"Hindi ka ba papasok?" she asked.

"Teka nga, ano yang mga pasa mo? Yang mga band aid mo? At pati si Zach?" napansin nyang tinitingan ko si Zach kaya napasama sya sa tanong. Pft.

FF.

"So dahil ba sa sinabi ni Zach, kaya parang nahihiya ka sa kanya?" Ash asked, kinuwento ko na sa kanya, di ko na kase talaga alam ang gagawin ko.

I nodded.

I'm No AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon