Sean's POV
"Kanina ka pa ba dyan? Samahan mo kong kumain?" nagulat ako nang imulat nya ang mga mata nya.
"Huh?" sagot ko.
"Ako ang nagluto ng baon ko ngayon, ayaw mo ba?" ngumiti sya, nagulat naman ako dahil parang napakadalang nya lang iyong gawin kaya pumayag nadin ako.
"Masyado ba kong nakakatakot na tao para sayo? Dahil ba nakita mo na kong sinasaktan ang ibang tao?" ngumiti ulit sya kaya naman hindi ko alam kung anong ipinapahiwatig nyang emosyon.
"Nagkakamali ka, alam mo ikaw lang ang tanging nagtanggol sakin kahit si Papa hindi iyon magawa, dati hindi ko alam kung bakit pa ko nabubuhay, kung bakit naiiba ako, kung bakit napakahina ko, pero ngayon mukhang may dahilan na kong talikuran ang lahat ng mga iniisip kong negatibo simula nung araw na nagpakita ka ng malasakit para sakin" hinawakan nya ang balikat ko.
"Sean, hindi ako ang dahilan ng lahat ng yan, ikaw yan dahil natuto kang kilalanin ang sarili mo, osya kumain ka na"
Kahit gano pa itanggi ni Recca, sya parin ang dahilan kung bakit mas ginusto kong magexist sa mundong ito.
"Ang sarap ng mga niluto mo" nginitian ko sya.
"Aish, tama na ang bola, kumain ka nalang kung ayaw mong ipagdamot ko yan"
--
Zach's POV
Ginusto kong mapag-isa kaya napadpad ako sa rooftop. Nakita ko si Recca na ngumingiti kasama ang nerd na yun.
"May namamagitan na ba sa kanila ngayon? Nagagawa nyang mapalapit sa ibang tao samantalang sakin palagi syang lumalayo? Tss" bulong ko.
--
Ash's POV
"Ano ng gagawin ko? Anong gagawin ko?" wala akong tulog kakaisip kung pano mababayaran ang utang namin.
"Ash? Ayos kalang ba?" nagulat ako kay Recca.
"Huh? Oo naman. Haha. Ano ka ba?" pinagpapawisan na ko.
"Pwede ba kong humingi ng pabor mula sayo Rex?" tanong ko.
"Ano ba yun?" sagot naman nya.
"Aalis na muna ko, ikaw na muna ang bahala dito. Pasensya na kung iiwan kita ng ganito. Babawi naman ako sa susunod" ngumiti ako sa kanya.
"May nangyayari ba?" tanong nya.
"Wala naman. Sge na" at iniwan ko na sya.
--
Recca's POV
Humahangos na umalis si Ash sa cafe. Alam kong may nangyayari lalo pa't...
Last week.
"Kelan ba kayo magbabayad ng utang huh?" sigaw nung lalaki.
"Pasensya na po, wala pa po talaga akong pangbayad sa ngayon pero pangako mababayadan ko din kayo" sagot ni Ash.
"Baon na baon na kayo sa utang, alam mo ba yun? Kahit naman kunin namin yung bahay, kulang padin. Pero pwede mo namang ibigay nalang yung kapatid mong lalaki para magtrabaho samin tapos nun, wala na kayong utang" sabi ni Ash.
BINABASA MO ANG
I'm No Angel
AcciónStory of first loves. Story of love not only for opposite sex but love for all.