Recca's POV
Nagising ako at napansin ko si Zach sa tabi ko. Nakaupo syang natutulog? Teka nga, ano bang meron at dito sya natulog? Ah, tama mukhang inatake ako last night.
Bumangon ako at sya naman nagising na din. Umiwas ako ng tingin.
"Gising ka na. A.. Ayos ka lang ba?" he asked and I nodded.
"Ahm, pasensya ka na sa nangyari ----"
"Natakot ba kita? Sorry din. At saka di mo naman sinasadya, di mo naman alam na may ganun ako. Wag ka ng mag-alala pa" I explained.
"Pero sana hindi mo na ko sinamahan dito" I added.
"Yah! Pano namang hindi kita sasamahan eh kita mong hindi ka na makahinga kagabi" nag-alala ka pala sakin. I smiled.
"At saka baka matakot ka na naman, may kinatatakutan din pala si Recca Jung"
"Kung iinsultuhin mo lang ako, umalis ka na. Lumabas ka na sa kwarto ko!" sigaw ko sa kanya.
"Teka Recca, hindi naman kita ---"
"Lumabas ka na please lang!"
Arrrggh. Okay na eh, tapos eentra sya ng ganun? Nakakawalang gana syang kausap. Hays.
--
Zach's POV
Grabe, kelan ba kami nagkaroon ng matinong pag-uusap. Aish.
"Zach, okay na ba si Recca" tanong ni Mama.
"Okay na po ako" entra ni Recca.
"Magbihis kayo, pupunta tayong province" utos ni Mama.
"Bakit biglaan ata?" I asked.
"Long weekend nyo plus sinara ko muna yung shop and naisip kong kailangan ni Recca ng isang place na tahimik"
"Mama, hindi nyo na po ---"
"Recca, dapat magbihis ka na, malelate na tayo" I smiled at her pero inirapan nya lang ako. Aigoo.
"Tama, magbihis na kayo at magpack ng mga gamit nyo" pahabol ni Mama.
Mukhang masaya tong idea na to. Me, Recca and Mama only. Hoho.
FF.
Nakadating na kami and mukhang hindi pala magiging madali ang bakasyon namin dito. Para akong bumalik sa nakaraan na hindi pa naaabutan ng kabihasnan. Hays.
"Nagsisisi ka na ba?" Recca asked.
"A.. Ako? Bakit naman?"
"Baka kase ang iniisip mo sa isang mamahaling resort tayo pupunta?" ginagantihan nya ba ko? Pft.
"Hindi noh. Baka ikaw"
"Ani. Nakapunta na ko dito kaya alam ko na" sagot nya.
Ah, okay. Di ko maalala kung nakapunta na ko dito pero familiar yung place.
"Mama" tawag ni Mama sa isang matanda.
"Oh nandito na pala kayo"
"Hello po" -Recca
"Hello po" ginaya ko si Recca. Lol.
"Ikaw na ba yan Recca? At si Zach, ikaw na ba yan? Akala ko hindi na kita makikita. Pero napakasaya ko't nandito ka" I smiled at her.FF.
Bakit ba ko ang gumagawa ng apoy? Hays. Kanina pa ko paypay ng paypay dito pero ayaw nya talaga. Arggh.
"Ako na dyan" hinawi ako ni Recca at sinimulang magtrabaho sa apoy, ilang minuto lang napaapoy nya na agad.
"Woah. May hindi ka ba alam gawin?" nagtaka sya sa tanong ko.
BINABASA MO ANG
I'm No Angel
ActionStory of first loves. Story of love not only for opposite sex but love for all.