Recca's POV
Pagkagising na pagkagising ko ay nagluto ako tapos ay nagjogging muna sa labas hanggang sa umuwi na ako.
Sinalubong ako ni Mama sa bahay.
"Recca, may bisita ka sa loob" bungad ni Mama.
"Huh? Sino po?"
"Kaklase mo daw, susunduin ka" sabay ngiti ni Mama. Parang di ko gusto yung ngiti ni Mama ngayon. Huehue.
Sa loob.
"Nigel?"
"Recca" anlaki ng ngiti nya sa mukha nya.
Fast forward.
Kumakain kaming tatlo nila Mama.
"Nigel, kamusta si Recca sa school?" tanong ni Mama.
"Ayos naman ako Mama" sagot ko.
"May umaaway ba sa kanya?" tanong ulit ni Mama.
"Naku, wala po" sagot ko ulit.
"Nigel na pala pangalan mo ngayon. Haha" sabay silang tumawa ni Mama.
Pinagkakaisahan nila ako. Ramdam ko.
After.
"Mama, alis na po kami" paalam ko.
"Maraming salamat po. Mauna na po kami" paalam din naman ni Nigel.
"Mag-iingat kayo" sagot naman ni Mama.
Medyo nakakalayo na kami pero kinawayan nya ulit si Mama. Natawa naman ako sa ginawa nya.
"May nakakatawa ba?" tanong nya kaya pinigil ko ang tawa ko.
"Wala, nga pala ano yung pinag-usapan nyo kanina ni Mama nung wala pa ko?"
"Curious ka? Tanungin mo Mama mo" nilapit nya pa ang mukha nya. Tsk.
"Nang-aasar ka ba?" sigaw ko sa mukha nya.
"Hindi ko pa din nakakalimutan yung pagbibintang mo sakin" akala ko wala na yun sa kanya.
"Kelan? Kelan kita pinagbintangan?" tumatawa na naman sya, hindi bagay sakin ang magpanggap. Hays.
"Sorry. Sorry na. Hindi ko naman sinasadya" nagulat ako sa sinasabi ko kaya tinakpan ko ang bibig ko. Tumatawa sya ulit. Naman... Arggh.
"Mukhang sincere ka naman kaya sasabihin ko na" nilapit ko ang tenga ko.
"Sabi nya, bumalik daw ako"
"Bumalik ka? Bakit naman?" nagulat ako sa sinabi ni Mama.
"Ewan ko" ngumiti sya.
"Nga pala, bakit mo ba ko sinundo pa?"
"Kase di kita naihatid last night at feeling ko may utang ako sayo" proud nyang sagot. Umirap lang ako at nagfocus na sa paglalakad. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil natalon pa sya habang naglalakad. Lol.
--
Zach's POV
"Zach, bakit ba hindi mo sinusunod ang utos ko sayo" si Papa na naman.
"Sinabi ko na, ayokong manahin ang kumpanya, wala na ba kayong ibang maaasahan, bukod sakin. Sige na po, malelate na ko" maiinis na naman sya sakin neto.
School.
Nakita ko si Recca. Masaya sya. Mas masaya sya pag hindi ko sya pinapakialaman. Mas masaya sya kapag hindi nya ko nakikita kaya mas mabuti nading iwasan ko na sya. Nagsimula lang naman to simula nung makita ko sa kanya si Reese, na alam naman nating imposibleng mangyari.
BINABASA MO ANG
I'm No Angel
ActionStory of first loves. Story of love not only for opposite sex but love for all.